Chapter One

11.6K 232 11
                                    

The Interpol Agency office was decidedly free of gadgets. Alam na ni Althea yan sa tatlong taon na niyang paninilbihan bilang sekretarya sa naturang ahensiya. Besides, no covert operatives displayed their gadgets in plain sight. Alam na kasi nila ang patakaran ng ahensiya na ang lahat ng gadgets na meron sila ay doon lamang nakalagay sa sekretong basement.

Still, nagustohan pa rin niya ang trabaho kung ano man siya ngayon. Pero ngayong gabi, sa tingin niya kailangan talaga niyang gumamit ng gadget. Ang problema kasi ay mukhang nasira ang zipper sa pinakabago at pinakamahal na damit na binili niya. Suot pa naman niya ito ngayon.

Kanina pa talaga siya naroon sa loob ng office restroom, nakatalikod sa salamin at pilit na inaangat ang zipper ng kanyang damit pataas dahil bigla itong umurong sa gitna. Letsugas na matigas. Ba't ngayon pa nangyari sakin to oh. Then it hit her that she was acting more like a dog chasing its tail than a single girl ready to mingle with her friends this Valentines Day.

At dahil sa nawawalan na talaga siya ng pasensya kaya bumigay na lamang siya. As in give up na talaga siya kaya't lumabas na siya sa restroom at pasalampak na umupo sa kanyang swivel chair. Kinuha niya ang kanyang make up kit at iritadong naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Kung hindi lang talaga dahil sa pangungulit ng bff niyang si Kirsten hayan hindi talaga siya pupunta sa event ngayong gabi.

Here it was nearly nine o'clock on Valentines Eve at wala ng oras pa para magpalit pa siya ng damit. Nag overtime pa kasi siya kaya masyado rin siyang natagalan.

Actually, ang totoong rason kung bakit halos gabi-gabi nalang siyang mag overtime ay dahil gusto niyang matulongan ang sakop nilang mga agents na mahuli ang pinakanotoryos na criminal mastermind sa buong mundo. Nagkataon rin kasi na isa ito sa nakasulat sa kanyang bucket list.

At higit sa lahat nagkataon din na ito ang misyong nakatoka sa pinakabago at pinakagwapong agent nila sa naturang branch ng ahensiya. Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi ang kababayan niyang Filipino na si Jazzper Dimatinag, na kung mailalarawan niya ay nagsisimula ito sa tatlong titik na D. As in Drop-dead gorgeous, Delicioso and Droolworthy.

Nagsimula ang major crush niya dito nang first time itong mag report sa opisina nila. Kininditan kasi siya nito at ginawaran ng isang matamis na ngiti na ikinahulog ng puso niya. Lumipat si Agent Dimatinag dito sa branch nila sa Washington mga five months ago mula sa ibang branch nila sa Central America. Ngunit yon lang pala ang una at huling pagngiti ng agent sa kanya dahil sa mga sumunod na araw, ni hindi na nga siya nito tinapunan ng kahit konting pansin. Eh nagpapapansin rin nga ang dalawa pa niyang kasamahan na babae sa opisina kay Agent Dimatinag, ngunit keber lamang ang huli.

Isa rin sa dahilan kung bakit naging madalas ang kanyang pag overtime dahil gabi na rin kasi pumapasok sa opisina si Agent Dimatinag. At least man lang masilayan niya ito.

Napabalik ulit sa pokus niya ang nakaka stressed niyang zipper. She paid six hundred bucks and the dress wasn't even wrinkle resistant. Shiti naman oh, katumbas pa naman ng isang buwang sweldo ko ang halaga ng damit na ito.

Nang makita kasi niya itong naka display sa botique nong isang araw, hindi na siya nakatulog pa dahil iyon talaga ang perpektong damit para isuot niya sa Valentines party nilang magkakaibigan. May inorganisa kasi ang mga ito na party para daw sa kanilang magkakaibigan sa mismong araw ng mga puso. Tiyempo naman at kahihiwalay lang nila nong isang buwan ni Zian. Eh di malaya ulit siyang makapagliwaliw sa gabi. Kaya pupunta talaga siya sa party at hindi maaring maging hadlang ang kanyang zipper upang hindi siya makadalo. Hindi siya si Althea Steel kung hindi siya resourceful. Kaya utak naman niya ang kanyang paaandarin.

In two minutes flat, nagawan talaga niya ng solusyon ang kanyang problema. Linagyan kasi niya ng paper clip ang kanyang nasirang zipper. Eh di nagmukhang bongga tuloy ang kanyang damit.

Tough Hunks Series (8) Jazzper : The PeacekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon