[ⅰ] Bankrupt

228 7 0
                                    

CHAPTER 1: Bankrupt


"I WANT THAT!"

          Lahat ng mga mata'y nakatingin sa dalagang pilit na kinukuha ang isang limited edition ng sikat na necklace na gawa ng kilalang jewelry shop sa kanilang lugar. Naubusan kasi ito, kaya't kahit ano'ng paraan, gagawin niya. Magkaroon lang nito.

          "Pero Michaela, kakabili ko lang kasi nito e, bumili ka na lang ng iyo," paliwanag naman nito sa kaniya.

          "Pero, gusto ko niyan! Wala na kasing ganyan e. Sold out na," boses bata at mangiyak-ngiyak naman nitong kuwento.

          "Pero kasi.." Sandali naman natigilan ang babae nang may biglang pumasok sa isipan nito.

          "Gusto mo ba talaga nito?" mabilis namang tumango si Michaela habang naka-nguso pa ito na parang bata. "Ibibigay ko sa 'yo ito, kapag binayaran mo ng doble ang presyo." Hindi naman nagdalawang isip pa si Michaela at agad na kumagat sa sinabi ng babae. Binigyan niya ng halagang sampung libo ito at tuwang-tuwang nang makuha niya na ang kuwintas.

          Palibhasa ay anak mayaman. Binansagan pa nga siyang dakilang uto-uto ng ilang mga estudyanteng nakakasalamuha niya sa Jin Huang Academy na kaniyang pinapasukan. Lahat ng mga nagiging kaibigan niya ro'n ay habol lamang ay magpalibre nang magpalibre sa kaniya.

          Habang nasa klase, panay naman ang kuwentuhan ng mga kaklase nito tungkol sa kani-kanilang mga birthday.

         “Well, my parents bought me a new pair of shoes, and it only cost 20, 000 pesos.”   

         “If you ask me? My parents just gave me a brand new car on my birthday and I got my license last week!” pagyayabang naman ng isa pa nitong kaklase.

          “How about you, Mica?” Biglang tanong naman sa kaniya ng mga ito.

          “Me? My parents just, spend a half of million on my birthday last year and they gave me new pair of shoes that only cost 100,000 pesos. And also, my two brother gave me a trip to tokyo disneyland,” kuwento naman nito. Hindi naman makapaniwala ang mga ito at hindi na nakaimik pa.

          Ipinagtaka naman ni Michaela ang biglaang pagtikom ng mga bibig nito at nagkaniya-kaniya namang basa ng kanilang aklat.

          Nang matapos ang kanilang klase, dumiretso naman agad si Michaela sa tagpuan ng kaniyang fiancè.

          "Mica!" agad naman niyang nilingon ang taong tumawag sa kaniyang pangalan.

          "Ethan!" laking ngiti naman niya nang makita ang binatang papalapit sa kaniya.

          "Ang tagal mo naman! Kanina pa kita hinihintay dito e!" bungad naman nito sa binata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

          "Ang tagal mo naman! Kanina pa kita hinihintay dito e!" bungad naman nito sa binata.

          "Pasensya na, may ginawa pa sa klase e," sabay kamot nito sa kaniyang ulo.

Mischievous Flower (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon