Meet Lisa ( EDITED)

1.1K 34 0
                                    

Pagkatapos yung nangyari sa cafeteria umuwi na agad ako sa bahay para magpahinga, pagod na pagod ako .

Ang dami daming nangyari ngayong araw diko alam kung kaya ko pang ma-take,

Nung nakapahinga na ako ng kaunti, bigla na naman tumunog yung tiyan ko, Ano ba yan nagugutom na naman ako, kakakain ko lang kanina ah ,

Dahil hindi ko matiis pumunta ako sa labas para pumunta sa convenient store para bumili ng pagkain at para na rin bumili ng mga kakailanganin sa bahay para hindi ko na kailangan pumunta sa store para lang bumili,

Habang naglalakad ako may nakabangga ako na babae pagtingin ko parang nay kamhuka siya... teka nga sino ba to?

"Lisa? " banggit ko dun sa babae

Tinignan niya rin ako.

"Lilia? " banggit niya sa pangalan ko

"Lisa" sigaw ko "Ikaw nga,buti nagkita na tayo "dagdag ko pa

"Lilia, nice to meet you"sabi niya

"Nice to meet you too" sabi ko

"San ka pupunta? "tanong ko

"Jan lang sa store"

"Ay pupuntarin ako dun, sabay na tayo"

"Sige"

Habang naglalakad kami walang umiimik sa amin, buti may natandaan ako na dapat sabihin sa kanya,

"Lisa, salamat " sabi ko

"Ah ,walang anuman"

"Lisa ang laki ng naging tulong mo sa akin, hindi ko alam kung pano ko masusuklian"

"Ano kaba Lilia, ayos lang walang-anuman"

Maya maya ay nakarating na kami sa store

"Anong bibilhin mo? "tanong ko

"Pagkain lang mag memerienda" sabi niya

"Talaga? Sabay na tayo bibili rin kasi ako ng pagkain, i tetreat na kita para sa pasasalamat ko sayo"

"Naku, wag na"

"Lisa, sige na please"

"Sige na nga"

Napapansin ko dito kay Lisa, parang hindi sya palaging salita ng salita, ang tahi-tahimik niya, not like me may pagkabungangera rin minsan,

Nung nakabili na kami ng pagkain naghanap kami ng pwedeng pag upuan,
Habang naghahanap kami, nagtanong nanaman ako,

"San ka nakatira? "tanong ko

"Jan lang"

"San ka nagaaral?"

"Jan sa BRU"

"Talaga? Pero bakit di kita nakita kahapon? "

"Hindi ako pumunta kahapon dun"

"Ay"

"Nagtratrabaho kaba? "

"Hindi"

Tumango nalang ako,
Magtatanong pa sana ako kaso hindi na, para kasing naiinis na si Lisa sa kakatanong ko eh,

"Sorry Lisa kung matanong ako ah" paumanahin ko

"Ayos lang, no problem" sabi niya sabay ngiti

Ngumiti nalang rin ako,

Nung nakahanap na kami ng pag puwepuwestuhan, umupo na kami dun at dun na kami kumain,

Kumain lang kami ng kumain hanggang sa mabusog kami,

Maya-maya ay may biglang nag ring na cellphone, tinignan ko yung akin pero wala naman, tinignan ni Lisa , sa kanya pala,

"Excuse me lang ah, sasagutin ko lang toh." sabi niya

Tumango lang ako ,
Maya-maya ay nagmamadali siyang bumalik sa akin,

"Lilia, I need to go meron kasing emergency eh" sabi niya

"Oh, ayos lang Lisa sige punta kana" sabi ko

"Sige I gotta go, thank you and nice to meet you again" sabi niya

"Oo, pati rin ako babye" sabi ko tapos nag wave ako ng kamay

Tapos lumakd na siya palayo sa akin

Ako naman ay bumalik sa store para bumili ng kailangan sa boarding house , muntik ko pa tuloy makalimutan,



Itutuloy,,,,,,

My Secret Admirer Is A Gangster (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon