Kabanata 1

30 4 1
                                    

Kabanata 1

Tampo

Natapos ang mga subject namin at uwian na sa wakas!

Pero si Win wala pa ding emosyon yung mukha niya, blanko lang. Tumayo nako at pinasa ko na yung notebook ko. Pota sumakit kamay ko dun a. Ampagkadami dami kasi magpasulat netong teacher nato di naman nagtuturo gago lang.

Pagkabalik ko sa upuan ko biglang nagsalita si Deym.

"Win nuod tayo kela Erech meron ng season 3 yung riverdale sa netflix!"tuwang tuwa na sabi ni Deym.

Nako ganyan talaga yan mahilig kasi manuod ng mga movies at searies yan kaya sobrang saya niya.

"Asige sunod na lang ako."sagot naman ni Win.

"Sigiii! Kayo na lang manuod nila Win! Wag niyo na kami isama!"nagtatampong sabi ni Bryan.

"Tangina mo Bryan napaka isip bata mo talaga kaldagan kita jan e!"naiinis na sabi ni Louie sabay batok kay Bryan.

"Woy kayong dalawa tama na nga yan! Parang mga bata! Lahat naman tayo manunuod e. Kelan ba tayo di nakumpleto pagmanunuod tayo diba?"sabi ko sa kanila sabay tayo na.

Lalabas na sana kami ng magsalita si Kwan.

"Ibig sabihin kasama pa din kami diba? Sorry na mga kups. Sasabihin din naman sa inyo ni Violette yun e kaya lang pinapangunahan siya ng kaba kaya di niya agad nasabi."sabi niya sabay lumapit silang apat samin ng nga nakangiti.

"Ayoko na pala manuod. Kung gusto niyo kayo na lang."seryosong sabi ni Win at walang pakundangang umalis na.

Nasobrahan ata sa tampo ang lolo mo at  naging ganyan bigla. Sabagay lahat naman kami masasama yung loob dito sa apat na babaeng to e.

"Ay nakalimutan ko madami palang bisita sila mom sa bahay. Next time na lang mga tropa."sabi bigla ni Deym.

"Tara na uwi na tayo!" sabi ni Erech at sumunod naman na kami sa kaniya at iniwan na yung apat na biglang nawala yung mga ngiti sa labi.

"Puta mga tol si Win ba yung nakikita ko na nakikipagsuntukan kay Bryle?" gulantang na sabi ni Erech.

"Ay puta tara na resbak na tayo! Kapal ng mukha ng hayup na yan na pumunta dito a matapos niyang lasunin yung utak ng ex  ni Win ta's ngayon si Violette naman yung gagaguhin niya aba'y puta talaga!" naiinis na sabi ni Deym.

At dahil don agad kaming tumulong kay Win. Kung tutuosin,napakalaki ng atraso neto ni Bryle samin tapos dadagdagan niya nanaman tangina tibay talaga ng utak ng gagong to.

Agad na may sumugod sakin pero dahil magaling ako kaya siya yung natumba ngayon. May sumugod pang isa sakin pero agad ko siyang sinapak at pagkatumba niya ay tinadyakan ko siya ng tatlong beses. May susugod nanaman sanang isa na may hawak na tubo pero pagkalapit niya,agad kong inagaw sakanya yung tubo na hawak niya at sakanya ko hinampas yung tubo niya. Puta ngayon ko lang napansin na madami dami pala sila. Pero dahil mukhang seryoso tong mga kasama ko sa mga kalaban nila kaya pinagtuonan ko na lang din ng pansin yung mga sumusugod sakin pero in the end,mga nakahandusay na sila sa sahig ang tanging nakatayo na lang sa grupo nila ay ang leader nilang wala namang binatbat.

Hawak ni Bryle si Win sa  kwelyo ngayon pero nakangisi lang si Win sa kanya. Mas lalo tuloy nabwiset si Bryle kaya sasapakin na sana niya si Win pero agad namang sinalo mi Win yung kamao niya at siya na ang sumapak may Bryle.

Tanginamo tama lang yan sayo napakayabang mong hayop ka kala mo gwapo ka uluuuuul!  sabi ko sa isip.

"Tara na." sabi ni Win at akmang aalis na pero napahinto siya ng nakita niya si Violette na nakatingin sa itsura ng boyfriend niyang walang kwenta.

Di iyon pinansin ni Win at nilagpasan lang yung apat. Agad naman kaming sumunod at nilagpasan lang din yung apat.

Pagkauwi ko agad akong sinalubong alaga kong aso.

"Arf arf arf!" masiglang bati niya sakin.

Hinimas himas ko yung balahibo niya bago kinuha nung katulong namin yung bag ko at dinala na sa kwarto ko.

Bumaba naman si mama galing sa taas at sinalubong din ako.

"Dark Nathaniel! Nakipag away ka nanaman ba?! Hindi ka talaga madala dala e no?!" sermon sakin ni mama.

"Ma libangan lang namin to. Di naman kami mamamatay e." ismid ko kay mama at di na siya pinansin.

Pero di talaga ako tinigilan ni mama sa sermon niya. Hanggang pagakyat ko sa kwarto ko nakasunod pa din yung bunganga niyang talak nanaman ng talak. Napaka OA talaga ng nanay ko. Wala naman akong saksak o ano e. Pawis lang ako pero alam na agad niyang nakipagaway ako kaya nagsesermon nanaman siya.

Sanay naman nako sa bunganga ni mama e kaya lang nakakasawa na paulit ulit na lang lagi sinasabi busit.

"Sabi ko naman sayo anak diba na wag ka ng makipag away dahil baka kung mapano kapa. Di mo gayahin yung kuya mo sa ibang bansa, nagaaral ng mabuti" blah blah blah.

Ilang ulit ko ng narinig yan wala akong dapat ikatakot malakas ang bantay ko sa likod HAHAHA djk lang. Ganto lagi ang eksena paguwi ko kapag nakikipagaway kami. Ganto din ako lagi pasok sa kanan labas sa kaliwa very easy.

Dumiretso nako sa banyo at naglinis na ng katawan.

~~~
Vote, comment and share !

Hanggan KailanWhere stories live. Discover now