Sukat (12) (√)
Tugmaan (√)..... .
Tayo'y nililok ng makapangyarihan
Babae at lalaki ang kasarian
Ngunit sa tuwing araw ay nagdaraan
Iba na ang kanilang nararamdamanPuso nila'y unti unting nagbabago
Nagiiba ang kahiligan at gusto
Kahit anong gawing pagtatago
Lalabas pa rin maging totoong anyoNgunit hatid nila'y ligaya at saya
Sa taong nauubusan ng pagasa
Hindi sila nagbabalatkayong kapwa
Pawang totoo ang kanilang salitaLahat tayo'y nilikhang pantay pantay
Sa mata ng diyos lahat magkapantay
Kasariang iba ang sa inyong hanay
Tayo'y iisa't kapuwa mamamatay

YOU ARE READING
Words of a Poetess
PoetryA compilation of random types of poetry/ poems Originated by the author