Tale # 1

6.5K 71 4
                                    

Mika

Patapos na yung last set nang pinapasok ako ni Coach. 6 points na ang lamang ng Ateneo. Kung ikukumpara ko ang laro last year sa laro ngayon, mas nahirapan ako ngayong taon. Malakas tumira si Valdez at solid ang foundation ng blockings nila kaya nagaalangan na akong tumira. Mukhang kabisado na nila ang strategy namin eh.

Tumingala ako sa screen at nakita kung gaano kalaki ang lamang ng opponent… 6 points. I shook it off. Kaya yan. Ilang beses nang nangyari samin to. 1 point na lang non ang kailangan ng Ateneo pero nakahabol pa rin kami. Surely, now’s not any different right? Kakayanin din namin.

Naramdaman kong tinapik ako ni Ara sa likod at tinuro ang screen sa taas. Sakin naka focus ang camera. Napailing na lang ako at huminga ng malalim. Rinig sa buong araneta ang malalakas na hiyawan ng mga supporters, which makes it more nerve-wracking. They’re all counting on us.

Kitang kita sa mukha ni Ate Aby ang frustration. She didn’t know what to do anymore. Nang mapalingon siya sakin, I gave her a reassuring smile and made a thumbs up. No room for negativities here- especially when we’re trying to get back that 6 points.

Kasabay non ang pag-pito ng referee. My heart was pounding from the adrenaline rush that is pouring through my veins.

Si Ate Aby ang nag-serve. Despite the tension building up inside her, pasok pa rin ang service niya. At dahil sa malakas ang opponent, hindi naging ganon kadaling ma-block ang ball. Out ang bola. Gusto kong himatayin. I rub my forehead in frustration. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko, mga tenga ko pumapantig.

“Relax. Pulang pula ka.” Sabi ni Cyd. I shake my head and sigh. “Smile lang. Alam mo namang ikaw ang crowd favorite. Wag mo pakitang hirap ka. Chill lang tayo. Kaya natin to.”

Tumango na lang ako as I waited for the service that will be coming from the other side of the court.

Si Morente ang nag serve. Matagal tagal ding pasahan ang nangyari but at the end, naka score ang La Salle dahil sa spike ni Ara. 1 point… 5 more to go.

“Kaya yan!!!” sigaw ni Kimmy.

Since kami ang nakakuha ng point, samin manggagaling ang service. This time, it was Cyd’s turn. Napansin kong kay Ara naka focus sila Alyssa at Den Den. I took a deep breath as I tried to think of what I’m going to do.

Safe na naitira pabalik ni Alyssa ang bola. Sa lakas non, halos hindi na naabutan ni Ate Aby. I was cursing under my breath. Naitira pabalik ni Ate Aby pero naibalik nanaman ulit ni Morado. This time, nakahanap na ako ng tyempo.

Nang tirahin ni Ara palikod yung bola, I immediately shout, “MINE!!!” at tinira ng malakas ang bola. It went in nang walang nakasalo mula sa kabila. I scream my heart out for joy habang niyakap naman nila ako.

“MIKA REYES!!!” sigaw ng announcer and everyone started screaming.

“Go! Kaya natin to. 4 points na lang, ayos tayo guys.” Sabi ko.

“Focus. Wag niyo i-pressure sarili niyo. Mas lalo tayong naaalangan eh.”says Ate Aby.

Tumakbo agad ako sa position ko nang in-announce na ako yung magse-serve. Critical na to, lalo na at one point na lang Ateneo na ang mananalo.

Inabot na sakin ang bola and my hands were shaking as I dribbled it. I look up at the screen, only to see that I was the focus at the moment. Pumikit ako at huminga ng malalim.

Lord, please.

Saktanong pumito na ang referee.

Everything went by too fast. Safe ang serve ko, pero sa sobrang tension na nararamdaman namin, kinapos kami sa mga tira. I even dunked para matira yung bola kaso masyado akong malayo. I scream in frustration as the score finally went to Ateneo.

It's Not A Bad Thing: Miefer's Tale of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon