Chapter 24

1.7K 26 0
                                    

Ara's POV

Nagpahatid na lang ako kina Jane at Ara dito sa bahay.Pagkadating na pagkadating ko ay dumiretso na ako sa kwarto.Nahihiwagaan kasi ako sa nararamdaman ko.Diba dapat nasasaktan ako dahil ipinagpalit ako ng boyfriend ko? Pero bakit ganito, parang nabutan ako ng isang malaking tinik.Parang lumaya ako sa isang napakatagal na pagkakakulong.

Tok! Tok! Tok!

Dad: Anak?

Si Dad.Siguro nasabi na nila Jane yung nangyari.

Ara: Pasok po.

Pumasok si Dad.

Dad: Nakauwi na yung mga kaibigan mo.Pinahatid ko na sa Driver natin.

Ara: Salamat po.

Dad: Anak..

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Ara: Dad...wala na po kami.

Gusto ko sanang sabihin na heto yung gusto niya eh.Yung mag-hiwalay kami ni Thomas.

Dad: Hwag mong isiping natutuwa ako sa pag-hihiwalay niyo.

Humarap sa akin si Dad.

Dad: Ang gusto ko lang naman ay doon sa kung saan ka magiging masaya.

Hindi ko magets si Dad.

Dad: Hindi mo na sana kasi ipinilit.Ano naman sa kanila kung wala kang karelasyon? Eh nandito naman ako para mahalin ka.Mahal na mahal kita anak.

Natatandaan ko pa yung araw na iyon.Party ng nakatatandang kapatid ni Dad.Nandoon yung mga pinsan ko na may kasamang bf/gf.Ako lang yung wala noon.Masyadong big deal sa kanila yung pagiging single ko dahil kilala ang angkan namin sa matinik sa babae at habulin ng mga lalake.

Dad: Anak, you are born to be true not to be perfect.Sundin mo kung saan ka sasaya.

Parang unti-unti kong nauunawaan ang lahat.

Ara: Salamat Dad. Salamat.

Mahigpit kong niyakap si Dad.

SETTING: School

Mika's POV

Hindi ko 100% na masasabing naging masaya ang bakasyon ko bago bumalik ulit sa School.Pag-katapos ng gabing iyon ay wala na akong naging balita sa tropa.Paminsan-minsan din akong nag-jojog ng madaling araw, nagbabakasakali kasi ako na makita si Kiefer pero ni anino niya ay 'di ko nakita.Iniisip ko na lang na nasasaktan parin sila para kay Thomas.Naiintindihan ko yun dahil matagal ang pinag-samahan nilang lima.

"Alam mo na yung chismis? "

" Yung about kay Thomas? "

Narinig kong bulungan nung dalawang babae.Kasalukuyan kasi akong naglalakad sa Hallway ngayon papunta sa Classroom.

" Magkakagalit ata sila."

"Nakita ko nga na hindi kasama ni Jeron at Kiefer si Thomas kanina."

Halos ba ng madadaanan ko nagbubulungan? At anong chismis ba?

"Nag-quit si Thomas sa basketball."

"Oh? Nabawasan ng hot sa varsity."

What? Nag-quit si Thomas? Anong nangyari? Nalaman ba ng board yung kinasangkutan niyang gulo?

"Bakit nag-quit si Thomas?"

"Ayaw na daw niya magbasketball eh."

So kusa siyang nag-quit.Hindi siya nilaglag nila Kiefer.

Chasing Pavements?! (MieFer FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon