XIV

19K 371 18
                                    


"Troy, Faster!"

Kanina ko pa minamadali si Troy, kasi nga ikalimang buwan ko na ito and today we are going to see my OB-gyne para naman malaman na namin ang gender ng magiging anak nami- ko.

"Sh't! oo, nagmamadali na ako. Fck? saan ang sapatos ko?"

"Ano ba Troy, kanina mo pa iyan hinahawakan!"

Nagmamadali niya itong sinuot at agad na din kaming pumasok sa kotse. Habang nagmamaneho siya ay hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas iyon.

'baby, hmmmm. Ano kaya ang gender mo no? Excited na excited na si mommy at alam mo ba baby, tarantang-taranta ang daddy mo kanina. Baby, ano kaya ang nararamdaman ng Daddy mo? Willing ba siyang maging ama sa iyo? Willing ba siyang panagutan ako?'

"Sweetheart."

Agad akong napalingon kay Troy at nakita kong nakatitig siya sa akin. At naiilang ako sa pagtitig nya kaya naman ay umiwas ako at doon tumingin sa harap.

"B-bakit?"

Napakapabebe ba kung ilalagay ko ang ilang buhok ko sa likod ng tainga ko? Kasi ginagawa ko ito ngayon! AS IN NGAYON! Kaya naman dali-dali ko itong ginulo. Kaya ang ginawa ko ay kinalikot nlang ang mga daliri ko habang hinihintay na mag green ang traffic lights.

"I am so excited sweetheart kasi malalaman na natin ang gender ng anak natin. "

Mabilis kaming nakarating sa hospital at dumiretso na din kami sa doktor ko.

"Miss, nandiyan ba si Doc?" tanong ko sa sekretarya

"Yes po ma'am. Dumiretso lang po kayo diyan. Nandiyan po ang office ni Doc. "

Didiretso na sana ako ng napansin kong hindi pa sumusunod sa akin si Troy kaya naman ay muli akong tumingin sa likod. Nakita ko siyang nakatingin sa mga semesters ng pagbubuntis at mga larawan ng bata. Mapapangiti na sana ako ng makitang nilalandi siya ng secretary ng doctor ko.

Tsk, kahit saan meron talagang hitad na kakapit sa ama ng anak ko. Kaya naman ay rumampa ako papalapit sa kanila.

"Oh baby. Anong tinitigan mo diyan, hmmm?" hinahaplos-haplos ko pa ang braso ni Troy bago ko hawakan ang kamay nito.

Nakita kong napaatras ang sekretarya at umalis. Buti lang at ginawa nya iyon kung ayaw niyang matanggalan ng buhok sa buong katawan niya. Mabilis ko ring inalis ang kamay ko pero hinigpitan ni Troy ang pagkakahawak nya kaya naman ay agad ko siyang tiningnan.

"Ano ba, tanggalin mo nga yan" madiin kong pagkakasabi

"I love it when you're jealous sweetheart" sabay hila nya sa akin papunta sa office ni doc

"I am not. "

"You are, love. You are"

Hindi ko na lang siya sinagot. Mabilis lang ang naging check-up at dumiretso na din kami para naman ay macheck na kung ano ang gender ng anak namin.

"Congratulation. Ang anak niyo ay isang lalaki. Isang cute at malusog na lalaki" masayang wika ng doktor

I was speechless. No we are both speechless. Kitang-kita namin sa monitor ang anak namin. Napaluha ako, oh my baby. My baby boy.

Masaya kaming umalis at dumiretso na din kami sa kotse niya. Pupunta kami ngayon sa restaurant para icelebrate ang gender ng baby namin.

"Troy. Oh my, wala akong masabi"

"We'll gonna love and took care of him"

Napangiti ako. Masarap pakinggan na aalagaan at mamahalin namin siya pareho. Masaya ako dahil alam kong kaming dalawa ang aalaga sa kaniya.

"Thank you, Troy."

"No, thank you. Thank you for giving me an angel. Thank you so much kasi hindi mo ipinagkait sa akin ang anak natin."

Napangiti ako sa sinabi nya, pero mabilis lang iyon ng biglang may nagpaputok ng baril. Agad akong napayuko at naramdaman kong biglang nalang pinatakbo ni Troy ang kotse. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko at ang tanging ginagawa ko lang ay ang yakapin ang tiyan ko at magdarasal.

Lord, please. Samahan niyo po kami, huwag niyo pong kunin ang mga taong importante sa akin. Not this time. Not again. Not my baby, not Troy.

"F'ck! Sweetheart, yumuko ka lang at kunin mo ang phone ko. Dial Dylan's number at iloudspeaker mo. "

Kahit nangiginig ay binilisan ko ang paggalaw ko. Agad kong sinunod ang utos niya sa akin.

"Nagriring na Troy. Troy, I am damn afraid, ano ba ang nangyayari?" mahinahon kong tanong.

Hindi na rin ako nasagot ni Troy dahil nagsalita na din si Dylan on the other line.

"Yes bro? "

"Dylan, track me now. May humahabol sa amin." maiksing sagot ni Troy

"What the fuck? Okay, bro"

And the call ended. Ilang segundo na naman ay may nagpaputok sa direksyon namin at buti nalang ay hindi kami natamaan. Bumabagsak na din ang mga luha ko at kahit anong pigil ko ay napapahikbi na ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Troy ang isa kong kamay at hinigpitan iyon. Kahit ganun lang ang ginawa nya ay napapanatag ang kalooban ko.

"Sweetheart, don't be afraid, alright? Just close your eyes and I will do the rest"

Pero bago ko pa maipikit ang mata ko ay nakita kong may kinuha siyang baril. Hindi ako nakapagsalita kasi puno ng pagkabahala ang puso ko. I saw him changed expression. Hindi na siya ang Troy na nakilala ko. He's different na tipong matatakot ka kung titigan ka niya.

Ibinababa ni Troy ang bintana ng kotse at doon ay nagpaputok siya. Nakita kong natumba ang isa sa dalawang motor na sumusunod sa amin. Kaya naman kahit nakakatakot ay naisip kong mag-aral kung paano gumamit ng baril para naman kahit papano ay mailigtas ko ang sarili ko.

"Sh't!"

"TROY!"

Napasigaw ako ng makitang natamaan siya sa kaliwang braso niya. Mabilis akong nag-isip ng gagawin, hindi puwedeng tutunganga na lang ako. Kaya naman ay ginawa ko ang bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko.

Tinanggal ko ang seatbelt at lumipat ako sa upuan ni Troy kaya naman ngayon ay nakaupo ako sa lap niya.

"Anong ginagawa mo? Sweetheart, mamaya na natin sundan ang panganay natin!"

"Wala akong plano Troy, lumipat ka doon sa upuan ko, ako ang magdadrive" seryosong sambit ko sakaniya.

Muli kaming napayuko ng biglang may nagpaputok na naman sa amin. Agad kong iwinaksi ang kamay ni Troy na nakahawak sa manibela at pinalitan ko iyon.

"Bilis Troy. Lumipat ka na at baka tayong tatlo ang mamatay dito."

"No way, sweetie. Minsan lang to kaya lulubusin ko na. " Naramdaman ko ang braso niyang nakayakap sa akin. Shit, kahit nasa bingit na kami ng kamatayan ay hindi talaga naiibsan ang landi sa katawan ni Troy.

"Ano ba Troy! Ang landi mo talagang kumag ka. You can do that next time pero huwag lang ngayon. "

Mabilis gumalaw si Troy at agad siyang lumipat. At bago pa niya mapatumba ang huling motor na sumusunod sa amin at mawalan siya ng malay ay nagsalita pa siya.

"Promise me"

"TROY! Sh't ang landi mo talaga. Fuck, saan na ba ang hospital dito?" Tuluyan na din akong umiyak ng makitang nawalan ng malay si Troy at doon ko lang napagtantong natamaan din pala siya ibabang bahagi ng puso niya.

"I promise Troy. Kahit landiin mo ako parati, kahit mahulog ako sayo. Just live. Don't leave me, just dont."

"Ayaw kong maiwanan ulit. Hindi ko na kakayanin."

He got her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon