Chapter Three

6.5K 216 18
                                    

Hindi makapaniwala si Jazz na nakasabay nga sa kanya si Althea sa mabilisang pagbaba ng hagdan kahit pa nakatakong ng mataas ang dalaga.

"OMG. Tayo ba yong binaril?" madaldal na saad nito simula ng bumaba sila sa hagdan.

Nang ilang baitang nalang sila pababa sa basement, nagulantang na lamang sila sa malakas na kalabog. Blag!

Napaurong tuloy sila imbis na magpatuloy pa sana sila sa pagbaba. Wala ng oras pa kaya binuhat niya si Althea na parang sako at hindi rin naman pumalag ang dalaga. Hindi pa kasi siya tapos dito. Kailangang mapaamin niya ito kung sino-sino pa ang mga kasabwat nito.

Binunot niya ang baril at nagpatuloy siya sa pagbaba buhat-buhat si Althea. Kung double agent man ang dalaga, pwes hindi na ito makakalaya pa sa mga kamay niya. Baka armado rin kasi ito at nagpapanggap lang na chicka babes ngunit amasona pala. Pero kung may baril pa ito saan naman nito pwedeng ilagay? Di bale na, basta hindi niya ito pakakawalan.

Torn between protecting her from Mayute's men and protecting himself from her, he decided to go with his gut. Ililigtas nalang muna niya ang mga sarili nila dahil may kailangan pa siya sa dalaga.

Ngunit bigla nalang silang hinarang ng dalawang armadong lalaki sa pintuang palabas ng basement. Hindi pamilyar ni Jazz ang mga ito, malamang bagong recruit na mga tauhan ni Amal Mayute.

Hindi pa nga siya nakahuma ay pinaputokan na siya ng mga ito dahilan sa pagkalaglag nila ni Althea sa hagdan.

Tumilapon si Althea sa kung saan habang nadaganan naman niya ang dalawang lalaki. Close combat was his only viable option for that moment.

Nagsimula nang bumangon ang kanyang mga kalaban at mukhang nag-unahan lang sila kung sino ang matirang matibay.

Jazz felt the rush of adrenaline through his veins. And this happen to be his favorite feeling in the world. Sa mga ganitong sitwasyon kasi siya lalong lumalakas.

Nang makita niyang akmang pupulutin na sana ng katunggali niya ang baril nito ay mabilis niya itong tinadyakan sa mukha dahilan sa pagkatumba ulit nito. Nakita naman niyang hinugot ng isa pa niyang katunggali ang isa pa nitong baril mula sa beywang nito kaya maagap siyang nakipag-agawan ng baril nito. Hanggang sa isa sa kanila ang unang kumalabit sa gatilyo.

-----

Mabilis na tumayo si Althea mula sa pagkalaglag nila sa hagdan. At nakita nalang niyang nakipag-agawan ng baril si Jazz sa kalaban. Sa tuwing pumuputok ang baril na pinag-agawan nila ay mapapaigtad siya sa gulat. Dalawang beses na kasi itong pumutok at hindi niya kayang manuod lang.

Kaya nang akmang lalapit na sana siya sa mga ito, biglang umalingawngaw na naman ang isa pang putok at nakita nalang niyang bumulagta sa lupa ang duguang katunggali ni Jazz. Sa tanang buhay niya hindi pa siya nakakakita ng taong nabaril kaya panandaliang natulala siya sa nakita. Napabalik lang siya sa presensya nang biglang sinakyan si Jazz sa maskuladong mama sa kanyang likod at pilit na inagaw ang kanyang baril. Tadtad ng tattoo ang mama at ang pangangatawan nito ay pang body builder. Juice colored!

But then, Jazz slammed Mr. Muscle against the wall over and over until the gun dropped to the ground near their feet.

Nakakita naman ng pagkakataon si Mr. Muscle na mapabagsak si Jazz sa lupa nang sikohin nito ang batok ng agent.

Nalamangan tuloy si Jazz ni Mr. Muscle dahil ito ang pumaibabaw sa lalaki at pinagsusuntok ang gwapo nitong mukha.

Pero nang si Jazz naman ang nakakuha ng advantage mula sa katunggali, he grabbed Mr. Muscle's arm and twisted it around his back. He punched the man's face making something crack. At talagang dumudugo ang ilong nito nang matamaan ito sa kamao ni Jazz.

Tough Hunks Series (8) Jazzper : The PeacekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon