"Yo, Ricky, that was awesome, man!" Pag-apir sa kanya ni Scooter. Ito ang may ari ng bar na pinagta-trabahuhan nya.
Apart from being an architect during the day, Ricky is also a DJ by night. Pero hindi ito alam ng kanyang Papa. Kung mayroon man syang ayaw gawin sa buong buhay nya, yun ay ang i-disappoint ang kanyang papa, o saktan man ito. Ever since his mother died, his father had entirely backed out from music. Hindi na nya ito narinig kumanta, o mag-hum man lang ng melodiya. Hindi rin nya ito nakitang nagpatugtog man lang ng musika sa kanilang bahay o maging sa kotse kapag ito ay bumabyahe. It seems like it was his father's defense mechanism. He hasn't completely coped up with his mother's death. And honestly, Ricky thinks that his father never will.
"Thanks! Buti naman at nagustuhan mo ang mga arrangements ko ngayong gabi." Humble na pahayag ni Ricky kay Scooter.
"Nagbibiro ka ba? Kailan ko ba hindi nagustuhan ang mga pinapatugtog mo. At pare, dumadami na ang customers ng bar dahil sa mga kanta na pine-play mo."
"Ay, akala ko pa naman dahil gwapo ang DJ nyo." Nagbibirong sambit ni Ricky patungkol sa kanyang sarili.
"And that, too." Nagtawanan silang magkaibigan.
Masaya si Ricky kapag nagdi-DJ sya. Ito lang ang panahon na naiilabas nya ang kanyang hilig sa musika. All his life, pakiramdam nya ay kontrolado ng kanyang Papa ang buhay nya. He learned to play the guitar and the piano without his father knowing it. At ang lahat ng kanyang musical instruments, kabilang na ang kanyang mga gamit sa pagdi-DJ ay nakatago sa isang parte ng kanyang kwarto. Malayo sa kanyang Papa, wala siyang balak ipaalam ang side nyang ito sa kanya.
Dahil na rin sa pagdi-DJ kaya maraming babae na ang nakakakilala kay Ricky. Hindi iisang babae lamang ang kusang nagbibigay ng numero nito sa kanya bawat gabi ng kanyang pagtugtog sa bar. Gayunpaman, hindi talaga siya interesado sa mga ganoong babae. Yes, he understands that women are different nowadays, but he still believes that women are deserving enough to still be courted and wooed. Hindi sila ang dapat magbigay ng motibo. Sa larangang iyon lumalabas ang pagka-old fashioned ni Ricky. Somehow, he wants a girl who's like his mother. Someone who has exquisite taste in art and has an impeccable fondness for music. Naniniwala syang makikita rin nya ang hinahanap nya.
He's had a girlfriend before. Just one. Si Melissa. God, he loved her with all of him. But then, she ran away. Nang mag-propose sya dito ay kagulat-gulat na tinanggihan ito ng babae. She did not only decline his marriage proposal, but his love for her as well. Inamin ni Melissa sa kanya na may iba na itong mahal. His world turned upside down. Buong pag-aakala nya ay perfect ang kanilang relasyon.
"You hardly have time for me, Ricky." Naalala niyang dahilan ni Melissa sa kanya noon.
"Yung sinasabi mo, do you love him?" Kahit masakit, nasumpungan nyang itanong sa kasintahan.
"Yes." Melissa bowed her head, probably ashamed of the truth.
"More than you love me?" Hindi maalis ang tingin ni Ricky sa umiiyak na si Melissa.
"He's the one for me, Ricky. I'm sorry."
Hindi maiwasan ni Ricky na maluha pa rin hanggang ngayon kapag naalala niya si Melissa. It has been three years. Time has been good for his ex-girlfriend. Nag-migrate na ito sa Canada with her husband and their child. Minsan ay naiisip nya kung magiging ganoon din kaya kasaya si Melissa kung sya ang nakatuluyan nito. Probably not. He told himself. How could she be happy if she's with someone she doesn't love?
Heto na naman sya at kung anu-ano na namang kanyang naiisip. Ipinasya nyang matulog na lamang. When unwelcomed memories start to creep in to his mind, he sleeps.
YOU ARE READING
My Goodbye Girl
RomanceDylan is a troubled painter who goes by the pseudonym DECEMBER. Ricky is an accomplished architect by day and a DJ by night. Ricky falls in love with DECEMBER without knowing how the painter looks like. Dylan hated Ricky the moment they first met. B...