Mahal, ito na ang huli
Na tititigan kita,
Na aalayan ng tula at musika
Sapagkat alam kong ayaw mo na
Mahal, huwag kang mag-alala
Mukha ko'y 'di mo na makikita
Wala ng bubungad at babati sayo sa umaga
Sapagkat ako ay pagod na
Mahal, hindi ka na masasakal pa
Papalayain na kita
Bibitawan at hindi na titingnan
Sapagkat una palang ay hindi ka naman talaga sa akin
Salamat sa ilusyong 'pagmamahalan natin'
![](https://img.wattpad.com/cover/159547682-288-k5809.jpg)
BINABASA MO ANG
Kung kahapon nagkita tayo...
PoezjaHuwag mo nang basahin ang mga ito kung malungkot ka ngayon