Napaupo nalang ako dahil sa sobrang takot. Nararamdaman ko na din ang unti unting maninikip ng dibdib ko. Wala akong magawa kundi maiyak nalang.
"Miss wag ka nang umiyak. Maglalaro lang naman tayo saglit." Sabi nung isa at hinawakan ako sa balikat. Lalo tuloy nanginig ang katawan ko. Kung kaya ko lang sanang tawagan si Shou.
"P-please. Tama na. J-just let me out." Pagmamakaawa ko.
"SHEEN!!!" Bigla akong napatingin sa may pinto nung may tumawag sakin.
*BLAG
Nagulat nalang kami ng biglang nasira yung pinto.
"Sheen andyan ka ba!?" Nakita ko nalang sina Trisha at Nikki na mukhang sobrang nag-aalala sa'kin. "Shit!"
Bigla nalang sinipa ni Trisha yung lalaking nakahawak sa'kin. The next thing I know nakahandusay na siya. Si Nikki naman tumakbo papalapit sa'kin.
"Sheen. Okay ka lang ba? Anong ginawa nila sayo?" Tanong niya habang tinutulungan akong tumayo. "Oh my, you're really trembling!"
"Wag na wag niyong ipapakita ang pagmumukha niyo sa'kin, kundi tutuluyan ko talaga kayo!" Napalingon ako sa direksyon ni Trisha at mukhang nabugbog niya yung dalawa. Dating lalaki kaya si Trisha?
"S-sorry po! Hindi niyo na po kami makikita! Promise po!" Sagot nung dalawa.
"Trisha, tara na. Dalhin natin si Sheen sa clinic." Tawag ni Nikki. Agad namang pumunta si Trisha sa'min.
"Let's go!" Sagot ni Trisha.
"No! Okay lang ako. Let's just go to class." Kahit na masakit pa rin ang chest ko, ayaw ko namang malaman nila ang kondisyon ko. I want to be treated normally. I wouldn't risk that para lang sa nangyaring 'to. "Wait lang ah." Kinuha ko yung inhaler and started breathing in the medication. It can help me feel better.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Nikki.
"I'm okay now. Thank you sa inyong dalawa. For finding me." Niyakap nila ako.
"Nag-alala talaga kami nung dumating si Ms. Kaye sa room pero wala ka pa. Tapos ayun si Vince parang sira ulo na tawa ng tawa kaya hinanap ka agad namin." Paliwanag ni Nikki.
"Don't worry hindi ka na guguluhin nung mga yun." Hinawakan nila yung kamay ko. "Tara na." Yaya ni Trisha.
So this is what having friends feels like. Ansaya pala na kahit hindi mo sila kaano ano. They will care for you.
Paakyat na sana kami sa third floor nang may madaanan kaming vendo machine.
BINABASA MO ANG
Heart Attack
Teen FictionHow can you love a man who give you nothing but heart attack?