Confused

31 2 0
                                    

                                                         AFTER 1 WEEK

                                                            SCENE 1

6 days til the meet up

4:30 pm

Nagpunta na sila kendrick,Joseph at bill sa pinagawaan nila ng pekeng ginto at binayaran na ito at inuwi na sa kubo nila kung saan sila pansamantalang nagtatago.

Bill: Paano ba yan anim na araw na lang

Pasimpleng tinanong ni bill sa dalawa at nagkatinginan silang tatlo at napatigil.

Joseph: May naisip ako

Biglang sabi ni Joseph.

Kendrick: Ano yon?

Joseph: Ako na lang pupunta at mag abot nitong mga ginto sa mga ninja na yon para di na kayo magkaron pa ng problema.

Komportableng at nakangiting sinabi ni Joseph na parang nakahanda na siya sa mga mangyayare o kung ano pa man. 

Bill: Di naman ata pwede yon!?

Kumunot and Noo ni bill sa pagkakabigla sa sinabi ni Joseph na parang mag sasakripisyo siya.

 

Kendrick: Oo nga! tsaka ako may kasalanan, kaya dapat ako na lang

 Sumabat naman si Kendrick na para bang di niya gusto ang sinasabi ni Joseph.

Joseph: Ayos lang yon kendrick ako na lang magbigay

 Nagmatigas si Joseph at gusto pa rin na siya ang magbigay ng mga pekeng ginto para ma i-ligtas si Nikkya sa kamay ng mga ninja.

Kendrick: Di ako papayag

Dahil ako nagdamay sa kanila dapat ako ang mag sakripisyo.

Joseph: Pag bigyan mo na ko sa huli kong mga gagawin

At hinawakan ni Joseph ang balikat ni Kendrick na para bang nagmamakaawa na siyang siya na lang ang magligtas kay Nikkya.

Kendrick: P-Pero....

Medyo ayaw pa rin ni kendrick dahil sa kasalanan niya sa dalawa kaya nangyayare ito.

Remain Unknown (On Going and editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon