Chapter 1
Malakas ang music na umaalingangaw sa loob ng disco bar. Nasa bungad pa lang siya ay dinig na dinig niya na ang hiyawan sa loob ng mga lasing at nagsasayang tao. Imbes na tumuloy sa loob ay pumasok siya sa isang pasilyo. Habang naglalakad ay dinukot niya ang phone sa loob ng kanyang sling bag.
"Hello! Bring two beers in my office. Quick!" Pagkababa niya ng phone ay saktong nasa tapat na siya ng pinto ng kanyang opisina.
Ang bar ay mayroong main door at sa gilid nito ay may isang maliit na space na sa unang tingin ay aakalain mong bahagi iyon ng dingding. Doon may maliit na pinto papasok sa isang maliit na pasilyo na patungo sa kanyang opisina. Pinasadya niya iyon para bukod sa loob ng bar ay may madadaanan siya.
Naupo siya sa kanyang swivel chair at binuksan ang computer. Isang marahang click sa isang app at lumabas na ang mga kuha ng kanyang CCTVs. Sa isang bahagi ng cam ay nakita niya ang isang waiter na palapit sa kanyang pinto. Maya-maya pa ay kumatok ito.
"Madam, your beer please!" Tinig mula sa labas ng pinto, na nasa loob mismo ng bar.
"Bring it here!" Wala pang ilang segundo at bumukas na ang pinto. "Ilagay mo na lang diyan." Marahan nitong inilapag ang dalawang bote na nakalagay pa sa isang maliit na timbang may yelo.
Bahagya akong sumulyap sa waiter at tumango, yumukod siya at umalis na. Muli kong ibinalik sa monitor ang aking atensyon. Pinagmamasdan ang mga tao sa monitor habang nagsasayaw. Ilang minuto pa ang lumipas, wala pa rin akong nakikitang matinong tao. Kinuha ko ang bote ng beer at tinungga iyon. Nabo-bored na ako sa kakahintay.
Ilang minuto pa ang lumipas ng may pumasok na lalaki, mag isa at tila wala sa sarili. Tuloy tuloy ito sa loob, walang pakiaalam sa mga nagsasayawan sa loob. Umupo ito sa bar counter at humingi ng alak. Isang lagok, dalawa, tatlo. Sunud sunod na tungga ng alak na tila tubig.
I zoom in the video, he look really cute. Napapangiti na ako habang pinagmamasdan siya. Isa pang lagok ng alak mula sa bartender, lalong lumawak ang ngiti ko ng may lumapit na babae pero hindi niya iyon pinansin. Inabot ko ang telepono at tinawagan ang bartender.
"Take a break! I'll be the bartender tonight." Hindi ko na hinintay na sumagot ang sa kabilang linya at ibibaba ko na. Inabot ko ang uniform ko tuwing aakto akong bartender. Isa iyong maliit na short na itim, isang spaghetti strap na sando at scarf na itim. I put a light make up and dark red lipstick. Sensual perfume and a little powder in my neck plus killer hills. Muli kong sinulyapan ang monitor, umiinom pa rin ang lalaki. Good! Showtime...
Paglapit ko sa counter ay mabilis na umalis ang bartender na naka duty sa gabing iyon.
"Sir, another drink?" Bigkas ko in a very seductive voice. Napatingala ang lalaking kanina ay nakatalungko.
"Yes please! Give me your hardest drinks here." Hindi niya man lang ako pinansin. Perfect! Mas nag e-enjoy ako kung walang interest saakin ang lalaki. Nakaka challenge.
"Yes sir! Right away.." tumalikod ako at binuksan ang isang kabinet na may lock at kinuha ang isang bote na ako lang ang nakakaalam. Inilabas ko iyon at nilagyan ang shot glass saka iniabot sa lalaki. Napangiti ako ng walang pagaalinlangan niya iyong kunin at inisang lagok......
Kinuha ko lahat ng kailangan kong gamit para sa collection ko. Ang tripod, digital camera, kumot na puti, cuffs, chains and whips. Inayos ko na rin ang kama.
Itinulak ko ang wheelchair palapit sa kama at binuhat ang lalaki pahiga sa ibabaw nito. Inayos ang pagkakahiga, itinaas ko ang isang kamay sa headboard at ipinusas doon, ganoon din ang sa kabila. Next, ang tripad at ang camera. Siniguro kong kitang-kita ang taong nakahiga sa kama. Excited na ako sa aking gagawin.
BINABASA MO ANG
Finders Inc. (SPG)
Mistero / ThrillerShe was abused. She was raped. She likes men. Tall, dark and handsome men. She likes thrill. She likes sex. And she loves to...KILL!!