Dahil sa wakas ay natapos na niya ang mga paintings, napagpasyahan ni Dylan na i-celebrate ang moment. She called her friends and agreed to have fun. Isang pub sa Timog ang napili nilang lugar.
Kung si Dylan ang tatanungin, mas gugustuhin pa niyang mag-hang out doon sa paborito niyang café kung saan chill lang ang ambiance, walang usok ng sigarilyo at higit sa lahat, nagpapatugtog ng kanta ng mga paborito nyang artists. She's a die-hard fanatic of The Beatles. Lumaki syang pinapatugtog iyon ng kanyang Daddy. Natatandaan pa nya noong kinder sya, sinabi nya sa kanyang Mama na si Paul Mccartney ang gusto niyang maging asawa 'pag lumaki sya. At hindi rin niya malimutan na umiyak sya noong malaman nya na patay na si John Lennon. Of course, John Lennon died 6 years earlier when she was born. That was how he loved the band.
Pero since, she was embracing change, pumayag na din siya sa ideya ng mga kaibigan nya na pumunta sa napagkasunduang pub.
Usok, ingay ng hiyawan at bizarre sounds ang sumalubong sa pagpasok nila sa Scooter's. Kung paninindigan niya ang kanyang habit ukol sa first impressions, malamang doon pa lang ay niyaya na nya ang kanyang mga kaibigan sa ibang lugar. Pero ayaw naman niyang maging KJ sa mga ito.
"This place is coooool!!!" sigaw ni Jean sa kanya. Halata sa apat niyang kaibigan na nage-enjoy ang mga ito sa ganitong klaseng lugar. Pwes, siya ay hindi. Ang gusto lamang ng mga ito ay kumuha ng table at hindi na umupo, tutal, magaganda raw ang mix ng house DJ. Muli, Napangiwi si Dylan.
"Tessa, Jean, Mariz, Angela.. Please.. Kumuha naman tayo ng pwesto na may upuan, kahit ako na ang magbayad. Ayoko talaga na nakatayo lang tayong apat." Pakiusap nya.
"Hay naku, eto na naman si Manang Dylan. O sya, sige. Du'n tayo sa may sofa." Turo ni Mariz sa bakanteng pwesto. Sabay-sabay na silang nagtungo roon bago pa sila maunahan ng iba.
Throughout their stay at Scooter's, Dylan kept mum with her opinions about the place. All in all, for her, the pub sucks. She can go on for hours with her list on why the place is crappy, but what grinds her gears the most is the music that's being played. Hindi nga niya matanggap na music pala ang tawag sa mga tunog na iyon. There's drumbeats everywhere, pitchy one-liner chants na very elementary pa ang choice of words. At para sa kanya, napaka-lame ng house DJ dahil pinipilit nitong samahan ng classic jazz songs ang kanyang mga mix, thus sacrifing the tempo of the songs.
"Punta lang ako sa restroom." Paalam nya nang hindi na nya makayanan pa ang pagka-irita.
Matagal siyang hindi nagbalik sa pwesto nila, dahilan para sundan siya ni Mariz sa restroom. There, Mariz saw her just plainly standing by the door.
"Oh, anong drama mo dyan? Akala ko ba ayaw mo na nakatayo?" Pang-aasar sa kanya ng kaibigan.
"Hay naku, I can go on for hours telling you why I'm here, and believe me, you wouldn't want to hear it." Banta ni Dylan sa kaibigan.
"Fine, yes, I don't want to hear it. Now let's just go back there, hinihintay na nila tayo e." Hila sa kanya ni Mariz.
"I want to go home, ayoko nang bumalik do'n." At lumabas na nga ang kanyang pagka-prima donna, dahilan para pandilatan sya ng kausap.
"Dylan, ano bang problema?" Sa apat niyang kaibigan, si Mariz ang pinaka-pasensyosa sa kanya, kaya naman pinakamalapit ang loob nya dito.
"This place sucks! Ayoko lang talagang masira ang gabi nyo kaya I chose to stay here in the restroom than to have one more bit of whatever's been going on back there." She confessed.
"Aww, Dylan, we're sorry. Akala namin ay nageenjoy ka din. We didn't realize na you were already having a bad time. Sige, I'll tell the girls that we should leave. Where do you want to hang out ba?"
YOU ARE READING
My Goodbye Girl
RomanceDylan is a troubled painter who goes by the pseudonym DECEMBER. Ricky is an accomplished architect by day and a DJ by night. Ricky falls in love with DECEMBER without knowing how the painter looks like. Dylan hated Ricky the moment they first met. B...