"Wahahahaha" Hindi mapigil si Trisha sa pagtawa.
"Tama na nga daw. Medyo OA na! Hahahaha" Saway ko sa kanya.
"Kaya naman pala ganun itsura nun bago umalis kahapon." Inipod pa niya yung bangko niya paharap sa'kin. Wala pa naman si Ma'am kaya okay lang.
"Akala niya ata siya lang marunong mang-asar eh! Buti nga sa kanya. Goodluck kung matanggal niya yun sa buhok niya! Hahahaha" Sobrang nagkakasayahan kami ni Trisha nang biglang may malakas na lagabong sa pinto ng room.
*BLAG
Natahimik kaming lahat ng sinipa ni Vince yung pinto at natameme kami sa bagong ayos niya. Nagpakulay siya ng buhok. Blonde yung top part at black naman dun sa undercut niya.
Akala ko naman na sa paglalagay ko ng bubble gum sa buhok niya eh mapapapangit ko na yung hairstyle niya, eh anyare? Ayoko man sabihin 'to pero lalong gumwapo ang hari ng kadiliman. Di ba nga sabi ko kamukha niya yung crush ko sa BTS na si V! Arrgghhh! Kakainis.
"OMG! Sheen! Mas lalong naging hot si Vince!" Bulong sa'kin ni Trisha.
"Sshh! Baka marinig ka at maflatter masyado!" Tumawa naman si Trisha.
"Pano yan talo ka! Haha. Mas napabuti pa yung ginawa mong kalokohan!" Aba! talagang kinantyawan pa ako.
"Whatever! Masama pa rin naman ang ugali niya." sagot ko sa kanya.
"Good Morning Class." Bati ni Miss Kaye.
"Good Morning Ma'am"
Habang nagdidiscuss si Miss Kaye, nakikinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko.
"Ba't kaya nagbago ng hairstyle si Vince?"
"Oo nga eh! Pero mas gumwapo siya."
"True! Grabe! Yung ibang member kaya ng Begun may bago ding hairstyle?"
"I don't know! Pero baka may bago silang kanta na pinaghahandaan"
Natatawa tuloy ako sa mga naririnig ko. Ano bang big deal kung nagbago hairstyle nitong si Vince? Kung alam lang nila na gawa yan ng bubble gum ewan ko lang kung masyado pa silang humanga!
Ilang minuto pa at hindi pa din tapos ang chismisan ng mga kaklase ko. Gosh ha! Ayan tuloy hindi ko mapigilang tumingin din sa kanya. Lumingon lang ako saglit.
Buti nalang tulog.
Lumingon ulit ako kasi hindi ko pa masyadong natititigan ang bagong look niya.
BINABASA MO ANG
Heart Attack
Teen FictionHow can you love a man who give you nothing but heart attack?