Chapter 5

36 1 1
                                    

〰〰〰•

3pm na at nandito pa din si Jay sa bahay. Papauwi na si Dad sabi ni Mom. By 4pm pupunta na silang airport para sa site visit nila sa Ilocos.

Kanina pa din nagkekwentuhan si Mamu at Jay. Pinabayaan ko na sila kasi nakakahiya namang istorbohin ko ang mga masasayang moment ni Jay.

Yep, he is talking to mom (comfortably), laughing with mom (unknowingly), sharing jokes with mom (decently), and doing all sort of new things na ngayon ko lang nakita kay Jay.

Madalas siyang mag-smile ngayon, siguro bukas dating Jay na ulit siya. Dapat palaging ganito nalang. Of course as a person na malapit din sakanya kahit papaano, all I wish is happiness for him.

Naisip ko nga, siguro namiss lang talaga ni Jay na makipagbonding sa Mom niya kaya ganoon na lamang siya kasaya na makausap ang Mamu ko.

“Sige, ayusin ko lang ang mga gamit namin na dadalhin, kayo na muna ni Gaile ang mag usap.”

Lumabas na din sila sa wakas sa kusina. Jay is smiling.

“Ang bait naman nitong boyfriend mo ‘nak,” nginitian ako ni Mamu at dumiretso na sa kwarto nila ni Dad.

“Hindi ko na nga siya boyfriend, Ma!” at natawa naman si Mamu sabay alis na sa harap namin.

“Oh, ang saya mo ah,” bati ko sakanya.

“Namiss ko lang Mama ko. Hahaha.” Luh, tumawa si Jinhwan.

“Mabuti nalang nasaktuhan mo si Mamu na nandito sa bahay.”

Tumabi siya sa sofa na kinauupuan ko habang nanunuod ako ng TV.

“Dami niyong pinag usapan ah. Siya pala pinunta mo dito.”

“Sana next time na pagpunta ko dito nandito ulit Mom mo.”

“Oo ‘yan. Kung wala man, tawagan ko para makapag usap ulit kayo. Hahahaha.” Natawa siya sa sinabi ko.

“Nakakapanibago ka Jay, tbh.”

Pareho kaming nakaharap sa TV, pinanunuod ang isang variety show sa isang Channel.

“Ayaw mo?” Tanong niya.

Napalingon ako sakanya.

“Hindi naman. Noong tayo pa kasi hindi ka naman ganyan na talkative tapos happy person. Hahahaha.”

Binalik ko ang atensyon ko sa variety show na pinanunuod namin.

Halos minuto din kaming hindi nagkibuan at nanuod nalang ng palabas sa telebisyon.

“Ten?” Jay

Kinuha niya sa akin ang remote control ng TV at pinahinaan ang volume nito.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Let’s date.”

〰〰〰•

“What? So you mean, pumunta siyang bahay niyo tapos nakipag usap lang ng dalawang oras kay tita?!”

“Yeppz”

“Tapos he told you na mag-date ulit kayo?!”

Lakas ng boses nito ni Red, 'kala mo naman nasa kabilang bundok ako.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari last Sunday. Tuesday na ngayon at dahil hindi siya pumasok kahapon sa kadahilanang may family reunion sila sa Batangas, hindi ko sakanya nakwento agad in person.

“Oo nga. Paulit ulit naman tayo eh.”

“What did you reply?”

“Sabi ko let’s see.”

I Accidentally Said Yes To Kim JinhwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon