Magic #3: Ang bayan ng Hale

2 0 0
                                    



RIA's POV


Nang magising ako  ay kaagad akong naligo at nagbihis upang makaalis na. Papasikat palang ang araw sa kalangitan at malamig ang simoy ng hangin..



Bumaba ako upang kumain ng agahan dahil ang prinsipe daw ay naiinip na at gusto ng umalis.. napaka arte talaga kala mo gwapo tss

Oo na gwapo na! Matangos lang naman yung ilong, may mapupulang labi, may matang nakakapanglambot ng tuhod kung makatingin, matangkad, medyo kulot ang itim na itim na buhok at matangkad.

Oo na nga! Gwapo na! Tss

"Baka matunaw ako sa kakatitig mo at tumulo na ng tuluyan yang laway mo"

Agad naman akong napatingin sa ibang direksyon at tinignan kung may laway nga ba talagang malapit ng tumulo




"Hoy! Di ka g-gwapo para pagtuunan ng pansin at tsaka wala namang laway ah!"

"HAHAHAHAHA you're really interesting when you're mad"





"Tsss anong oras ba tayo aalis?"

"Kumain ka muna jan. Nasaan na ba yung kasama mong babae? Yung may sungay?"


"Nakikita mo ang sungay niya?"

Pano nangyare yun eh binigyan siya ng balabal para di makita yung sungay niya

"Oo naman" matipid niyang sagot

"Pero paano?"

"Dahil yan ang espesyal kong kakayahan. Makita ang mga bagay na ginagamitan ng mga mahika"

Ang astig naman!

"Anong kapangyarihan mo pala?"

"Air user ako.. kaya ko ding gumamot ngunit di ko kayang bumuhay ng patay"

"Ahh.. so kaya mo palang lumipad? Bakit hindi ka nalang lumipad papunta dun sa Magnolia?"


"Lahat ng bayan may iba't ibang barriers sa kalangitan para panangga sa mga kalaban katulad ng bayan na madadaanan natin. Ang bayan kung saan nakatira ang mga Taong Lobo at mga bampira"

Teka may ganun pala? Totoo pala ang mga kwento sakin nila ama at ina

"Mapanganib ba sila?"

"Sort off. Kaya kailangan nating mag-ingat dahil mga mababangis ang mga taong lobo sa ilog tayo ng Hale dadaan. By the way, ang bayan pala na pupuntahan natin ay Hale"

Hale? Tekaa parang narinig ko na yun..







"Halika anak! Pupunta tayo sa mga lolo't lola mo! Maghanda ka na sabik na sabik na akong makita sila"

"Saan po bang lugar yung bahay nila Lola?"

"Sa Hale anak, dadaan tayo sa portal gamit ang kapangyarihan ng iyong ama"


"Kung di ako nagkakamali nakarating na ako dun pero bata pa ako nun mga limang taon ata ako di ko na rin masyadong maalala ang itsura"

"Ganun ba? Mamaya malalaman mo. Tawagin mo na ang kasama mo"







Umakyat na ako upang tawagin na si Ava nakatulog na ata sa banyo kahit kelan talaga tong babaeng to napakapasaway!

"Ava.. dalian mo na jan at aalis na tayo anong oras na huy.. Ava?"

"Saglit lang.. wahhh.. Ria!! Wahhh huhuhuhu.. baka matakot ka sa itsura ko"

"Ano bang ginagawa mo? Pwede bang buksan mo to!"

"Wahh huhuhuhu Ria"

Binuksan niya ang pintuan at tumambad sakin ang mukhang taong lobo na si Ava

"Anong nangyari sayo? Teka bakit ganyan na itsura mo?"

"May nabasa kase akong spell sa  libro na makakapagpawala ng sungay ko tapos inenchant ko ito ngunit ito ang kinalabasan.. wahhh Ria anong gagawin ko! Ampangit pangit ko na!"

Hays sabi ko na nga ba eh kapabayaan talaga nito

"Iisip ako ng paraan pero sa ngayon dalian mo na nagaantay na ang prinsipe baka mabagot yun at iwanan tayo"




























"Humanda kayo at malapit na tayo sa Bayan ng Hale madaming lobo at bampira ang naninirahan sa bayan ng Hale"

"B-bampira ba? Tsaka lobo? Di ba sila nangangaggat?"
Takot na tanong ni Ava

"Pwedeng oo pwedeng hindi? Malalaman natin yan sa pagpunta natin dun"



"Ria? Baka mapagkamalan nilang kasapi nila ako huhuhuhu ayoko magpaiwan dun Riaaa"
Kahit kelan talaga napakaiyakin nito


"Di kita iiwan dun kahit na anong mangyari"


"Andito na tayo.. maging alerto kayo.. mga kawal pumalibot kayo sa mga babae"

"Saglit may eenchant lang akong panangga natin"

"Sigurado ka ba jan Ava? Baka maging kuneho naman kami niyan?"

"Hindi ah? Nagawa ko na to kagabi kaya alam kong magagawa ko to ngayon.. heto na.. Esles isles seyo protektora iy"

May kung anong liwanag ang nakapalibot samin

"Yesss! Nagawa ko!"

"Magaling.. kaya mo palang gumamit ng mahika?"

"Oo pero kagabi ko lang napractice"
Masayang tugon ni Ava



"May mga palaso! Dapa!"

Dumapa kami ngunit di tumagos ang mga palaso na galing sa gubat


"Awooooooooooo" umalulong ang isang lobo na animo'y nagtatawag ng mga kasama




"Sino kayo at bakit kayo napadpad sa aming bayan?" Sambit ng lobong nakaharap samin at ang boses niyay parang napakalalim

"Ako nga pala si Prinsipe Harry ng kaharian ng Magnolia. Naglalakbay kami patungong magnolia at dito kami napadaan pasensya na kung nagambala namin kayo"

Dumating ang kanilang Leader di ako sigurado ngunit siya ang pinakaangat sa lahat ng taong lobo


"Prinsipe Harry? Ang anak ni Shiela?"


"Oo ako nga. Ikaw ba ang leader ng mga taong lobo. Paano mo nalaman ang pangalan ng aking ina?"

Nakakatakot ang prisensya ng mga taong lobo dahil kung makatingin sila ay parang mga mangangaggat at alerto sa bawat galaw pati paghinga ata namin ay bilang nila

"Matalik ko siyang kaibigan. Kung ganoon ikaw pala ang anak niya"

"Ako nga. Pwede na ba kaming dumaan? Dahil kailangan ko na talagang makauwi sa kaharian"

"Sige, ngunit sino ang kasama niyong taong Lobo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's All About MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon