A/N: This story is not your conventional ordinary kind of love story. It is basically a girl to girl kind of relationship. So if you are not into this kind of stories, feel free to browse another story from this site that suits your taste. It may also contain scenario that are not suitable for young readers. This whole story was only fictional. Any similarities of names or situations in real life are just purely coincidental. Please do vote and comment, it may not take awhile :-) Critics are highly appreciated. Thank you for reading. Let's rock this!
ALL RIGHTS RESERVED.
It was so cold that I'm barely breathing. Lakad-takbo lang ang ginawa ko not sure of my direction. All I want to do is to escape from that place. Sobrang pagod na pagod na ako. Nanghihina na yung tuhod ko. Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada at tuluyan ko ng pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Para namang nakikisimpatya pa sakin ang langit nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na alintana ang mga sasakyang dumadaan. Wala na din akong pakialam kung natatalsikan man ako nang maruming tubig mula sa lubak na kalsada sa tuwing may dadaan na sasakyan. Hindi ko na rin alintana na halos basang basa na ako sa ulan. Kesahodang humahalo na yung tubig ulan sa luha ko at sa sipon ko. Pareho lang namang maalat yun. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga panahong yun ay ang sakit na nararamdaman ko. Yung tipong parang hinihiwa ng unti unti yung puso ko sa maliliit na piraso. Pakiramdam ko nang mga oras na yun ay pinagkaisahan ako nang lahat. Napakasakit pala malaman ang katotohanan na ang mga tinuturing mo at nirerespeto mong tao ay yun pa ang gagago sayo.
Mga walanghiya! Mga baboy! Binaboy nila ang pagkatao ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang panginginig nang kalamnan ko sa sobrang galit. At mas lalong tumitingkad yung galit ko sa tuwing maaalala ko yung nakita ko kanina sa condo nang walanghiya kong boyfriend. No. Ex-boyfriend na pala. Oo, tama ex-boyfriend. I broke up with him awhile ago.
Hindi ko lubos maisip, ang dami kong tanung sa isipan ko. Paano nya nagawa sakin 'to? What have I done to deserve all of these? Bakit? Anung nangyari? We used to be Edward and Bella. Harry and Sally. Halos lahat nang nakakakilala samin nagsasabing bagay daw kami 'coz we compliment each other. What happend to that? Ganun na lang ba talaga yun? Ganun lang ba kadali sa kanya yun? Anu yun? All the love and care he had showed to me, it was all lies? He was pretending from the very start? Shit. Shit. Shit.
Nakayuko lang ako habang umiiyak sa gilid ng daan. Hindi ko na alam kong gaano ako katagal sa position ko. Pakiramdam ko kasi hindi na nagpoprocess yung utak ko. Ayaw pa din paawat ng mga luha ko. Sobrang giniginaw na ako. Nang bigla kong maramdaman na may yumakap sakin galing sa likuran. I know it was her. For awhile I feel so secure. Kahit papano naramdaman ko na may kakampi pa ako. Sya lang nakakapagparamdam sa'kin nang ganito. Yung tipong kahit anung mangyari she will always be there for me. Genuinely care for me and love me. My bestfriend. And I know she will never ever leave me hindi tulad ng manloloko kong ex-boyfriend.
"B-babe, niloko nya 'ko...h-hayop na yun! M-matagal na nya akong niloloko. Mga baboy sila..." pautal-utal ko pang sabi sa kanya sa pagitan ng aking pag-iyak.
"Shhhh...tahan na, babe." yun lang yung tangi nyang nasabi sakin. Panay lang ang hagod nya sa likod ko habang yakap yakap nya pa din ako. Pinihit nya ako paharap saka matamang tinitigan. Malungkot syang ngumiti sakin at pinahid yung mga luha ko but my tears won't stop. "Gosh Macey, I really hate it when I see you like this. Makita ko lang ang gagong yun, humanda sya sakin." anger was visible in her big dark brown eyes. Niyakap na lang nya ako nang mahigpit nang mas lalong lumakas yung hagulgol ko pagkaalala na naman sa taong nanloko sakin. Nanatili lang kami sa ganung position hanggang sa napakalma na nya ako. Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal sa gilid nang kalsada. Ilang sandali pa ay inalalayan nya na akong tumayo at niyayang umalis na sa lugar na yun dahil papagabi na. And I swear to myself it will be the last time I will shed tears because I fall in love. I swear I will never cry for the same reason again.
BINABASA MO ANG
Match Made In Heaven (GxG)
ChickLitIn once people's life, there will be a time that we need to be strong no matter what happened and face all the problems that may came. Accept the fact that happy ending only exist in fairy tales. That life is no fairy tales at all. Be brave enough t...