Simula

53 6 1
                                    

Simula

Maraming bagay ang kinaiinisan ko sa mundong ibabaw. Pero isa lang talaga ang nagpapakulo ng dugo ko. Pero hindi siya bagay,tao siya at ang pinakamalala ay babae pa siya! Actually silang apat ng mga kaibigan niya.

Apat na babae na walang ibang ginawa kundi ang manggulo at mag-ingay sa classroom. Akala mo mga siga e duwag naman yung isa sa kanila. Lahat na lang ata ng insekto kinakatakutan niya. Yung tatlo naman mga feeling boss mga lampa naman. Hindi lang pala yung tatlo kasama din pala yung isa don.

Sila lang yung babaeng kilala kong tuwang tuwa sa mga kadugyutan at kabastusan na pinaggagawa nila. Di matatapos ang araw ng hindi sila nagmumura, hindi nanakit at higit sa lahat ng hindi sila tumatawa.

Lagi silang nantitrip ng mga kaklse naming mga mahihina at hindi lumalaban. Lagi silang napapagalitan ng mga teacher kasi ang hilig nilang sumagot at mangatwiran. Di sila natatakot kasi may mga honors sila kaya ang lakas na magyabang. Yung isa magaling sa math at english, yung isa magaling magpaliwanag at magpalawak ng mga salita,yung isa magaling sa  filipino at yung isa magaling magaling maghandle ng bagay at mga problema.

Para nadin silang demonyo. Demonyo kasi mautak. Sila lang yung magkakaibigan na naglalaitan pero walang pikunan.

Sila lang din yung mga babaeng mas gustong kaibigan ang mga lalake kesa sa mga babae kasi masyado daw maarte yung mga babaeng kaklase namin. Andami dami daw pinaglalagay sa mukha kala mo naman daw ang gaganda.

Isa sila sa mga kaibigan ng mga tropa ko. Syempre kasama ako don. Lagi silang kasama kapag tatambay kami,gagala, manunuod ng sine o magmomovie marathon. Close na close nila yung mga tropa ko. Tuwang-tuwa pa nga yung mga tropa ko sa mga katarantaduhan at kabastusan nila e. Pero ako? Never ko sila kinausap at never ko din sila nilapitan. Kahit na kinakausap nila ako bihira lang ako sumagot sa kanila at kung sasagot man ako, himala na yun.

~~~

Napahikab ako ng ilang ulit ng sinabi ng teacher namin sa cl na bawal daw ng ganto ganyan. Nako naman ba't ba kasi napakatagal magbell kapag eto yung subject namin? Boryong boryo nako paulit ulit nalang ampota.

Katabi ko si Bryan na kanina pa natutulog dahil amboring daw ng teacher namin na to at nasa likod ko naman yung dalawa sa apat na demonyo na bulungan ng bulungan.

"Pst Violette ano yang sinusulat mo?"tanong ni Kwan.

"Wala!"pasigaw na bulong ni Violette kay Kwan.

"Si Bryle nanaman ba yang sinusulat mo? My dear bespren,wag ka na ngang magpakatanga jan sa lalaking yan. Niloloko ka na niya ng harap harapan di mo pa din ibreak."seryosong sabi ni Kwan.

Natahimik ako sa sinabi ni Kwan. Bakit hindi ko alam yun? Hindi namin alam yun. Kahit na hindi ko sila kinakausap, alam ko pa din yung mga sekreto nila kasi kapag nagkekwento sila kunware lang akong hindi nakikinig pero buong detalye alam ko. Kaya nagulat akong malaman na may boyfriend pala si Violette. Itatanong ko yan mamaya kela Win.

Recess.

Andito kami ngayon sa tambayan at tamang tama wala yung apat kaya nagtanong nako agad kela Win.

"Win tol boyfriend pala ni Violette si Bryle?"

"Sa'n mo naman nalaman yan Dark?"tanong ni Bryan.

"Narinig ko kasi kanina na naguusap sila Violette at Kwan na nagpapakatanga daw si Violette kay Bryle kasi niloloko na siya ng harap harapan di niya pa din binebreak. Di siya nagsasabi satin na may boyfriend na pala siya."sabi ko sakanila.

"Aba'y gago din pala yang Bryle na yan e. Ang kapal ng mukha niyang gaguhin yung bespren ko puta  makakatikim sakin yan!"seryosong sabi ni Win.

"Pero di ko alam kung kaya kong kausapin sila Violette kasi diba pangako natin sa isa't isa na walang sekretuhan pero nagsekreto siya satin."dagdag pa ni Win.

Di kalayuan nakita namin sila Violette na nagtatawanan nanaman at papunta dito sa tambayan. Kumulo nanaman yn dugo ko. Ewan ko ba lagi akong irita sa kanila lalo na jan kay Violette. Lakas pa ng loob na pumunta dito sa tambayan e di naman siya tapat sa tropa. At ang worst pa dun, binoyfriend niya pa yung kaaway namin.

"Woy ba't ganyan yung mga mukha niyo? Parang pinagsakluban ng langit at lupa e HAHAHA."sabi ni Veronica pagkarating nila.

"Di sa lahat ng oras nakakatawa kayo. Anlakas ng loob niyong mangakongako na hindi kayo magsesekreto samin pero anong ginawa niyo? Nagsinungaling pa din kayo diba?"seryosong sabi ni Deym.

"Anong pinagsasabi mo Deym? May nangyare ba? At anong nagsisinungaling pinagsasabi mo? Kelan kami nagsinungaling?"nalilitong sagot ni Densie.

"Violette I'm so disappointed. Okay lang naman samin kung magboboyfriend ka e. Pero si Bryle? Bakit ano bang meron sakanya? Anong nakita mo sa kanya? Alam mo namang kaaway namin siya pero binoyfriend mo pa din siya. At ang pinakamalala pa ay sinekreto mo yun samin. Sorry pero di ko alam kung kaya ko pa ding maging kaibigan ka. Lahat kayo, kayong apat nagsinungaling samin kaya sorry."sabi ni Win at nag walkout.

Sumunod na din ako pati narin sila Bryan,Deym at Louie. Sila Erech at Wrenz ay naiwan at kinausap yung apat.

Pagdating namin sa classroom nakita namin si Win na blanko lang yung ekspresyon. Sobrang nasaktan yan kasi bestfriend sila ni Violette tapos binoyfriend ni Violette yung umagaw sa girlfriend dati ni Win.

Nung nagbell na ay dumating na yung apat at tahimik lang sila. At napansin ko din na namamaga  yung mata nila lalo na si Violette. Ba't sila umiiyak e sila naman may kasalanan nun e. Mas ginusto nilang magsinungaling at magtraydor samin.

Lumapit si Violette kay Win.

"Win sorry. Sasabihin ko naman sa inyo e kaya lang natatakot akong magalit kayo sakin at hindi niyo nako pansinin. Win sorry talaga."maluha luha niyang sabi. Ay oo nga pala siya yung pinaka iyakin sakanilang apat. Siya yung madamdamin.

"Tsk tsk. Sa tingin mo matatanggap namin yan sorry mo? Ginusto mo naman yan diba? Ginusto niyo namang magsinungaling kaya para sa'n pa yang sorry niyo?"seryoso kong sabat sa kanila.

"Pwede bang tumabi ka jan? Ayokong may lumalapit sakin na sinungaling."pagalit na sabi ni Win na hindi man lang tinitignan si Violette.

~~~
A/N
This is my first published story so please support this !

Vote, share and comment !

Hanggan KailanWhere stories live. Discover now