Si Dos

19 0 0
                                    

Natakot akong tumakbo
Papunta sa kinaroroonan mo
Hindi dahil may nakaharang
O may matatapakan akong iba
Natakot lang ako, na mapagod
Sa kalagitnaan, mamahinga kung saan
Pagkatapos may ibang magustuhan
At hindi na kita puntahan
Oo, natakot ako, natakot na
Baka magawa ko sayo ang ginawa mo
Sa'kin no'ng nakaraan.

Kung kahapon nagkita tayo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon