Transferee
Rose POV
Nakatingin kaming lahat ngayon sa lalaking nasa harap.
"Please introduce your self." Pahayag ng guro namin.
Ngumiti naman siya at tumango.
"Hi. I am Daniel legazpi. Nice to meet you all." Pagpapakilala niya.
Tahimik pa rin kaming lahat at hinihintay ang iba pa niyang sasabihin Pero tumingin na siya Kay ma'am.
"O-okay. Doon ka nalang umupo sa tabi ni miss rose trinidad." Saad ni ma'am sa kanya at tinuro kung nasaan ako.
Naglakad na siya patungo sa tabi ko at nakangiting tumingin sa akin. Wala naman na akong nagawa kundi tumango sa kanya.. Like hello?! Di kami close!
Kanina pa ako palihim na nakatingin sa kanya at di ko maiwasang maweirdohan sa lalaking ito lalo na ngayon na grabe makatitig Kay tin.
Hey! Anong problema mo sa kaibigan ko ha?!
Nasa harapan namin si tin at katabi ko naman siya kaya kitang kita ko kung paano niya pagmasdan ang kaibigan ko.
Di tuloy ako makapag-concentrate sa buong oras ng pagtuturo ni ma'am. Kaya naman Pagkatunog palang ng bell ay agad Kong hinila si tin palayo sa lalaking yun.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni tin nang tumigil kami. Napakamot naman ako sa ulo.
"W-wala lang.. Magpapa-sama sana akong mag-cr." Palusot ko at nauna nang pumasok sa cr.
"Uyy sandali lang." Tugon ni tin at patakbong sumabay sa akin.
James POV
Nakita Kong nagmamadaling Lumabas sila rose at tin.
Ano na naman kaya ang problema ng dalawang yun?
Tatayo na sana ako ng mapansin Kong sinusundan ng tingin ng bago naming kaklase na si daniel sina rose at tin hanggang sa di na niya matanaw ang dalawa.
Hmmm.. Ano naman din kaya ang problema ng isang to?
Hayy mga tao nga naman.. Masyadong maproblema.. Masundan na nga lang yung dalawa.
Nakasandal ako sa pader ng Lumabas silang dalawa galing sa CR.
"Kain na tayo?" Bungad ko sa kanila habang nakacross arm.
Nagulat naman sila ng mapansin ako at napahawak pa sila sa dibdib nila.. Natawa tuloy ako sa mga itsura nila.
"Nakakagulat na pala ang kagwapuhan ko." Taas noo kong pahayag sabay hawi ng buhok ko. Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Shocks! Rose may naririnig ka ba?" Sarcastic na tanong ni tin habang nakataas ang isa niyang kilay at nakatingin sa akin.
"Ha? Wala naman ehh.. Tara na nga, sobrang HANGIN dito ehh. Di kaya ng powers ko!" Sagot naman ni rose sabay talikod sa akin at nauna na silang maglakad.
Tumatawa naman akong sinundan sila at nang nasa canteen na ay nauna na akong umupo sa isa sa mga Mesa na nasa canteen habang abala naman sila sa pag-oorder.
"Oh ayan, pagkain! Pakabusog ka ha.. Para di kung ano- ano ang sinasabi mo." Sabi ni tin sa akin at sabay abot sa akin ng pagkain.
"Salamat.." Nakangiti kong saad habang inaabot ang pagkain.
"Tse! May bayad yan!" Biro niya at tumayo ulit para kumuha ng tubig.
Sinipa ko naman si rose na katapat ko at abala sa pagsubo ng pagkain.
"Psst rose.. Kilala ba yun ni tin?" Nguso ko sa lalaking nasa likod niya na kanina pa pinagmamasdan si tin habang kumukuha ng tubig.
Pasimple naman siyang tumingin sa likod.
"Di ko nga alam eh.. Pero Alam mo ba, kanina pa yan nakatingin Kay tin. Halos matunaw na nga si tin ehh." Paliwanag ni rose.
"Feeling ko nga may gusto siya Kay tin." Dagdag pa niya.
"Talaga? Wala naman siyang ka taste taste." Sagot ko habang pailing-iling na nakatingin Kay tin na ngayon ay papalapit sa amin.
"Grabe, nakakapagod.." Aniya ni tin nang makaupo.
"Kumuha lang ng tubig pagod na agad?" Pag-aasar ko.
"Eh kung tinulungan nyo sana ako. Kainis ka talaga."Sagot naman niya sabay irap ng mata.
"Aba! Aba! Rose tignan mo si tin ohh sinasaniban na naman ng masamang espirito." Pag-iinsulto ko.
"Tama na nga yan.. Kayong dalawa talaga para kayong mga bata, away ng away." Sermon ni rose sa amin. Natahimik naman kami ni tin.
"Oo nga pala.. Narinig nyo na ba na may groupings tayo Mamaya Kay ma'am she?" Tsismis ni rose at lumapit pa sa amin para walang masyadong makarinig.
Umiling naman kaming dalawa.
"San mo naman narinig yan?" Tanong ko at ininom ang tubig na kinuha kanina ni tin.
"Yung kakilala ko sa kabilang section." Sagot naman ni rose.
"Edi maganda yun, basta tayo nalang ang magkakasama ha." Singit naman ni tin at nagthumbs up pa.
Natawa nalang kami sa kaniya. Hay isip bata pa rin talaga siya.
Matapos naming kumain ay naglakad na kaming tatlo Papunta sa next subject namin nang biglang may tumawag sa akin.
"James.." Tawag ni Ben.
Tumigil naman kaming tatlo sa paglalakad at tumingin Kay Ben na hingal na hingal.
"Mauna na kayo, sunod nalang ako sa inyo. Na miss na ata ako ni Ben ehh." Paalam ko sa kanila.
Tumango naman sila at nagpatuloy sa paglalakad.
"Feeling.." Dinig ko pang sabi ni tin bago sila tuluyang makalayo.
Iiling-iling naman akong ngumisi sa sinabi ni tin.
"Pre, masamang balita.." Nag-aalalang pahayag ni Ben.
"Ano na naman ba yun?" Walang kai-kaintresadong tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa loob ng stockroom..
~~~~~~~
Yah yah yah yaahhh.. Ano kaya ang nangyayaring kaguluhan at may pastock stockroom pa silang nalalaman.. Well, ganito kasi yun....
Si Ben ay Isa sa mga kaibigan ni James... Tapos.... Tapos na.. Syempre secret na yung iba.. Para naman abangan nyo.. Charrr hahahaha!
-JackTen

BINABASA MO ANG
Remember Me
FanfictionStory about sa apat na tao. Si Tin Mariel at ang mga matalik niyang kaibigan na sina Rose Trinidad at James Caranto. Lahat ay mababago nang dahil Kay Daniel legazpi at unting-unti lalabas ang kanilang mga sekreto na di rin nila alam na mayroon sila.