Chapter 4

3 0 0
                                    

Notebook


James POV

Sinalubong ko ng nakangiti sila Marian, tin at Daniel ng makababa sila sa sasakyan.

"Welcome to my house." Pabiro kong sabi sa kanila.

Wala ako ngayong kasama maliban sa mga tatlo naming katulong dahil may business trip sila Mommy at Daddy kaya magagawa ng mga bisita ko lahat ng gusto nilang gawin.

Sinamahan ko sila tin at marian sa magiging kuwarto nila. Biyernes ngayon at sa Lunes na ang deadline kaya 3 araw at 2 gabi sila dito matutulog.

"If you need something just tell me. Okay?" Sabi ko kina tin at lumapit ako Kay James.

"James, Follow me." Ako.

Naglakad ako at sinundan naman niya ako. Pagkatapos ay lHinawakan ko ang pinto at binuksan ito. Pumasok ako at sumunod naman siya sa akin.

"Sa kama ka nalang at sa baba nalang ako. pero kung ayaw mo, pwedeng sa baba ka at sa kama ako. But, dahil humble ako, I suggest na sa kama ka nalang.. Wag kang mag-alala sa akin kasi okay lang ako." Walang paligoy-ligoy Kong sabi sa kanya.

Tumawa naman siya habang umiiling-iling.

"I'm not." James.

"Yeah I know.. I'm just kidding." Sagot ko naman at lumabas na para pumunta sa study room..

Nandoon na si Marian na palinga-linga sa paligid at si tin na naka-upo at tahimik na nagbabasa ng libro.

Ilang beses nang nakapunta si tin sa bahay namin. Kung tutuusin maiituturing na niya itong pangalawang tahanan niya. At tinuturing naman nila mommy at daddy siyang pangalawang anak.

"James.." Tawag sa akin ni tin at senenyasan akong umupo sa tabi niya.

Agad naman akong lumapit at umupo.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang... Tara na nga at mag umpisa na tayo.. Ohh tamang tama andyan na rin pala si Daniel." Turo niya sa may pinto.

Lumapit na sila sa amin at sinimulan na ang bawat trabaho na nakalaan sa amin.

Ilang oras na rin kaming nagreresearch ni Daniel. Sila tin naman ang gumagawa ng documentation.

Napansin ko naman na inaantok na si tin hanggang sa maipatong niya na ang kanyang ulo sa balikat ni Daniel.

"Hoy!" Bigla Kong sigaw.

Napabalikwas naman si tin at napaupo ng maayos.

Nagtataka naman na tumingin sila Daniel at marian sa akin.

"Kung di mo na kaya. Sabihin mo lang. Hindi yung ganito!" Seryuso Kong sabi.

"J-james.." Nauutal na tawag ni Marian.

Napapalunok naman sa hiya si tin sa mga naririnig mula sa akin.

"Naririnig mo ba ako? Ha? Ha?!" Inis Kong balin sa laptop na nasa harap ko habang tinuturo-turo pa ito.

Tumungin naman ako sa kanila.

"Sorry ha.. Kainis kasi tong laptop. Ang bagal bagal." Palusot ko naman sa kanila.

Tumango lang sila at bumalik na sa ginagawa nila.

Ilang minuto ulit ang lumipas ng magsalita si tin.

"Guys, di ko na talaga kaya.. Ituloy nalang natin to bukas. Please.." Paki-usap ni tin.

Natatawa ako sa itsura niya.. Ang pula pula na ng mga mata niya at ang laki-laki na ng eye bags niya.

"Oo naman.."ako.
"Tama." Marian
"Sige" Daniel

Sabay naming sabi.

Nauna nang Umalis sila tin at Marian.

"Mauna na rin ako james ahh." Paalam naman ni Daniel.

"Sige.. Susunod nalang ako. Tapusin ko lang to." Sagot ko sa kanya.

Ako nalang ang naiwan sa loob. Nililigpit ko na ang mga gamit ng may nakita akong pulang notebook..

Kinuha ko yun at tinignan kung kanino.. Nakita ko ang pangalan ni Daniel sa loob. Ibibigay ko nalang sa kanya to mamaya sa kwarto. Aalis na sana ako ng may nahulog sa sahig.

Isang maliit na pirasong papel. Kinuha ko ito at Binaliktad..

Picture ni tin na nakangiti habang nakaupo at nakasuot ng itim na dress.

Ganitong-ganito ang suot ni tin nung pumunta kami sa birthday party ni rose.

Bakit may ganito picture siya ni tin? Sino ka ba talaga Daniel?

Isa isa Kong binuksan ang bawat pahina ng notebook ni Daniel at nakita ko ang isang sulat.

(To the one that I love.

Tin mariel, ikaw ang babaeng unang beses ko palang nakita pero minahal ko na ng sobra. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng minahal ko at ipinapangako Kong ikaw na rin ang huling mamahalin ko. I promise, ipapaalala ko sa sayo ang gabing yun kahit alam kong nakalimutan mo na yun.

-Daniel)

Nanghina ako at napaupo ng wala oras dahil sa nabasa ko..

Mahal ni Daniel si tin.. Alam kong kaibigan lang ako ni tin kaya wala akong karapatang magka ganito.

Flashback...

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito. Immature na kung immature, pero after na malaman ko ang tungkol Kay daniel. I have no choice but to protect tin from him. So nung malaman ko na ako nalang ang wala pang ka group, I suggest Kay ma'am she na kina rose nalang ako kasi alam Kong di siya papayag at sa iba ako igro-group. I know na may chance pumalpak ang plano ko at sa ibang group ako isama. But I need to try. So, nung sinabi ni ma'am she na kina tin ako wala na akong nagawa kundi ngumiti ng Hindi nila napapansin.

Daniel POV

Sinama ako ni Rey sa birthday party ng kaibigan niya.. Ayoko sanang sumama pero pinilit niya ako kaya wala na akong nagawa..

Nakaupo ako sa isang upuan at pinapanood ang mga taong nagsasayawan sa gitna. Sa maniwala man kayo o hindi Naa-out of place ako sa mga ganitong lugar. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganito, napilitan lang talaga ako.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang isang babae. Di ko Alam kung bakit pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko..

Sa palagay ko tinamaan ata ako sa kanya.

Nilabas ko ang cellphone ko at palihim ko siyang kinuhanan ng picture.

Nakita ko siyang tumayo at patungo sa gitna ng sayawan. Kaya tumayo ako at sinundan siya..

Malapit na ako sa kanya ng biglang namatay ang mga ilaw..

Hindi ko na sinayang ang pagkataon. hinawakan ko siya at Hinalikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon