L

1.8K 95 2
                                    

Letting go...

Nagising ako ng dis-oras ng gabi,iwan ko ba may bumabagabag sa akin,nang tingnan ko ang relo ko,it was past 11 na.

Nakita ko si Jason na tulog na tulog na siguro nga pagod siya kasi the whole ride siya lang yung nagdrive so I decided to take a fresh air outside. Dahan dahan kong sinara ang pinto,ayoko kasing madistorbo ang tulog ni Jason eh.

Nasa labas na ako ng cottage at naghahanap ako ng lugar na pwede kong maupuan,when I spotted a perfect place to be alone pinuntahan ko iyon, papalapit na ako sa lugar ng may naaninag akong isang anino ng tao. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko,pabalik na sana ako ng magsalita ito.

"Hindi ka rin makatulog? "Tanong niya sa akin, and that voice hindi ako pweding magakamali si Glaiza yun.

"Glaiza? "Panigurado ko.

"Yes,its me di kasi ako makatulog eh kaya naisipan kong magpahangin..".paliwanag niya.

"Pwedi bang umupo katabi mo? "Tanong ko sa kanya.

"Pwedi naman. "Halika ka dito tabi tayo sabay ngiti sa akin.

Dali dali akong pumunta at umupo sa tabi niya,at doon ko lang nalaman na may hawak pala siyang beer.

"Hey,are you okay? "Tanong ko sa kanya,pero di siya sumagot.

"Si Solen nga pala?."tanong ko ulit.

"Tulog na napagod siguro sa byahe.."simpleng sagot niya.

Napa "ahh " lang ako.

"So,why did you come here? " "I mean ang lalim na ng gabi para lumabas ka "sabay tingin sa kanya.

Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko,ay ibinalik niya din sa akin yung tanong ko sa kanya.

"Ikaw Rhian,why did you come here?di ba dapat kasama mo na ngayon yung boyfriend mo?.pero bakit andito kapa sa labas?" Tanong niya

"Di kasi ako makatulog eh," yun lang sa sagot ko.

"Glai..are you drunk?." sabi ko sa kanya.

"No I'm not Rhian," sagot naman niya.

"So may problema ka ba?".tanong ko ulit and this time kumuha na din ako ng beer.

"Wala akong problema Rhi,"sagot niya.

Rhi,ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag galing sa bibig ni Glaiza ah.

"Rhian?," tanong niya sa akin.

"Hmmm.."tanging sagot ko.

"Umiibig ka na ba sa iba? Except sa boyfriend mo?." bigla niyang tanong which made me feel uneasy.

"Anong klaseng tanong yan Glaiza..lasing kana yata eh," pag iwas ko sa tanong niya.

"So,that's a simply yes " sabi niya sa akin. Sabay inum ng beer niya.

"Well,dumarating talaga sa buhay natin na akala mo enough na siya for you but the truth is hindi pa pala," sabi niya.

"yung akala mo pagbumalik siya magiging okay na ang lahat pero dun mo lang marealize na everything has changed,yung dati siya lang ang mundo mo pero ngayong nandito na siya iba na pala ang mundong hinahanap mo,diba?" Dagdag niya.

" Mapagbiro ang tadhana,yung dating iniyak iyakan mo ngayon wala ng impact yung presence niya sayo." Si Glaiza ulit.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Glaiza di ko alam kung si Solen ba ang tinutukoy niya,o baka naman dahil siguro sa lasing na siya.

"Rhian?."baling niya ulit sa akin.

Kaya naman tiningnan ko lang siya. And again nagsasalita na naman siya.

"Masama na ba akong tao kung,sasabihin kong may iba ng laman ang puso't isipan ko? " tanong niya.

"Kasi after noong ngyayari sakin I learned to let go of things na alam kong diko kayang hawakan and that includes her." Dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa revelation niya.

" What do you mean?" I ask her.

"You know what I mean. She's your friend.." she said.

"You mean Solen?."panigurado ko sa kanya.

"Yes,she is.." confirm niya.

"Glai..naguguluhan ako"  sabi ko sa kanya..

"Talagang magulo utak ko ngayon Rhi," sabi niya.

"Okay so gusto mo ba pag usapan natin? "Sabi ko naman sa kanya.

And then she started talking...

"Nung una akala ko diko kayang mabuhay ng wala si Sos eh,.ou aaminin ko ilang linggo din akong hindi mahagilap ng tropa at pamilya ko,wala silang idea kung nasaan ako,but the truth is, nasa lugar lang ako kung saan madalas kami tumatambay ni Solen." Panimula niya.

" Araw araw nilulunod ko ang sarili ko sa alak hoping na mawawala ang sakit na nararamdaman ko kinabukasan but I failed."

" And one day narealized kong mali ang ginagawa ko so I fixed myself,pinuntahan ko ang tropa ko at nagstart ako muli. Maayos na ang buhay ko pero diko parin maiwasang maramdaman na may kulang pero diko nalang inintindi yun. "

"Hanggang sa tumawag nga siya at nagbigay ng false hope again umasa ako pero,umalis din siya agad. "

"At ngayong nandito na siya at sabi niya magstay na siya for good,dapat masaya ako eh kasi ito yung matagal ko nang hinihintay,pero ngayon ko din lang narealize na wala na pala,matagal na palang patay ang nararamdaman ko sa kanya well,siguro dahil may nakita akong iba, she helped me to moved on to my past,at siya lang din ang nagbibigay sa akin ng kakaibang naramdaman na diko naramdaman ke Sos dati." Sabi niya.

Magtatanong pa sana ako kaso nakasandal na si Glaiza sa balikat ko ko siguro pagod na siya kaya naman di na niya alam na nakatulog na pala siya.

Pero sino kaya yung taong nagpapatibok ng puso niya ngayon.

At sa kaisipang iyon may nararamdaman akong kirot sa puso ko which is weird.

Shout out to @Nellycherry..dude you're an amazing person..keep on smiling.

But I Love You (gxg) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon