It's been 3 months since me and Anne left for Manila. Tatlong buwan na rin akong naghahanap nang trabaho. Nahihiya naman kasi ako kay Anne dahil sya na ang sumasagot sa lahat nang gastusin sa apartment na sya din ang nagbayad ng rent. Ayaw nya din kasing tanggapin ang perang galing sa ipon ko dahil panggastos ko na lang daw yun habang naghahanap ng trabaho.
Haaay. Ang swerte ko pa rin talaga dahil meron pa akong kaibigan tulad nya. Nakatulala lang ako sa monitor nang laptop ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa mga in-applayan ko. Sa dami na kasi nang mga unemployed ngayon masyado nang mahirap maghanap nang trabaho.
"Babe, hoy! Tulala ka na naman." it was Anne who broke my deep thought. Walang pakundangang na-upo sya sa tabi ko at humilig sa balikat ko.
"Oo eh. Nahihiya na nga ako sayo." sabi ko sabay kuha sa kanang kamay nya at minasahe iyon. Nakasanayan na namin yung ganung gesture. Ganun kami ka sweet sa isa't isa kaya minsan napagkakamalan kaming magjowa. Funny but we know in ourselves that we are both straight.
"Hmmm don't worry babe it's fine with me. Oh by the way before I forget, nabanggit nga pala sa'kin ni Acy na may friend daw sya which owns an Advertising Agency na naghahanap nang Accounting Staff. Would you try?" nakangiti nitong turan nito na mas lalong nagpasingkit sa chinita nyang mata.
"Talaga? Saan daw?" na-excite naman ako dun bigla. Si Acy yung matagal nya nang pinapangarap at ang rason kung bakit ang saya saya nya nang matanggap na sya finally sa number 1 competitor nang dati naming pinapasukang opisina. Si Acy kasi yung star player ng volleyball team nang kumpanyang pinapasukan nya ngayon. At ang nakakatuwa eh mukhang magkaka love life na nga ang bestfriend kong ito kasi ngayon officially nanliligaw na sa kanya si Acy.
"Sabi nya sasamahan ka daw nya bukas. Mukhang pursigido sya na magpalakas sayo ahh hahaha." nakangiti nitong sabi. Kitang kita sa mga mata nya yung spark na sintomas na nga na in love ang kaibigan ko haha.
"Talaga? Ang sweet naman. Ahh babe, kayo na ba?" na curious tuloy ako sa estado nila ngayon.
"Hmmm bakit? Seselos ka no?hahaha don't worry ikaw pa din first love ko babe hahaha" batok ang inabot nya sakin. Tawa na lang kami nang tawa. Ilang sandali pa kaming nagkulitan bago kami kumain ng dinner at nagpahinga na. Tomorrow would be a big day for me. Kelangan ko i-kondisyon ang sarili ko.
Kinabukasan maaga pa kaming nagising at naghanda na ako nang almusal namin. Dahil nagmamadali na kami at anytime ay dadating na si Acy para sunduin kami, naggisa lang ako nang corned beef at nagprito nang itlog for breakfast. Sinangag ko na lang yung tirang kanin namin kagabi.
Nagmadali na kaming kumain at pagkatapos nun nagprepare na kami nang mga sarili namin. Isang black slacks na tinernuhan ko lang nang kulay peach na long sleeves na may burda sa may bandang dibdib yung sinuot ko para formal na tinernuhan ko nang 3 inches na heels para tumangkad naman ako kahit papano. Nag apply din ako nang manipis lang na make up. Nang masatisfy na ako sa look ko ay bumaba na ako sa maliit namin sala. Naabutan ko si Anne na may katext, malamang si Acy lang yan. Maya maya pa ay may bumusina na sa labas. Malamang si Acy na yun. Kaya dali-dali na kaming lumabas.
Paglabas namin, naghihintay na nga si Acy sa labas nang montero nya. Ang gandang gwapo nya sa suot na faded fitted jeans at brown tshirt na lalong nag-emphasize sa kaputian at kakinisan nya. Nakaayos yung golden brown nyang buhok into a messy bun. Ngumiti sya bago nagbeso samin. Pinagbukasan pa nya kami nang pinto. Syempre sa passenger side naupo si Anne, feeling girlfriend na eh hahaha. At syempre solo ko ang backseat, alangan namang pumagitna pa ako sa kanila sa harap.
Pagpasok ni Acy sa driver's seat, lumingon muna sya sakin bago sabing,
"You ready Ma" ngumiti pa ito, it's like encouraging me na everything is under control. I smiled back at her.
![](https://img.wattpad.com/cover/20394170-288-k451094.jpg)
BINABASA MO ANG
Match Made In Heaven (GxG)
ChickLitIn once people's life, there will be a time that we need to be strong no matter what happened and face all the problems that may came. Accept the fact that happy ending only exist in fairy tales. That life is no fairy tales at all. Be brave enough t...