Chapter 2

31 1 1
                                    

〰〰〰 •

Dumiretso akong university library dahil nalalapit na naman ang midterm examination namin sa mga major subjects. Dito lang ako nakakapag-aral ng 5 hours straight dahil ibibigay sayo ng facility na ito ang katahimikan na iyong hinihingi.

Hindi pumasok si Red kanina sa first subject namin sa umaga. Siguro nakipag inuman na naman 'yun kagabi tapos may hang over pa kaya nawalan ng gana pumasok.
Bahala siya, natawag pangalan niya sa board work. Siraulo talaga.

Pilit kong pinipigilan ang antok na sumasakop sa aking buong pagkatao. Luh, natulog naman ako ng 8 hours mula kagabi pero bakit inaantok na naman ako. Damot ko talaga sa tulog. Hindi pwede! Kapag 'di ako pumasa sa Calculus, baka mag-hello additional unit ako next year.

Papikit na ang mga mata ko ng biglang tumunog ang cellphone alarm ko. Hala!

Agad sa akin natuon ang atensyon ng mga istudyante na kasama ko dito sa library pati na din ang librarian na kanina pa bismud pagpasok na pagpasok ko dito sa library.

In-off ko agad yung cellphone ko at itinago ito sa bag. Nakakahiya, umeksena na naman ako.

"Hindi mo na naman in-off yung alarm mo."

Pusang gala! Biglang may nagsalita sa likuran ko.
Nakita ko si Jay na may hawak hawak na "Amazing Things Around The World" na libro at sabay na naupo sa tabi ko.

"Huwag ka ng maingay! Shhh!"
Saad ko naman dahil medyo malakas ang kanyang pananalita.

Magkatabi na kami ngayon sa pang apat na taong lamesa dito sa library.
Ngayon ko na naman nakita ang lalaking 'to. Kahit saan sumusulpot.

Hindi na siya nagsalita matapos ko siyang sabihan at binuksan nalang ang libro na hawak hawak niya.

Magrereview pa pala ako.

Naisip ko bigla yung mga tanong na paulit ulit na naglalaro sa aking isipan kahapon. Speaking of our relationship before, pwede ko ba siyang matanong kung bakit nagpaparamdam na naman siya sa akin?

Curiouscat.com lang naman ako. Wala naman akong balak makipagbalikan sakanya dahil wala naman talaga akong feelings sa lalaking 'to.
If he wants a closure (oh nag-google ako dito ah), then okay lang naman. Wala din naman akong sama ng loob sa kanya.

Ngayon kasi, hindi niya naman kinaklarado ang sitwasyon naming dalawa.

"Jay?" Bulong ko sakanya habang isinarado ko ang reviewer na hawak ko at tumingin sa kanya.

Isang katahimikan ang isinagot niya sa akin. Hindi siya nagsalita.

Ganito ang scenario namin all the time.
Ako palagi ang unang nagsisimula ng pag uusap namin.

"Nanliligaw ka ba ulit sa akin?" Tanong ko sakanya.

Hindi na ko nagdalawang isip kung suitable pa ba na itanong 'yun. Uy hello, itanong na natin coz why not girl 'diba? Malay ko bang breezy (ni-search ko din 'to sa google, mga terminology sa lovelife ng isang tao) na pala ang isang 'to tapos lamang lupa na naman ako dahil 'di ko man lang alam ang mga plano niya sa akin.

Natigil ito sa pagbabasa at lumingon sa direksyon ko.

Tinitigan ko siya sa mga mata.

"Gusto mo ba?" Sagot niya.

"Baliw. Nagtatanong lang naman ako."

"Gusto mo nga?"

"Adik ka, magiging tayo na naman tapos wala na namang kwenta relasyon natin?"

Napatawa ako sa sinabi ko pero mahina lang kasi baka kutosan ako ng librarian dito ng wala sa oras.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa librong binabasa niya dala ang serious face na palagi niyang suot.

Tignan mo 'to. Dapat mga chemical engineering books ang mga binabasa niya, pero ang nakikita ko ngayon ay mga exotic na bagay at moments ang kanyang ipinagkakaabalahan.

Hindi na niya ako pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa.

Bahala ka diyan. May gagawin din ako sa buhay. Kung ayaw mo kong sagutin, edi huwag.

〰〰〰•

Natapos ang 3 oras na nagreview lang ako dito sa library. 'Di ko namalayan na ala una na pala ng hapon. May pasok pa ako mamayang 3PM. Masyado pang maaga para mag abala sa susunod na subject pero masyado ng late para kumain ng lunch.

Hindi pa din pala umaalis si Jay. Matatapos na niya itong libro. Kanina niya pa 'to binabasa.
Wala kaming imikan kasi wala naman na akong gustong pag usapan with him. Malay kong nandito pa pala siya.

Inayos ko na ang mga gamit ko at paisa isa itong inilagay sa loob ng aking bag. Nararamdaman ko na ang gutom kaya naman let's g na sa canteen. Sana may pagkain pa.

Hindi na ako nagpaalam kay Jay dahil abala pa din ito sa pagbabasa.

And that's how we conclude our company together. Me and Jinhwan, Jinhwan and Me.

I Accidentally Said Yes To Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon