Chapter 3

32 1 0
                                    

Kasagsagan na ng mga projects at exams ngayong linggo. Wala na akong oras para gumala at magliwaliw. Pati si Red, badtrip na badtrip na sa buhay niya. Hindi na daw siya nakakasama sa mga lakad ng family niya dahil sa mga tinatapos na projects, group works at maging field works.

Ang init init ng panahon, alas dose ng hapon nasa kalsada kami para sa observation ng mga rail roads. Panget na nga ako, mas pumapanget pa ko sa sobrang pawis.

"Ten, see you tomorrow!! Huhu, may overnight kami ng groupmates ko para sa research paper. Diretso na ko." Niyakap ako ni Red ng mahigpit.

"Oo na. Dapat research paper ah? Walang inuman na magaganap. Bahala kayo, bukas pasahan ng chapter 2-3. Tapusin niyo na!" Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

"Relax, we know. I'm already thirsty of whiskey man! Huhu."

Nakakatawa talaga nitong si Red.
Sige alak pa. Hahahahaha makakagraduate tayo labyu.

Tinapik ko siya sa noo para sa goodbye endearment ko at tuluyan na itong umalis padabog.

Meron din kaming overnight ngayon pero hindi ako sumama. Research paper din ang tatapusin namin. Hindi ako pinayagan ni Dad dahil nag-overnight palang ako kina Red nung isang araw. Gumawa kasi kami nung isa naming project, mabuti nalang siya ang partner ko.

Hindi naman nagalit ang mga groupmates ko kasi kung oo man, mga gaga, sige kayo na gumawa ng buong chapter 3!
Ako nalang ang sumalo sa buong chapter para naman maluwag sa kanilang kalooban na payagan akong hindi makasama sa overnight nila ngayon. Geez!

Bago ako umuwi, pupunta muna akong mall para bumili ng pizza. Stress na stress na ko at kailangan kong makatikim ng pagkain na ito bago pa ako mag breakdown. Alas kwatro palang ng hapon. Siguro naman hindi ako mattraffic pauwi.

Palabas na ko ng main gate ng Quirin nang nag ring ang cellphone ko.

Oh? Tumatawag si Jay?

Ako: Hello?

Jay: Nasaan ka? Hindi ka sumama sa overnight niyo?

Wow naman, informed?

Ako: Hindi. 'Di ako pinayagan.

Jay: Pauwi ka na ba?

Dami tanong. Hays.

Ako: Hindi pa naman. Bibili muna ako ng pizza.

Jay: Hintayin mo 'ko. Nasaan ka?

Ako: Palabas ng main gate ng Quirin. Bilisan mo na!!!

*Tooot*

Wow. Binabaan ako?

"Ten!"

Papalapit sa direksyon ko si Song. Bakit hindi niya kasama si Jay?

"Pauwi ka na?" Tanong niya.

"Hindi pa naman. Hinihintay ko si Jay. Bakit 'di mo kasama?" Tanong ko naman.

"Wow. Muling ibalik na ba ito?" Pang-aasar ni Song.

"Sira, tumawag kasi sa akin ngayon lang, hintayin ko na daw siya."

"Manliligaw na ata sayo 'yun ng seryoso ah? Keep safe. HAHAHAHAHAHA"

Sarap mong sikmuraan pare.

"Wow naman. Ikaw, maghanap ka na ng jowa mo 'wag mo kaming pagtripan, baliw." Saad ko.

"Oo. Bigay mo na kasi saakin ang number ni Red."

Ano daw? Number ni Red? Luh?

"Sira. Huwag ang kaibigan ko. Marupok ka pa naman."

I Accidentally Said Yes To Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon