JANINA POINT OF VIEW
Pagmulat nang mata ko nagtaka ako kasi nasa kwarto na ako paano? Naglakad ako dito habang tulog?!
Pero hindi ko nalang yun inisip kasi gumayak na ako agad kasi may pasok na ulit! Mabilis ako nag ayos nang sarili ko at inayos yung hinigan ko naligo na ako agad at nagbihis na sa uniform ko at nagsuklay nag polbo at inayos yung mga gamit ko sa school nang na ayos ko nalang lahat humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko at naisip na malapit na akong mag graduate, kung wala yung tulong ni Mr.Kim, Darren at iba pa siguradong sobra akong mahihirapan kung wala sila
Nagpakawala ako nang buntong hininga at bumaba na para kumain nandun na sila Ate Andy at Andrei pero wala si Fancy, nakisalo na ako sa kanila at kumuha nang pagkain ko pero hindi ko maiwasang hindi mag tanong
"Hmm? Nasaan po si Fancy?" Tanong ko
"Masama ang pakiramdam niya kaya sa kwarto nalang siya kumain" sagot ni Ate Andy, lah?! Anong nang yari sa batang yun? Tumango nalang ako at kumain nalang
"Pasok na ako, Ate" sabi ni Andrei, lah? Diko pa nakakalahati yung pagkain ko eh pero hindi ko nalang siya tiningnan at kumain nalang nang kumain hanggang sa kaya ko hindi ko na muna siya papansinin para hindi ako masaktang sobra mahirap na
"Sige ingat" sabi nalang ni Ate Andy pero ako kumakain nalang din at hanggang sa maka-alis si Andrei, nakahinga ako nang maluwag
"I miss you" bigla akong napalingon kay Ate Andy nang sabihin niya ang linyang iyon feeling ko gusto ko agad maiyak
"Ate Andy?" Tawag ko sa kanya at nakikita kong maiiyak na din siya, namiss ko siya nang sobra
"Sorry ah? Sobrang sama nang nagawa at nasabi ko sayo" hingi niya nang tawad
"Wala po iyon deserve ko naman yun eh" sabi ko
"No, hindi mo deserve yun kasi alam kong wala kang kasalanan pero pinipilit ko parin ang sarili kong magalit sayo" sabi niya, wala na naiyak na ako tumayo siya kaya tumayo din ako at niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya nang mahigpit sobra ko siyang namiss
"Ate Andyyyy" sabi ko nalang at umiyak
Kumalas siya sa yakap "Naku! Male-late kana!" Sabi niya
"Ah sige, Ate alis na po ako" sabi ko
"Naaahh! Wag kang ma-ngu-po!" Sabi niya
"Hehe sige po" sabi ko at umalis na grabe! Diko inaasahan na magkaka-ayos na kami ni Ate Andy
Sumakay nalang ako Jeep para tipid, habang nakasakay sa jeep iniisip ko parin si Ate Andy, hayyss sa wakas! Akala ko kasi forever na siyang galit sakin pero laking pasasalamat ko at hindi
"Paraaa pooo!" Sigaw ko at agad din namang huminto yung jeep at bumaba na ako
Nakatayo ako sa harap nang School ko ang tagal ko ding hindi nakapasok dito ah, kaya pumasok na ako haha pag pasok ko palang bulungan na agad ang sumalubong sakin! Mga hanjokkk kayo!
'Totoo nga! Break na sila ni James'
'Oo nga hindi sila sabay eh'
'Ayos lang yun hindi naman sila bagay eh'
'Kaya nga!!!'
'Ang landi din kasi nang babaeng yan eh'
'Oo nga!!! Lakas nang loob na ipagpalit si James!'
'Oo ngaaa napaka tanga niya'
Huhuhuu mga punyemassss kayooo huhuhu
'Si janina yan oh? Ang ganda niya talaga at ang simple pa'
YOU ARE READING
One Roof With Mr.Sungit (COMPLETED)
Teen FictionOne roof with mr.Sungit omgiiiiiiiiii!!!!!