Grouping
Tin POVMag-uumpisa na si ma'am she sa pag gro-group pero Hindi pa rin dumadating si James.
"Okay class, listen.. Ako ang mag-gro-groupo sa inyo para hindi unfair sa iba."
"Cha cha, reynan at ella."
San ba kasi pumunta yung lalaking yun.
"Rose, Albert at Lance."
Tumingin naman ako Kay rose na nakasimangot.
Halatang ayaw niya sa mga kagroup niya.
"Daniel, Marian at Tin."
Palihim Kong hinanap ang mga kagroupo ko.
Ahmm.. Okay na rin.. Pasado naman na sila sa standard ko.
"So lahat kayo ay may kagroup na? Sino pa ba ang wala?" Tanong ni ma'am.
"A-ako po Ma'am." Saad ni James habang nakataas ang isa niyang kamay.
Nakatayo siya sa may pinto at hingal na hingal.
"You're late." Aniya ni Ma'am.
"Sorry po." Pahayag ni James.
"So, dahil ikaw nalang ang walang ka group, isisingit nalang kita." Saad ni ma'am.
"Mmmm.. San kaya?" Sabi ni ma'am habang hinahawakan ang baba niya.
"Kina rose nalang po Ma'am." Pagrerecomment niya.
Kumunot naman ang noo ni ma'am.
"No.. Doon ka kina Daniel." Pahayag ni ma'am at nagpaalam na.
Napansin ko naman na ngumisi si James.
Hmm.. I smell something..
"Ang daya.. Buti pa kayo magkasama. Ako, di ko kaclose yung dalawa Kong kasama." Nakasibangot na sabi ni rose ng makalapit siya sa akin.
Kawawa talaga siya.. Dalawang lalaki pa ang kasama niya. Hayst! Alam ko na ang mangyayari, siya lahat gagawa at kikilos sa kanila.
"Kaya nga gusto Kong mapunta sa inyo rose ehh.. Kaso, kina tin ako sinama ni ma'am. Wala akong magawa." Singit ni James nang makalapit siya sa amin.
"Wow ha! As if naman gusto ka naming kasama! Feeling ka talaga." Asar na sabi ko.
Ngumiti naman siya at kumindat sa akin. Napakamot nalang sa ulo si rose.
Daniel POV
Masayang nag-aasaran sila tin, rose at James ng lumapit kami ni Marian sa kanila.
Napansin naman kami ni rose.
"Oh andito na pala ang mga ka groupo niyo. Sige Punta lang ako sa mgakagroup ko. Kita nalang tayo Mamaya ha.." Paalam niya at Umalis na.
Nakangiting nakatingin naman sila tin sa amin.
"Maupo kayo." Aniya niya.
Ang bait talaga niya. Kaya di ko siya maalis-alis sa isipan ko ehh.
"So, ano ang plano natin?" Panimula ni Marian.
"I suggest na mag overnight tayo." Sabi ko.
"Kailangan pa ba yun?"nag-aalanganing tanong ni James.
"Sa Palagay ko, kailangan talaga natin. 3 days lang ang binigay ni ma'am na palugit. at isa pa, halos wala tayong vacant kaya wala tayong panahon na gawin ito sa school." Paliwanag ni tin.
"Sa inyo nalang kaya tayo mag-overnight tin." Suggest ni Marian.
Napangiti ako sa narinig ko.
"I like that!" Ako.
"No!" James.Sabay naming saad.
Napatingin naman kaming lahat Kay James na ngayon ay Halatang natataranta.
"I-I mean.. K-kasi.. Yung daddy mo tin diba Uuwi galing sa business travel.?" Nauutal niyang Paliwanag.
Tumango naman si tin.
"Kaya Hindi pwede kasi baka makaistorbo lang kami." Dugtong pa ni James.
"Ano ka ba, ok-" di na natapos ni tin ang sasabihin niya.
"S-sa amin nalang.."
Nabalot ng sandaling ka tahimikan ang paligid namin habang nakatingin pa rin kaming lahat Kay james..
"O-okay.." Pagsang-ayon ni tin.
Ngumiti naman si James abot tinga.
Ang saya Ko na ehh. Kaso nadismaya ako nung sinabi ni James na sa kanila nalang.
Siguro di pa ngayon ang panahon para malaman lahat ni tin ang gusto Kong sabihin sa kanya.. Pero I'm sure na malapit na..
Maya Maya pa ay tumunog na ang bell.
Tumayo si James at hinawakan sa Kamay si tin.. Napansin ko ang pagkabigla sa mukha ni tin.
"Tara na, baka kanina pa naghihintay si rose.." Aniya ni James at tumingin sa amin.
"Mauna na kami.. Kita nalang tayo bukas.." Dugtong pa niya at hinila niya si tin palayo sa amin.
James POV
Hinila ko na agad palayo si tin sa kanila, ahh I mean.. To be honest Kay Daniel lang talaga.
Naaalala ko ulit ang sinabi ni Ben sa akin kanina.
Flashback..
"Narinig ko kanina na nagtatanong-tanong yung bago nyong kaklase tungkol Kay tin." Paliwanag ni Ben.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Dugtong pa niya.
Tumango naman ako.
"Isa pa.. Ayon sa nalaman ko ay galing daw siya sa isang magandang school. Oh di ba? Bakit siya lilipat kung nasa magandang school na siya. Ang nakakapagtaka pa ay wala naman siyang nilabag na patakaran doon at malinis na malinis ang mga records niya." Paliwanag niya.
Sino ka nga ba talaga Daniel? Ano ang purpose mo at lumipat ka dito? At ano ang binabalak mo?
Kung ano man yun, di ako papayag na maid aka those an mo iyon lalo na kung tungkol Kay tin.
~~~~~~~
Ahhem! Ahhem! Salamat sa pagbasa!
-JackTen

BINABASA MO ANG
Remember Me
Fiksi PenggemarStory about sa apat na tao. Si Tin Mariel at ang mga matalik niyang kaibigan na sina Rose Trinidad at James Caranto. Lahat ay mababago nang dahil Kay Daniel legazpi at unting-unti lalabas ang kanilang mga sekreto na di rin nila alam na mayroon sila.