[ⅲ] New School

60 7 0
                                    

CHAPTER 3: New School


"ETHAN HUANG!" sigaw ni Michaela. Maaga itong umalis ng kanilang bahay at palihim na tumakas para puntahan ang kaniyang fiancè. Pero kahit ano'ng sigaw nito sa labas ng gate ng pamilya Huang, ni isang tao ay walang lumalabas.

"Hindi ako aalis dito, hanggat hindi ka lumalabas diyan! Please! We need to talk!" pagmamakaawa pa nito. Nakatanaw naman si Ethan sa bintana at walang ginawa kundi ang pagmasdan lang siya. Gustuhin man niya, pero hindi niya magawang puntahan si Michaela, dahil sa utos ng kaniyang ina.

Bigla namang kumulimlim, sensyales nang pagbuhos ng malakas na ulan. Ayon na rin sa ulat ng kanilang panahon, may bagyong paparating. Mayamaya lang ay bumuhos na nga ang malakas na ulan. Gano'n pa man, hindi natinag si Michaela. Hindi ito umalis doon at naghintay pa rin sa labas, kahit na ginaw na ginaw na ito sa sobrang lamig.

Nakita naman iyon ni Ethan, sobra naman siyang naapektuhan kaya't sa oras na iyon ay nilabag na niya ang utos ng ina at agad na pinuntahan si Michaela para papasukin sa loob, dahil basang-basang na rin ito sa ulan.

Nadatnan na lang niyang nahandusay sa sahig si Michaela at wala nang malay. Agad niya itong binuhat at dinala sa kaniyang kuwarto. At doon ay pinabihisan niya ng damit sa kanilang mga maid.

Sobra naman itong nag-alala. Hindi niya kasi sukat akalain na hahantong sa ganoong sitwasyon sila ni Michaela. Inasikaso niya ito nang mabuti at inalagaan. Mabuti na lang at wala ang kaniyang mga magulang doon, pinakiusapan rin niya ang mga maid na wala silang nakita. Upang walang maging gulo.

"I'm sorry Michaela, hindi kita kayang ipaglaban."

Narinig naman iyon ni Michaela. Hindi na lang siya kumibo at tanging pagluha lang ang nagawa niya, nang malaman ang katotohang hindi siya nito kayang ipaglaban

TATLONG araw ang nakalipas magmula nang mangyari ang trahedya sa pamilya Santos. Tatlong araw na rin na hindi pumapasok si Michaela, dala na rin nang sobrang kahihiyang sinapit niya, sa mga ka-eskuwela niya. Maging sa pagkain ay nagpapabaya na rin siya. Lagi ring nagkukulong sa kaniyang kuwarto. Alalang-ala naman na ang mga magulang niya.

Nang sumapit ang kaarawan ni Michaela, isang simpleng salu-salo para sa kanilang ang nagawang ibigay ng kaniyang mga magulang. Hindi naman na nag-inarte pa si Michaela at pinilit na lang na maging masaya sa harap ng kaniyang pamilya, gayong sa loob niya ay sobrang lungkot.

Nang mga sumunod pang araw, isang kaibigan ng ama ni Michaela ang bumisita sa kanila, nang malaman ang nangyari sa pamilya nila. Inalok nitong ipa-transfer ang anak nilang si Michaela at ang kapatid nitong si Yoseff sa eskuwelahang pinapasukan rin ng anak niya. Hindi na nagdalawang-isip pa ang mga ito at pumayag sa gusto ng kaibigan.

Napagtanto rin kasi nila na, magkakaroon lang ng problema kapag naroon pa ang mga anak niya, lalo na sa kalagayan ngayon ni Michaela at ang pamilya Huang. Kinakapos na rin sila sa pera, hindi na nito kayang pag-aralin ang mga anak sa isang prestigous school, gaya ng Jin Huang Academy.

"Huwag ka mag-alala pare, kapag nakabangon ako, mababayaran rin kita," litanya pa ni Mr. Santos sa kaniyang kaibigan.

"No need to worry pare! Ano pa't naging magkaibigan tayo?"

"Salamat talaga pare!" tuwang-tuwa naman ang mga magulang ni Michaela, dahil sa tulong na dumating sa kanila. Kahit papaano ay hindi na po-problemahin pa nila ang pag-aaral ng kaniyang dalawang anak.

Gayo'n pa man, nanatili si Jared sa hospital ng Huang family, dahil sa pagiging professional nila. Hindi nila pinansin kung kapatid ito ng dating fiancèe ng kanilang anak. Mahusay na doctor si Jared at isa siya sa may malaking ambag sa Jin Huang Hospital, kaya't hindi nila ito pinapakawalan. Ganoon rin si Jared, tanging ang posisyon na lamang niya bilang doctor ang iniintindi niya, hindi ang hinanakit niya sa pamilyang umabandona sa kapatid niyang si Michaela. Kahit papaano ay inisip rin ng pamilya Huang ang kalagayan ng pamilya nila. Kaya't hindi pumasok sa isip nilang tanggalin si Jared sa hospital nila.

Mischievous Flower (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon