Chapter 3

2.6K 33 0
                                    

Kiefer's POV

Hindi ko napigilang mapangiti nung naalala ko yung eksena sa tapat ng School. Kinikilig ako. Wait, did i just say kinikilig? My God Kiefer, nababaliw ka na ba? Bakit ba iba ang epekto ng babaeng 'to sa akin.Para siyang Drugs, nakakaadik.

Mika: Anong nginingiti-ngiti mo diyan?

Ako ba kinakausap niya?

Mika: Anong ngiti yan Mr.Ravena?

Ako nga. Nakatingin na sila sa akin ngayon at naghihintay ng sagot. Isip ng palusot Kiefer.Dali.

Kiefer: Nakakatawa ka kasi. Ang weird mo. Diyan na nga kayo.

Alam kong ang Lame ng excuse tapos sinabayan ko pa ng walk-out.Bahala na.

Jeron's POV

Anong problema nun? Biglang Walk-out. Sa totoo lang may nagbago diyan kay Kiefer eh. Nagsimula yan nung nakasali si Mika sa group namin.Hindi ko sinasabing expert ako sa mga babae, pero yung kilos at mga ngiti niya kay Mika, alam kong may iba eh. Parang may spark sa kanilang dalawa. Ayokong mag-assume at 'di rin naman ako naniniwala doon, pero baka ito yung tianatawag nilang Love at first Sight.

Thomas: Ikaw pa ang naging weird Mika? Eh siya nga 'tong Weird. Diba Jeron? Haha

Oo weird talaga. Hindi naman kasi siya ganyan.

Ara: Napapansin ko din. Parang may iba?

Jane: Baka naman may sikreto siyang tinatago sa atin.Ang daya ah.

Kung Ano man yang Sikreto mo Kiefer, aalamin ko yan.

SETTING: Mika's House

Mika's POV

Mokong talaga yun. Ako nakakatawa? Kasi weird? Baka siya yun.Imposible na sigurong maging Close kami nun.

Daddy: Hi princess!

Aba himala. Maaga ang uwi niya ngayon. This past few days kasi wala talaga kaming time mag-usap.Sabagay ayoko rin naman siyang makausap kasi masama pa rin ang loob ko.

Daddy: Princess, may tampo ka pa rin ba? Kailan mo ba ako mapapatawad?

Kailan nga ba?

Daddy: Maiintindihan mo din anak na tama ang desisyon ko.

Sana inintindi din niya na kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko.

Daddy: Sige na anak, alam kong pagod ka na kaya magpahinga ka na.

Sorry Dad. Alam kong maayos din 'to.

Thomas' POV

1 week na din mula nung kinausap ako ni Jeron tungkol kay Kiefer. Ang mission namin? Alamin ang Sikreto ni Kiefer. Pinili na lang muna naming ilihim 'to sa mga girls lalo na kay Mika kasi ang hula daw ni Jeron ay tinamaan na si Kiefer ng LOVE. Medyo natawa pa nga ako nung sinabi ni Jeron yun. Kasi, 'si naman sa pagyayabang, kahit sa gwapo namin 'to, 'di kami nakilala bilang mga babaero kaya wala sa diksyunaryo namin yang Love. Pero kung totoo man yung hulang yun, Nakakaexcite 'to.

Kringggg! Kringggg! Kringggg!

Thomas: Hello!

Jeron: Bro, don't forget the plan ah. Heading na ako papuntang Practice.Kita na lang tayo dun.Bye!

Ang plan namin? Gisahin siya sa sariling niyang mantika.Hahaha

Setting: Basketball Gym

Kakatapos lang ng practice namin ngayon at nagsi-alisan na ang ibang team mates ko. Kami na lang nila Thomas at Jeron ang naiwan. At mukhang kanina ko pa napapansin na may gusto silang sabihin sa akin.

Kiefer: Bro, may gusto ba kayong sabihin?

Jeron: Ha? Wala naman. Baka nga ikaw itong may gustong sabihin eh.

Ako? May gustong sabihin?

Thomas: Ikaw ba bro may inililihim sa amin?

Ako? May inililihim? Ano bang pinagsasabi ng dalawang 'to.

Jeron: Nakakatampo ah. Parang ayaw mo nga kami pagkatiwalaan.

Kiefer: Ano na naman bang Kadramahan yan? Para kayong tanga.

Thomas:Sus, kunyari pa siya oh.

Kiefer: Teka nga lang. Diretsuhin niyo na nga ako.

Jeron at Thomas: Crush mo si Mika!!

Sabay akbay nila sa akin.Ganon na ba kaobvious? Ano aamin na ba ako?

---+++

Oo Kiefer amin na XD Malapit na tayo sa Conflict.Baka maagaw pa sayo si Mika niyan.

Ang hirap palang gumawa ng Story :) Bukod sa Pagsakit ng utak, ang sakit din sa kamay.

Wew! NakaChapter 3 ako :) Thank You sa mga nakapansin na nito!

mie_fer

^^

Chasing Pavements?! (MieFer FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon