Kabanata 2

24 4 0
                                    

Kabanata 2

Sorry

Nagising ako ng maaga sa di ko malamang dahilan. Eto ata ang unang beses kong magising na maaga.

At dahil maaga pa para maghanda para sa school, magjojogging muna ako.

Habang nagjojogging ako ay napadaan ako sa playground ng subdivision namin. Nakita ko doon si Violette na nakatulala at mukhang malalim ang iniisip.

Tss siguro iniisip nanaman niya yung boyfriend niyang gago. sabi ko sa isip ko

Aalis na lang sana ako at di siya papansinin ng marinig ko siyang humikbi. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin at lumapit.

"Dark sorry. Sorry kung nagsinungaling ako sainyo. Sasabihin ko din naman sa inyo kaya lang di ako makahanap ng magandang tyempo at natatakot akong iwan niyo ko. Di ko na alam gagawin ko. Di ko alam kung pano hihingi ng sorry sa inyong lahat lalo na kay Win. Pati tuloy yung tatlo nadamay sa katangahang ginawa ko. Sorry talaga Dark. " sabi niya habang umiiyak.

"Huwag ka lang sakin magsorry. Magsorry ka din sakanila lalo na kay Win kasi magbestfriend kayo. Sobrang nasaktan yon kasi pakiramdam niya hindi mo siya pinagkakatiwalaan. At isa pa, sa dinami dami ng pwede mong iboyfriend bakit yung taong yun pa? Anong nakita mo sa kanya? Pinikot ka ba niya? Alam mong kaaway namin siya lalo na si Win." sabi ko at iniwan na siya don.  

First time ko siyang kausapin ng ganon. Kadalasan kasi tango at iling lang ang sagot ko sakanila lalo na sakanya.

~~~

Pagkapasok ko sa room ay andon na silang lahat. Agad naman akong dinamba ni Bryan.

"Uy tol nagawa mo na yung research mo?" tanong niya.

"Hindi pa" sagot ko at umupo na sa pwesto ko.

Habang nakaupo ako ay naalala ko nanaman yung pinagusapan namin ni Violette kanina. Magsosorry na kaya siya kay Win?

Hay nako wag na nga problemahin yan di ko naman problema yan! Matutulog na lang ako dahil bigla akong inantok. Oo nga pala ang aga kong nagising kanina.

~~~

Nagising ako ng maramdaman kong may kumakalabit sakin.

Pagbangon ko nakita ko si Deym na sobrang lapit ng mukha sakin kaya nagulat ako.

"P*ta naman tol abnormal ka ba?!" singhal ko sakanya.

"Hindi naman tol. Kanina ka pa namin ginigising kaya lang mukhang ang himbing masyado ng tulog mo. Kanina ka pa hinahanap ni Jesse." sabi niya ng nakangiti

May kademonyuhan nanamang naiisip tong kupal nato.

"Si Jesse? Ano namang kailangan niya sakin?" nakasimangot kong tanong sakanya

"May sasabihin daw siya sayo e. Sabi ko ako na lang magsabi paggising mo sabi niya mamaya na lang daw pag nagising ka na lang daw." sabi niya

"Yun lang pala sasabihin mo ginising mo pako panira ka ng tulog e!" inis na sagot ko sakanya

"Anong panira tol kanina ka pa natutulog recess na natin ngayon tara na!" sabi niya at hinila nako patayo

~~~

Pagkarating naming dalawa ni Deym sa tambayan ay andon na silang lahat at mga nagtatawanan na.

"Anjan na pala si Dark e. Tol kamusta tulog natin?  Mukhang pagod ka ah ano bang pinagkaabalahan natin jan tol? Hahahaha" tawang tawang salubong sakin ni Bryan

"Ulol ka tol di nako naggaganon!" inis kong sagot sakanya sabay upo at kuha ng chichirya niya

Bigla namang tumawa si Louie.

Hanggan KailanWhere stories live. Discover now