Kitang kita ko ang saya
Mga ngiti, mga tawa
Mga tinginan, kislap ng mga mata
Kaya anong nangyari sa inyong dalawa?
Parang kailan lang, noong
Damuhan ay laruan niyo pa
Hanggang sa,
maghawak kamay na kayo
Magsagutan ng Oo
Kasal na nga lang kulang sa inyo.
Kahapon nga, siya lang ang nakita ko
Umiiyak, sa kanlungan ko
Ngayon ikaw naman, kung kailan
Wala na siya dito.
Anong nangyari sa inyo?
![](https://img.wattpad.com/cover/159547682-288-k5809.jpg)
BINABASA MO ANG
Kung kahapon nagkita tayo...
PoetryHuwag mo nang basahin ang mga ito kung malungkot ka ngayon