Takot

1 0 0
                                        

Kahapon nakita nanaman kita
Hindi kita binati, kahit ngumiti ka
Hindi kita tinitigan, kahit ako'y kinamusta pa
Kasi ako'y natatakot na

Huwag mo na akong lapitang muli
Ayoko na kasing magbakasali
Hindi ko na gustong maniwala pa sayo
Kasi takot pa rin ako

Gusto man kita ngunit hindi ito sapat
Mundo man nati'y maglapat
Pipiliting kong umiwas, lumayo
Sapagkat takot ang saki'y bumuo.

Natakot ako noon, noong akala kong
Mayroong tayo
Nang bigla mo kong iwan kasi sayo'y
Kaibigan lang pala ako.
Kaya ngayon, na nagbibigay ka nanaman ng motibo
Hindi na ako aasa, malapit sa mga sinasabi mo dahil,
Ayoko ng mahulog, sapagkat natakot na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung kahapon nagkita tayo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon