Chapter 8

2.3K 26 0
                                    

SETTING: School canteen

Kiefer's POV

Ang sarap sa feeling na mag-kaayos na kami ni Mika. Buti na lang hindi na dumaan sa mahabang proseso. Yun nga lang, natitiyak ko ngayon na mahaba habang explanation ang sasabihin ko sa tropa kapag nalaman nilang nag-kaayos na kami ni Mika at natitiyak ko na todo asar ang aabutin ko. Kaya nga medyo nagpalate ako sa lunch para pag-handaan yun.

Jeron: Bro! Nandyan ka na pala. Dalian mo naman, nagugutom na kami oh.

This is it Kiefer.

Kiefer: Ay sorry guys ah, may inasikaso lang ako. Hi Mika.

Nakita kong nakangiti ng nakakaloko sa akin sina Jeron.

Ara: Ikaw ah.

Thomas: Naku bro, palusot ka pa na nag-aaral kahapon yun pala nasa galaan ka.

Jeron: Oo nga, kaya talaga 'di kami naniniwala na nag-aaral ka. Ikaw pa?

Sabay tawa nila. Tsss.

Kiefer: Ano bang nasa galaan.

Jane: Kwinento na sa amin ni Mika.

Ngumiti si Mika sa akin. So naunahan na niya pala akong magkwento.

Ara: Sabi sayo Mika, mabait talaga yang si Kiefer.

Thomas: That's our man.

Jeron: Ikaw na Bro.

Naku. 'Wag niyo lang akong maasar asar sa harap ni Mika.

Kiefer: Oh dahil mabait nga ako, libre ko na yung lunch. Tara order na tayo.

Mika's POV

Medyo naninibago pa din talaga ako na mabait na si Kiefer sa akin. Siguro makakakasanayan ko din.

Jeron: oi guys, may practice game kami mamaya ah.

Thomas: Dapat manuod kayo.

Cancelled ang afternoon class namin dahil sa game nila mamaya. Grabe noh? Practice lang pero wala ng pasok? Kakaiba talaga dito.

Kiefer: One Big Fight 'to mamaya.

Ara: At bakit parang napakaseryoso naman ng laban niyo mamaya.

Thomas: Kasi babe, sinabi na sa amin ni Coach kung sino makakaharap namin mamaya.

Nakwento nga nila sa amin na sinekreto muna ng coach nila yung makakalabang team para ganahan silang mag-training.

Jane: The who ba?

Jeron: INHS basketball team.

Ara: Oh? The defending Champion? Buti pumayag ah.

Yeah. Nasabi na rin nila sa akin na last year Champion ang INHS at kami ang pangalawa kaya gusto nilang bumawi ngayon.

Kiefer: Malas kasi ng team nila, graduated na yung mga star player. Ang balita ko kaya pumayag yung coach nila kasi maraming bago kaya dapat iexpose. Pero sabi ni Coach sa akin, may isang bagong player daw na magaling.

Jane: Sus. Kayang kaya mo yun Kiefer.

Si Kiefer kasi ang star player na team nila at siya ang natatanging pag-asa para masungkit ang championship for this year.

Kiefer's POV

1 hour pa before ng practice game namin kaya nakatambay muna kaming mga boys dito habang nagdadaldalan naman ang mga girls. Actually si Jane at Ara lang talaga yung madaldal kasi si Mika nasagot lang kapag may tinatanong yung dalawa.

Jane: Oh eto girls, last question na.

May hawak siyang magazine. Mahilig talaga siya magbasa nun kaya sanay na din kami.

Ara: Oh game ano ba yan.

Jane: Ikaw ang unang sasagot Ara. What is your #BestDateEver?

Ara: Best date ever ? Uhmn. Watching movies, kain sa labas then uwi.

Jane: Ngek. Napakauncool naman. Wala ba yung medyo romantic?

Ara: 'wag na. Baka sabihin nagpaparinig ng isa dyan nagpaparinig pa ako.

Thomas: Ako ba babes?

Eto naman kasing si Thomas hindi mala Don Romatiko.

Ara: Bakit ikaw Jane, ano ba sayo?

Jane: Ako? Yung sumakay kami sa Rocket Ship tapos dun kami magdedate sa Moon. Yieee. Linikilig ako.

Kaya wala 'tong lovelife eh.

Ara: Grabe naman yun. Over masyado. Ikaw Mika.

Napaisip siya.

Mika: uhmn.I really want it to be very private. A camp out in the beach where we can talk by a romantic bonfire. Relaxing movie date in the garden. And star gazing while lying on the car's trunk.

Jane: Awww. That was so Romantic. Ang swerte ng taong makakasama mo dun.

Mika: Actually, nakaplano na yun na gawin namin ng Ex boyfriend ko.

Ex Boyfriend? May nauna na pala sa akin.

Jeron: Do you have pala?

Mika: Yeah. A Two years and a half relationship.

Thomas: ilang months na after ng break up?

Mga bro. Gusto niyo talagang pag-usapan sa harap ko yan ah.

Mika: Mula ng pagkalipat ko dito. Siya yung dahilan kaya nilipat ako ni Dad ng School.

Ara: May communication pa kayo?

Mika: Wala.

Kita ko ang lungkot niya sa kanyang mga mata.

Jane: In any case, mahal mo pa?

Mahal pa nga ba niya? Ayoko marinig. Hindi pa ako ready.

Kiefer: Ui mga bro. Nagtext na pala si Coach. Punta na daw tayo sa gym. Oi mga girls, nood kayo ah.

'Wag muna ngayon. Saka na.

---+++

Thank you sa mga bumabasa :)

mie_fer

^^

Chasing Pavements?! (MieFer FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon