XX

15.7K 285 5
                                    

Sobra ang tuwa naming lahat. Lalaki ang anak namin ni Troy. At buong akala ko ay magkakausap kaming dalawa nung gabing iyon pero hindi. May tumawag sa kaniya at kinakailangan nyang pumunta ng Singapore ng agaran.

Kaya naman ay inreschedule ang photoshoot dahil magaganap na lamanh iyon pagkadating nya dahil ayaw nyang wala siya dito.

Mabilis ang mga kilos ni Troy, ni hindi nya man lang nya sinabi sa akin kung bakit siya pupunta doon at kung sino ang pupuntahan nya. Alam kong kahit na siya ang ama ng anak ko ay mananatili pa ring may espasyo sa pagitan ng mga buhay namin. At sa pag-alis nya ay doon ko nakuha ang oportunidad na makipag-usap kay Divina kinabukasan ng hapon. Pinapunta ko na lamang siya sa bahay ni Troy dahil bumalik na din kami dito.

"Mam, may naghahanap po sa inyo. Ina daw po ang pangalan, papasukin ko po ba?" tanong ng isa naming kasambahay.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ilang segundo lang ay pumasok si Divina sa bahay. Agad siyang tumango ng makita ako.

"Madame, dito na po ba tayo mag-uusap?" agaran nyang tanong sa akin

"Hindi, doon tayo sa study room" sagot ko naman sa kaniya. Ayaw ko lang na may makarinihmgbsa pag-uusap namin

"Manang, pakihatid na lang po ng dalawang pineapple juice at cake sa study room. Thank you po. " At kahit na nabibigatan ako sa tiyan ko ay nauna akong pumasok sa study room na siya namang sinundan ni Divina.

Pagkahatid ng pagkain at juice ay nagsimula na din kaming mag-usap.

"Madame, pasensiya na po kung natagalan. Mahirap po kasing kumuha ng impormasiyon lalong-lalo na po kay del Valle. "

Troy del Valle. Sino ka nga ba talaga? Ang bilis ng pangyayari, bigla-bigla nalang ay buntis na ako at ikaw ang ama. Parang ang smooth lang ng lahat at iyon ang nakakabahala.

"Madame, sisimulan ko na po. Sa ama niyo po ako magsisimula. " panimula nya.

May inilabas na mga litrato si Divina sa kaniyang envelope. Sari-saring mga litrato. Daddy, sana mali ang iniisip ko sa inyo.

Itinuro ni Divina ang unang litrato sa itaas, "Ang lalaki pong ito ay si Celestino, siya ang bunsong kapatid ng ama niyo."

Sunod naman nyang itinuro ang babaeng nasa sunod na litrato, "Ang babaeng ito ang nobya ni Celestino na si Silver Mendez. Ang susunod na mamahala sa mafia. "

"M-mafi-a?!" hindi ko nakontrol ang boses ko. Mafia?! isa iyong grupo ng mga mamamatay-tao diba?

"Yes, madame. Ayaw ng Mendez kay Celestino kaya naman ay nag-utos silang ipapatay ito. Nalaman iyon ni Silver kaya naman ay naisipan nilang tumakas. Namuhay sila ng payapa sa Cebu at buong akala nila ay magiging tahimik na ang buhay nilang dalawa lalo na't may anak na din silang dalawa. "

Hindi ko alam kunh bakit pero gusto konh umiyak. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"I-ipagpatuloy mo Divina" pagpapatuloy ko sa kaniya

"Nagkaroon ng putukan sa maliit nilang bahay. Ipinatakas ni Silver si Celestino kasama ang anak nito. Alam ni Silver na siya ang kailangan nila pero iyon ang akala ng lahat. Hindi pa nakakalayo si Celestino ay may narinig siyang putok ng baril. At tatakbo-takbo siyang umalis doon dahil sinusundan na din siya" kuwento nya

"Divina..." nagkakakutob na ako. Bakit ang detalyado ng kuwento niya? Mali ba akong pagkatiwalaan siya?

"Madame. Nagkakamali po kayo ng iniisip"

Mabilis akong napatingin sa kaniya. Papaanong?!

Biglang tumunog ang telepono ni Divina. Mabilis ang mga kilos nya at agad nyang ibinalik ang mga litrato sa envelope.

He got her PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon