Magic 1: Beginning of the Magical story

0 0 0
                                    


Ang bayan ng  Cleo ang pinakamahirap sa limang bayan na bumubuo sa siyudad ng Magnolia naririto ang mga mangangalakal, naninilbihan at ang maging mga bata o matatanda na ulila. Siguro sa apat na bayan ito ang masasabi mong wala ng pag-asa ngunit sa di inaasahang pagkakataon may isang bata na magpapabago ng takbo ng buhay ng mga tao sa bayan ng Cleo





Ria Pov

"Ria! Teka nga ambilis bilis mo naman maglakad walang humahabol sayo!" Reklamo nitong impakta kong kaibigan oo literal na impakta dahil siya ay half tikbalang half witch

"Ano ka ba Ava? Alam mong nagtatrabaho tayo para makakain mamaya sige na tara na bilisan mo na jan sa pagbubuhat naturingan kang kabayo ambagal bagal mo!" Kung idedescribe ko siya well may sungay siyang dalawa na nakapaikot at isang magandang mukha na namana niya siguro sa kanyang ina at may katangkaran din itong si Ava dahil nga ang tatay niya'y tikbalang ngunit dalawa lang ang paa niya at may maputi siyang kulay na namana naman niya sa kanyang ama

"Oo na kung natuto lang siguro ako ng magic Ria matagal na tayong mayaman di tulad nung mga nasa Magnolia napakasarap ng buhay nila hayss tayo kaya kelan?" Nagsimula na naman siya sa pagdadrama sa buhayy


Nang makarating kami sa tindahan ni Tatang Ali dineliver na namin yung mga pinapahanap niyang mga herbs para sa kanyang negosyong Halamang gamot

"O sha mga iha ito na ang bayad ko tatlong gintong barya salamat sa pagdadala nito sa tindahan ko" Tatlong ginto!? Parang anlaki naman ata ng ibibigay samin

"Teka tatang mali ata tong ibinigay mo sobrang laki naman po tama na po samin ang iisang gintong barya  o kalahati pa dun" pagrereklamo ko

"Mga iha tulong ko na yan sa inyo hala sige umuwi na kayo at magagagabi na"

Umuwi na kami ng may mga ngiti sa labi mabuti nalang at may pera na kami ngayon makakabili na kami ni Ava ng mga pagkain



Si ava nalang kase ang natitira kong kasangga sa buhay simulat pagkabata magkasama na kami.. simula nung gulo na yun 10 years ago dahil dun namatay ang aming mga magulang..




"Halika na Ria kain na tayoo!"

"Sige anjan na!"

Matapos ko magbihis ay kaagad naman akong bumaba. Himala at di pa nagsisimulang kumain tong impakta na to dati rati kase ay palagi siyang nauuna kala mo aagawan sa pagkain

"Wow naantay mo ako Ava ah! Big improvement!" Sabay tawa ko at inumpisahan ko ng kumain

"Ria.. di ka ba naboboring? Alam mo yun? Puro trabaho, kain, trabaho, kain wala man lang tayo naaachieve na ibang bagay like matutong gumamit ng magic.." nakatungo siya habang pinaglalaruan yung pagkain niya

"Hindi. Masaya naman ako sa buhay natin Ava. Teka nga ano bang nangyayari sayo?"

"Nakakainggit lang kase pag nagdedeliver tayo sa ibang bayan lahat sila gumagamit ng magic katulad ng bayan ng Silva ang balita ko dun namamalagi ang mga katulad kong witch gusto ko ulit makapunta dun at mag-aral.. Ria.. ikaw ba?"  Ako? Ako pa talaga tinanong 

"Kuntento na ako Ava.. ayoko ng gulo ni hindi ko nga alam kung ano bang kapangyarihan ang meron ako alam mo namang bata pa tayo nang mamatay ang mga magulang natin.. " nakakalungkot dahil sa digmaan napakapait ng buhay namin ngayon

"Ayaw mo bang mag-aral ng mahika? Ria pag natuto na tayo nun malaki na ang pwede nating kitain dun.. kaya sige naman tara na.. pls?" Nagpout pa kala mo bagay

"Wag ka nga magpout muka kang kambing!" Sumimangot naman siya hahaha

"Grabe ka ah! So ano nga?"

It's All About MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon