[ⅳ] True colors

72 5 0
                                    

CHAPTER 4: True colors

HALOS hindi na makakibo si Michaela sa kaniyang kinauupuan, at tila ba hindi pa rin makapaniwala sa nakikita niya. Iniisip rin niya na baka isa lang iyong panaginip, kaya't maka-ilang beses na niyang kinusot-kusot ang kaniyang mga mata. Ngunit, naroon pa rin sa kaniyang paningin ang lalaki.

          "Mr. Higure, puwede ka nang maupo sa tabi ni Ms. Santos, tutal pareho rin naman kayong transferee at sakto, dahil, iyon na lang ang bakante." Napako naman paningin ng ilang kaklase niya, lalo na ng mga babae sa binata, habang papunta na ito sa kaniyang puwesto.

          "Grabe! May kaklase tayong half japanese!"

          "Ang gwapo, a!"

          "Papasok na ako nito, araw-araw!" Samut-saring bulong-bulungan naman ang bumalot sa loob ng classroom nila. Todo ngiti naman ang binata kay Michaela.

          "O! It's you, again! What a big coincidence?" Ilang at hindi naman makakibo si Michaela.

          "Transferee ka rin pala."

          "Oo, ikaw rin!" Hindi naman alam ni Michaela ang gagawin, dahil nahihiya ito sa binata.

          "O? Ano'ng nangyari sa mahaba mong buhok?" pagtataka naman nito nang mapansin ang buhok niyang kakapagupit lang.

         "P-pinagupit ko."

         "Pinagupit mo?! Bakit naman?"

         "Ang init kasi e. Saka, new look na rin. Alam mo na!" pag-aalangan niyang sagot. Nakahinga naman siya ng maluwag nang mapaniwala ito sa kaniyang sinabi.

          "So, hindi mo na pala kailangang tanungin pa ang pangalan ko, narinig mo naman na kanina. Pero, Hiro na lang." Sabay nginiti nito sa kaniya.

         "Sige!" Nginitan rin niya ito at saka nila itinuon ang atensyon sa pakikinig sa kanilang guro.

         Nang matapos naman ang klase nila sa subject na english. Mula sa pagiging tahimik, parang mga nakawala na naman sa koral ang mga kaklase ni Michaela nang makaalis na ang kanilang guro. Ang ilang mga kalalakihan namang nasa kabilang side ay nagkakantahan habang nag-gigitara pa ang isa sa kanila. Habang si Michaela naman ay natulala na lang sa kanila.

           Mayamaya lang ay biglang napatingin si Michaela sa isang binatang nasa harapan. Nakapatong ang mga paa sa isang upuan na katabi nito, habang nakasandal sa pader. Tumigil naman ang kaniyang mundo nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Ngunit agad din siyang natauhan, nang bigla na lang siyang nilabasan ng dila nito. "Huh? Problema nun?"

          Agad naman niyang iniwasan ang lalaki, at sakto namang tumunog na ang kanilang bell, oras na para sa kanilang breaktime. Ang mga lalaki namang nasa likuran niya ay naghihiyawan pa. Iyon kasi talaga ang pinakapabirito nila, ang breaktime.

          Napatingin naman si Michaela sa kaniyang mga kaklaseng may mga dalang baon at kumakain sa loob ng classroom nila. Hinawakan niya naman ang tiyan niyang kumakalam na rin. Nilapitan naman siya ni Karl at inalok, para sabay na silang mag-break. Tutal naman ay transferee siya, kaya naisipan na rin ng binata na i-tour siya roon para magkaroon ng kaunting kaalaman.

          "Gusto mong sumama?" pag-aaya naman ni Michaela kay Yahiro, ngunit tinanggihan lang siya nito at sinabi na lang na masama ang kaniyang pakiramdam.

          "This school is a bit big, hindi mo mapaghahalataang public lang." Panimula naman ni Michaela, habang sila'y patungong canteen.


Mischievous Flower (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon