Breezer Rock University ( EDITED)

1.1K 44 1
                                    

Nakaalis na ako sa Cafe, dumiretso ako sa Breezer Rock University upang mag-enroll,

Maya-maya ay nakarating na rin ako sa University ,

Ang laki nitong University,

Siguro puro mayayaman lang ang nag-aaral dito, at yung mga scholar , swerte pa ako at nakapasa ako sa exam kaya ma-geenroll nalang ako,

Pumasok na ako sa loob ng BRU, at dumiretso na ako sa pag egenroll'an,

Nung naka-enroll na ako ay naisipan ko munang pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain, nagugutom na rin kasi ako ,

Nung nakarating na ako sa cafeteria, nagorder agad ako ng pagkain at pumunta ako sa pinaka gilid sa tabi ng window para walang makapansin sa akin,

Habang kumakain ako, may bigla akong narinig na tili mula sa labas ng cafeteria hanggang dito sa loob,

Ano bang nagyayari ? Bakit ba tumutili itong mga babaeng to?

Sumulyap rin ako para maki tsismis kung anong meron.

Maya-maya ay may pumasok na limang lalaki,

"Eron ang cute mo!! "

"Carl ang sexy mo!! "

"Isaac notice me,, please"

"Edward pakasalan mo ako !"

"Jethro ang gwapo gwapo mo, anakan mo ako !!!"

Yan ang mga naririnig kong sigaw ng mga babae dito sa cafeteria, halos maputol na ang mga ugat nila sa lalamunan dahil sa kakasigaw,

Nung tinignan ko yung nasa gitna na lalaki,
Parang may kamukha siya,

Teka san ko ba sya nakita?

Hay naku !baka iba !!hindi siya , hindi siya, sabi ko sa isip ko at tinuloy ko nalang yung kinakain ko,,,,,


"Tsk, di naman sila gwapo" bulong ko sa sarili ko

Habang kumakain ako may lumapit na isang babae sa kanila, linapitan niya yung nasa gitna,

Infairness maganda rin yung babae at maputi, kaso sobrang ikli yung palda niya kaya halos makita na yung panty niya,,

Ano bang nangyayari sa mga babae ngayon??!!!

"Jethro pwede bang maging boyfriend kita? " sabi niya sabay luhod niya dun sa lalaking nasa gitna "Please" sabi niya pa

Ay Jethro pala ang pangalan nung nasa gitna, mhukang sya yung leader ,

"Excuse me, ayokong magka girlfriend ng cheap na katulad mo" sabi niya dun sa babae

Kaya halos lahat ng tao sa cafeteria tumatawa, kasama na yung apat na kasama ni Jethro pero ang pinakamalakas na tawa ay yung kasama ni Jethro na mhukang chinito,,

"Hahahahaha"

"Ano sa tingin ng babaeng yan, porket lumuhod na siya sa harapan ni Jethro papayagan na siya na maging girlfriend ni Jethro?"

"Kawawang cheap"

"Desperada kasi"

Yan ang naririnig ko sa mga ibang babae dito sa cafeteria,

"Isaac kuhanan mo nga ako ng juice, nauuhaw kasi ako eh" sabi ni Jethro sa isang kasama niya na natangkad at maputi,

Kumuha naman yung Isaac at binigay niya kay Jethro,

Nung hawak na ni Jethro yung juice , nagulat ako sa ginawa niya,

Binuhos niya yung juice sa ulo nung babae

"Yan ang mga dapat nangyayari sa mga babaeng desperada at cheap na katulad mo" sabi ni Jethro sabay alis niya sa harapan ng babae

At nagtawanan ang mga tao ulit sa cafeteria,

Ang sama naman nitong lalaking to,
Ano bang tingin nya sa sarili niya ?
Har?

Tskk bwisit, buti nga may nagakakagusto pa sa kanya eh,,

Lumabas na si Jethro at sumunod naman yung apat na lalaki sa kanya

Dahil hindi ko matiis yung babaeng nakaluhod at basang basa ng juice lumapit ako sa kanya at binigay ko yung panyo ko ,

Humarap siya sa akin,
Umiiyak siya,

"Punasan mo na yung sarili mo at magpalit ka na ng damit mo "sabi ko

"T-thank Y-you" nauutal na sabi niya

Ngumiti lang ako at lumabas na ako ng cafeteria, hindi ko alam kung magiging maganda ang pagpasok ko dito sa school na to parang demonyo lahat ang nag-aaral dito eh,,,




Itutuloy,,,,,,,,,,

My Secret Admirer Is A Gangster (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon