Mga Magulang
----Dahil sa kanila nasilayan ko ang mundo
Dahil sa kanila nakilala ako
Dahil sa kanila nagka karapatan ako
Dahil sa kanila na eenjoy ko ang mundo
Ng dahil sa kanila nakalakad ako
Ng dahil sa kanila tumapang ako
At ng dahil sa kanila lumalaban ako
Silang itinuring akong tao
Silang minahal ako
Silang binigay lahat ng luho ko
Silang tinaggap ang katulad ako
Hindi humusga, hindi nagibaSilang nabigay lahat ng pangangailangan ko
Pangangailangan kong di nila inalintana ang pagod
Pagod sa pagkayod
Pagod sa pagbabanat
Pagod sa pagtatrabaho
Makita lang akong masaya
Yung tipong di na nila alintana
Kumain man sila o hindi na
Lumipas man ang umaga, tanghali, hapunan kahit na di na malamnan ang tiyan makitang masaya ka langPaggising nila sa umaga
Para paalalahanan ka
Gisingin ka kasi papasok kapa
Paaalalahana ka kasi mahal ka nilaPero sila din yung unang huhusga sayo
Magagalit sayo
Itatama mga pagkakamali mo
Pinagbabawalan ka ng kahit ano
Kahit minsan naiinis kana at nasasagot muna silaSila kasi yung tipong
Maraming bawal
Sa sermon at pangaral maraming alam
Yung pagbabawalan kang magpuyat
Bawal kang magsuot ng mga damit na di akma
Pagsama sa mga iba
Sila din yung mga taong pagbabawalan ka munang magkaroon ng kasintahan Kasi gusto nila nakapagtapos ka muna kasi ayaw nila na magaya ka sa kanila Kaya minsan nakakasakal na?Oo tama ka, nakakasakal na
Nakakasakal na yung araw araw na sermon nila
Nakakasakal na yung mga pangaral nila
Nakakasakal na kasi ang higpit nila
Kaya minsan nasasagot ko na silaPero...
Minsan mo na nasasaktan din na sila?
Natatakot din ba sila?
Nasasakal din ba sila?Na try mo na bang tignan yung mga mata nila?
Yung sa tuwing nagaaway kayong dalawa
Makikita mo na parang nagtutubig na ito
Pero ayaw nilang ipakita
Kasi ayaw nila maging mahina
Ayaw nilang magmukhang kawawaYung mga magulang na susuportahan ka sa lahat ng bagay
Sa lahat ng mga problema nandyan sila
Dadamayan ka, papakinggan ka
Papaalalahanan ka kasi mahal ka nilaYung mga magulang nating napakasaya
Napakaginhawa sa mga mata
Yung makikita mo silang nakangiti
Masaya.
YOU ARE READING
Words of a Poetess
PoetryA compilation of random types of poetry/ poems Originated by the author