Kabanata 5

11 0 0
                                    

Kabanata 5

Baby

"Deym tama na yan. Lasing ka na." saway ko kay Deym. Kanina pa yan umiinom hindi pa nga nagagamot yung mga sugat niya dahil sabi niya ayos lang pero halata mo namang hindi.

"I'm not the fucking father of that child. That's bullshit." kanina niya pa sinasabi yan. Di na namin alam kung anong gagawin namin sakanya dahil ayaw niya talaga magpaawat may mga tama na rin kami pero kaya pa naman namin icontrol sarili namin.

"Dito na lang muna siguro tayo matulog kesa naman umuwi tayo, mapapagalitan lang tayo. May mga pasa na nga sa mukha mga nakainom pa." sabi ni Bryan

"Oo nga dito na lang tayo magpalㅡ" di na natapos ni Louie yung sasabihin niya ng sabay na tumunog ang phone ko at phone ni Win.

Win answered his phone so i did the same. When I took my phone, I saw my moms name flash on the screen. I'm sure she's effing mad right now. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni mama.

"Oh my god! Where are you Dark Nathaniel?! We've been looking for you for almost 5 hours! Did something bad happened? Are you alright? Tinatawagan kita pero di mo sinasagot. We're so worried anak. Where are you?!"  sunod sunod niyang tanong.

"Ma, kalma okay? We're here at Deym's condo. We're watching movies kaya di ko nasasagot mga tawag mo ma. I'm sorry okay? I'm all fine. Tsaka ma dito na lang kami matutulog uwi din ako bukas." I lied. Actually di ko talaga napansin na tumatawag pala si mama.

"Is that so? My god! Sana nagpaalam muna kayo kanina bago kayo tumuloy jan. Sigurado ba kayong okay lang kayo jan?"

"Ma we're all good. Kaya wag na kayo magalala. Wait ma ano yung tumutunog jan? May mga police ba jan?"

"Uh yes my son. Tumawag kami ng pulis dahil sobrang nagaalala na kami. Pero ayos na dear, magpapasensya na lang kami."

"God. Ma gotta go. Uuwi din kami bukas. Love you goodnight."

"Ok ok. Love you too. No alcohol allowed 'kay?" she said then ended the call

Humarap ako sa mga kaibigan ko at nakitang di pa din tumitigil sa paginom si Deym. Saktong pag-upo ko ay ang pagbalik ni Win padabog siyang umupo at nilagok ang nasa shot glass niya.

"What happened to your face?" Bryan asked then laugh

"Tumawag si mama at andun daw silang lahat sa bahay niyo Dark at may pulis pa. They're fvcking insane!" he said at nilagok nanaman niya ang kakasalin lang ni Erech sa shot glass niya

"Oa lang yung mga yun kala siguro nila kung ano ng nangyari satin. Hayaan na natin sila." sabi ko at nilagok din ang nasa shot glass ko.

"I'm not the fvcking father! Mawawala lahat ng to pag nalaman to ni dad! Fvck."

Napatingin kaming lahat kay Deym dahil nagwawala nanaman siya.

"Hindi ako pwedeng makabuntis papatayin ako ni dad. Mawawalan ako ng pera. Lahat babawiin ni dad sakin!" pagkasabi niya non ay nagkatinginan kaming anim

"We need to talk to that girl. Kailangan nating makasigurado kung kay Deym talaga yung dinadala niya." I said

"I know where we can find her." sabi naman ni Erech

"Antayin na lang muna nating makatulog si Deym bago natin siya puntahan." Win said

Minutes have passed and finally Deym's sleeping na. He look so stressed. I wonder if kanya talaga yun kasi alam namin na maingat talaga siya kaya laking gulat namin ng sinabi ni Erech na may lumapit sakanila na sinasabing siya ang ama. That was the first time na may lumapit sakanya at sinasabing buntis siya.

~~~

"You sure she's in there Erech?" tanong ni Louie ng dalhin kami ni Erech sa isang barong barong.

"Oo she lives their with her dad." sagot niya at nauna na siyang bumaba. Wala na kaming nagawa kaya sumunod na lang kami.

"San niyo ba siya nakilala?" tanong ni Bryan habang patungo kami sa pintuan

"Magkasabay kami ni Deym pumasok non then muntik na namin siyang mabangga kaya ayun tinulungan namin. Binigyan siya ni Deym ng pera panghospital pero ayaw tanggapin ng babae kaya ang ginawa ni Deym ay hiningi yung number nung babae and alam niyo naman kung ano ng mangyayari kasunod." paliwanag ni Erech at siya na ang umabante para kumatok

Di pa dumidikit ang kamao ni Erech sa pinto ng makarinig kami ng malakas na kalabog.

"Mukhang may nagwawala sa loob ah" saad ni Louie

"Haup kang bata ka! Wala ka na ngang naitutulong dito sa pamamahay na to nagpabuntis ka pa! Manang mana ka sa nanay mong malandi!" sigaw ng isang lalaki sa loob na sa tingin ko ay ang papa niya

"Kakausapin pa ba natin siya? Sa sunod na araw na lang kaya?" sabi ni Bryan

"Oo nga mukhang wrong timing tayo e." sabi naman ni Win

"Ngayon na sayang lang ang punta natin dito kung di pa natin kakausapin." sabi naman ni Wrenz

"Bumalik na lang tayo baka makaabala pa tayo." sabi ni Louie

"Ngayon na! Tatamadin nako sa ibang araw!" sabat ko sakanila

"Kung gusto niyo bumalik na kayo dun sa condo ni Deym kaaarte niyo. Kung ayaw niyong maging ninong bumalik na kayo!"

"Gago!" sabay sabay naming sabi kay Wrenz. Wala na talagang naisip na matino tong taong to.

"Ano magaaway away na lang kayo jan?" nakabusangot na tanong ni Erech

"Kasi kung kanina ka pa kumatok edi sana kanina pa natin nakausap yung sinasabi mo." pabalang na sagot ni Louie

"Ako na nga ang kakatok."

Nabitin sa ere ang kamao ko ng biglang bumukas ang pintuan at sumalubong samin ang dalawang pares ng inosente at namamagang mata ng isang babae. Kaya pala natipuhan to ni Deym e. Mukha siyang anghel.

"S-sino k-kayo?" humihikbi niyang tanong sa amin

"Kaibigan kami ni Deym. Gusto ka lanㅡ" naputol ang sasabihin ni Erech ng sumigaw nanaman ang tatay niya sa loob

"Punyeta ka! Huwag na huwag ka ng babalik dito! Magsama kayo ng nanay mong malandi!"

"P-pwede bang umalis na m-muna tayo d-dito?" tanong niya sa aamin kaya nagmamadali kaming nagsipunta sa sasakyan ni Erech at pinasakay na namin siya.

Habang nasa byahe ay bigla siyang humagulgol kaya hinagod namin ang likod niya at sinubukan namin siyang patahanin.

"Anong pangalan mo? At anong nangyayare sa inyo? Bakit ka pinapalayas?" tanong ko sakanya kaya naman napatingin siya sa aming lahat

"A-ako si Aloutte Clemonte. Nabuntis kasi ako at nalaman ni papa kaya galit na galit siya. Naisipan kong  ipapalaglag na lang sana dahil naiistress na ako at hindi naman ako papanagutan ng tatay niya kaya lang hindi ko kaya. Teka sino nga ba uli kayo?" sabi niya.

"So Aloutte ako si Dark Nathaniel Coldwell, eto si Win Emerson, si Bryan Anderson, si Mark Louie Adler, si Erech Jones at si Wrenz Andrew Carson. May gusto lang sana kaming itanong sayo. Sino ba ang ama ng dinadala mo?" sabi ko sakanya

"Si Deym Enriquez. Sana di na lang ako bumigay sakanya." sabi niya at napahagulgol nanaman siya.

~~~
A/N:
    Ang pagkakabasa sa Aloutte ay ALWOT! Pinalarit ko lang yung spelling HAHAHA!

Vote, comment, and share!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggan KailanWhere stories live. Discover now