Chapter Five

5.6K 188 14
                                    

Magkahawak-kamay pa ring naglalakad sina Jazz at Althea. At hiling ng dalaga na ordinaryo nalang sana ang araw na yon. Na walang panganib silang sinusuong sa mga oras na yon. Gayunpaman, naging kumpleto naman ang kanyang Valentines Day dahil nakasama niya ang pinaka hot na lalaki sa paningin niya. At siyempre, bonus na bonus pa yong halik.

Speaking of halikan nila ni Jazz, OMG! As in Oh My God! Marunong pala itong humalik. Tuloy nakukuryoso siya kung ano pa ang expert nito.

Ngunit nabaling lang ang kanyang paningin sa hotel kung saan dumaan sa panganib ang mga buhay nila. Matatanaw lang kasi niya iyon mula sa nilalakaran nilang sidewalk. No wonder kung bakit mas naging traffic dahil dumating na pala yong mga truck ng bombero at patrol cars. Naka cordon kasi ang mga iyon sa naturang hotel.

Napayakap na lamang siya sa sarili habang iniisip ang muntik na kapahamakang sinapit nila ni Jazz kanina. Talagang nakakapanginig ng kalamnan ang naranasan niya.

The worst of it was her dawning awareness that a bunch of international criminals already seen her face. Lagot talaga siya nito, baka siya na ang susunod na target. Nabasa kasi niya ang file ni Amal Mayute at alam niya kung anong kayang gawin nito dahil sa rami ng bigating tao na koneksyon nito. Malaking problema nga niya ito. Sana ang problema nalang niya ngayon ay ang hiniwalayan siya ng kanyang boyfriend.

Alam kasi niya na mula sa araw na to, hindi na siya lulubayan pa sa mga taong iyon. Kaya't dumikit pa siya ni Jazz habang binaybay nila ang mataong sidewalk, opposite sa direksyon ng hotel.

More than anything, maliban nalang siguro don sa toe-curling na halikan nila ng suwabeng agent, kailangang malaman niya ang kasagutan kung bakit sumablay yong surveillance ni Jazz, at ang lalong nagpaintriga sa kanya kung bakit ayaw nitong humingi siya ng tulong ni direktor Taha o di kaya sa mga kasamaham nitong Agents?

"Saan tayo pupunta?" sa halip na tanong niya.

"Someplace safe. Kailangan munang makalayo tayo sa lugar na to."

Napansin naman niya na ang direksyong tinatahak nila ay papunta sa opisina nila sa Interpol.

"Pupunta ba tayo sa Interpol o sa bahay mo?" Alam kasi ni Althea mula sa employee's record na nakatira si Jazz malapit lang sa opisina nila.

"Hindi, sasakay tayo ng trolley."

Pupunta sila sa station ng trolleybus? Alam kasi niya na sobrang matao ngayon at sigurado siyang halos puno na rin ang byahe ng mga trolley sa gabing iyon. Uwian na kasi galing sa mga pares na nagdi-date.

If the idea was to get off the streets and out of view, taking the trolley was a bad plan. "Malapit lang naman dito ang kotse ko. Nasa parking garage lang ng Interpol."

"Sinabi mo nga yon sakin kanina, pero hindi tayo lalapit sa Interpol hangga't hindi ako fully loaded. Lalo na't hindi ko alam kung sino yong mga gonggong na humahabol satin kanina."

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Akala ko ba kilala mo kung sinong mga tauhan iyon."

Hinawakan naman nito ngayon ang kanyang siko. "Tonight's ambush was a setup."

"As in?" That revelation only left her with more questions. Alam kasi niya na hindi lang ang ahensiya ng Interpol ang naghahanap kay Amal Mayute. Plus, Jazz was only a newly transferred agent - malamang hindi siguro agad siya ang target ng mga ito.

"Yes."

"I don't get it. Amal Mayute is the most wanted criminal in the world. Bakit naman pagtitiyagaan niya ang isang agent na katulad mo?"

"Hindi si Amal Mayute ang tinutukoy ko. The setup at the hotel wasn't an outside job. Sa tingin ko, meron sa ahensiya natin ang gustong pabagsakin ako."

Tough Hunks Series (8) Jazzper : The PeacekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon