Christmas break na namin. Kakatapos lang nang Christmas Party ng buong seniors. At dahil ga-graduate na kami at last Christmas Party na 'to, napagkasunduan naming lahat na gawing memorable ang party. Sa isang beach resort namin napagkasunduang ganapin yung naturang party.
Oo nga pala. Kanina ko pa hinahanap si Macey pero hindi ko pa rin makita. Supposed to be dapat kanina pa sya nandito. Sinadya ko talagang 'wag sumabay sa kanya kanina. May sorpresa kasi akong inihanda para sa kanya. Ngayon ko na sana planong ibigay yung gift ko sa kanya. Isang necklace yun na butterfly yung pendant at may note na nakalagay sa loob niyon. Sa loob ng halos isang taon naming maggirlfriend, iilan lang ang nakakaalam. Balak sana naming sabihin sa mga parents namin makagraduate kami ng college.
"Trish, nakita mo ba si Macey?" Tanong ko sa isa sa mga malalapit nyang kaibigan sa section namin.
"Naku, Kassey umuwi na. Hindi ba nagpaalam sayo? Masama daw pakiramdam nya eh."
"What?" Umuwi syang hindi nagpapaalam sakin? Okay pa naman kami kanina ah. "Ahh sige Trish thank yu ha. Una na ko." Hindi ko na hinintay yung sagot nya at dirediretso na ako umalis dun sa party. Pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse na hiniram ko pa kay Dad, pinaharurot ko na 'to papunta sa bahay nila Macey.
Pagdating sa kanila, agad akong pumasok at umakyat sa kwarto nya. Hindi ko na alintana ang pagpigil sa akin ng maid nila. Pipihitin ko na sana ang doorknob pero naka lock ito. Bigla akong kinabahan. Para bang iniexpect na nyang susundan ko sya dito kaya nilock nya agad ang pinto. Alam ko at nararamdaman ko na, may problema.
"Shobe? Open the door. I know you're in there." Tatlong magkakasunod sunod na katok ang ginawa ko. Hindi ko maiwasang hindi magpanic.
Tahimik pa rin sa loob ng kwarto kaya mas lalo pa akong nagpanic. Ni kaluskos wala akong marinig.
"Macey, please. Open the damn door. Let's talk." Mas lalo ko pang nilakasan yung katok ko. Kung kaya ko lang kanina ko pa to giniba.
Akmang kakatok pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kagigising lang na si Macey. Kapansin pansin ang namumugtong mga mata nito na halatang galing sa pagiyak.
"Anung ginagawa mo dito. You're not supposed to be in here. I don't want to talk. Umalis ka na." Akmang isasara nya ulit ang pinto mabuti na lang at maagap ko itong napigilan. Nagpumilit akong pumasok at isinira ang pinto nito.
"Anu bang problema? Bakit umuwi ka kaagad.?"
"Pagod ako. Masama ang pakiramdam ko. Hindi naman ako mageenjoy doon, okay?" Sagot naman nito at umupo na sa kama nya. Nakatayo lang ako at pinagmamasdan sya.
"Without even texting me? Umuwi ka ng di nagpapaalam sakin. Kung magpapalusot ka galing galingan mo naman. Anung problema?" Ulit ko sa tanong ko sa kanya. Nagsisimula na akong mainis.
"Bakit? Kelangan ba talaga lahat ng gagawin ko ipapaalam ko sayo? Pati ba dapat pagcr ko dapat ipaalam ko sayo? Asawa ba kita?"
"Shit! Girlfriend mo 'ko, Macey. Dapat alam ko kung nasaan ka at anung ginagawa mo. Obligasyon kong panatilihin kang laging ligtas."
"Wala kang obligasyon sa'kin, Kassandra. Pwede ba umalis ka na? Gusto kong mapag-isa." Nahiga na ito at tumalikod sa akin.
"No. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang problema. Paano natin aayusin to kung hindi ko alam kong anong mali ko, please Macey."
Inis na bumangon uli sya at humarap sa akin.
"Wala nang dapat ayusin pa, Kassandra." Malungkot na turan nito. Ramdam ko ang bawat salitang binitiwan nya. Kinabahan ako bigla. Niyakap ko sya ng mahigpit pero hindi sya gumanti nang yakap sa'kin.
BINABASA MO ANG
Match Made In Heaven (GxG)
ChickLitIn once people's life, there will be a time that we need to be strong no matter what happened and face all the problems that may came. Accept the fact that happy ending only exist in fairy tales. That life is no fairy tales at all. Be brave enough t...