Magic 2: The hunters

0 0 0
                                    




Ava POV


Ilang bundok na ba ang natawid namin at malapit na ding magdapit hapon pagod na pagod na kami ni Ria

"Ria, pahinga muna tayo sige na pagod na talaga ako tsaka maggagabi na oh sige na"

"Shhh.. wag ka maingay yuko tayo may naririnig ako sa likod natin.. may ibang tao dito"  bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya


Sumunod na nangyare ay may mga taong may hawak ng palaso mukhang mga hunter sila dahil may dala dala silang baboy ramo na sa tingin ko'y kakahuli lang nila ngunit ang isa'y kakaiba ang kasuotan mukhang maharlika

"Riaaa.. gutom na akoo.. ayun oh may baboy ramo silang hawak baka naman pwede tayong humingi sa kanilaaa.."

"Wag kang pakakasiguro dahil alam nating mga hunter yan.. baka may kung anong gawin sila satin kaya tumahimik ka muna jan" sungit kala mo may regla to


"Iuwi na natin tong baboy ramo para makain na ni tanda tss bakit pa kase dito pa tayo sa Shilo napunta anlayo layo sa kabihasnan puro bundok!" Reklamo nung lalaking mukhang maharlika


"Prinsipe, pasensya na po dahil yan po ang ipinataw na parusa ng reyna.." at dali dali na silang umalis

"Sabi ko na kaya pala iba ang kasuotan niya isa siyang prinsipe at nasa Shilo na pala tayo 5 bundok nalang at malapit na tayo sa Bayan ng Kagano ayon dito sa mapa"


"Teka si prinsipe harry ata yunnn!"



"Sinong nanjan?! May tao ba jan? Lumabas kayo! O baka naman gusto niyong pasabugin ko kayo kung nasan kayo!" Halaaa narinig ata kami ni prinsipe

"Ang daldal mo kase yan tuloy!" Wahh sorry T.T

"Isa!"


"Dalawa!"


"Heto na nga oh! Wala naman kaming gagawing masama!" Mainit lagi ulo nitong si Ria tss gwapo gwapo ng prinsipe grabeee ang kisig kisig kaso ansunget tss


"Sino kayo? Nagmamanman ba kayo? Anong pakay niyo sakin?



"Di kami nagmamanman nagkataon lang na nagpapahinga kami dito sa kagubatan at bigla kayong napadaan dito pasensya na mahal na prinsipe Harry aalis na kami" akmang hahakbang na sana si Ria ngunit agad naman kaming pinigilan ng prinsipe

"At sa tingin mo? Maniniwala kami? Hah manigas ka! Dakpin sila! Mga panghas!"

Agad agad kaming hinawakan ng mga kawal na kasama niya at pinasunod kung san sila pupunta












Ria's POV

Makawala lang ako dito at babalatan ko ng buhay tong prinsipe sungit na to! Tsk

"Hoy ano ba! Palabasin niyo nga kami dito! Wala kaming masamang balak! Mga hangal kayo!"

  Pinagloloko lang ata kami nitong mga kutong lupa na to eh

Sa sobrang galit ko nalusaw ang bakal na pintuan na hinahawakan ko


"Ria ang kamay mo! Nagliliyab! Ang kapangyarihan mo Riaaaaaa wahhhh!"
Oo nga lumiliyab ngunit di naman nakakapaso..

Tinanggal ko ang kamay ko sa pintuan upang pagmasdan ang apoy na nanggagaling sa kamay ko at sinubukan ko ulit tong ihawak sa pintuan at tuluyan ng nalusaw ang bakal na pintuan at dali dali kaming lumabas upang tumakas




It's All About MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon