Chapter 6

4 0 0
                                    


"Anak, masaya ako na nagpipinta ka na ulit." Paghaplos ng kanyang Mama sa kanyang buhok. "Tingnan mo, napakagaganda ng mga ito."

Sa wakas ay natapos na ni Dylan ang huling piece na ibibilang nya sa nalalapit nyang solo exhibit. Napakabait at pasensyoso ng mga organizers ng exhibit at nahintay na matapos niya ang kanyang mga obra. Well, hindi naman niya binigo ang mga ito. Everything she made was worth the wait.

"Thanks, Mama. This time, para sa'yo ang exhibit na ito." Hinagkan nya ang kanyang ina.

"Anak, maligo ka naman muna. Puro pintura ka pa, o." Tiningnan niya ang kanyang sarili. Dinaig pa niya ang batang palaboy. They laughed. It was the first time they were truly happy. Dylan whispered a prayer of thanks for all the blessings.

Kagagaling lang ni Ricky sa site ng itinatayong building kung saan siya ang Architect. Kainitan ng araw, and it is a part of his job. Tiningnan niya ang kanyang kutis. He felt burned by the sun, though he was never white-skinned.

"Sir Ricky. Tumawag po si Sir Gael kanina nung nasa site kayo." Anang kanyang sekretarya na si Manang Elma. Sa lahat ng kanyang tauhan sa opisina ay ito ang pinakamatanda, hence, they call her Manang. Since Ricky put up his own company, Manang Elma has been his secretary. At palagay na ang kanyang loob dito.

"Fire away, Manang." He said, urging her to go on.

"Hindi ko nga po naintindihan ang ibig sabihin. Basta lang sabi nya, 'December is back' daw. Ano ba iyon? E Oktubre pa lang naman ngayon." Halata sa mukha ni Manang ang pagkalito.

It was very Gael. Masyadong metaphoric ang kaibigan nyang ito, palibhasa ay apo ng National Artist. But Ricky instantly understood. And he knew it could only mean one thing. Hindi nya maikubli ang ngiti.

"Aba, sir? Hay naku nababaliw na yata kayong magkaibigan ha?" Nagtatakang tanong ni Manang Elma nang makita syang ngingiti-ngiti.

"I got it. Thanks Manang." Still smiling, he reached for his phone and dialed Gael's number.

Finally, his long wait was over. Mula ng bilhin niya ang painting ni December ay hindi na niya naalis sa isipan niya ang pintor. Kung anu-anong image na ang nako-conjure niya sa kanyang utak, trying to put a face to the name. Minsan nga ay naiisip niyang paano kung lalaki pala ang December na ito. Natatawa siya. But he believes in his instinct, and his instinct tells him otherwise.

Dalawang taon din bago nasundan ang mga gawa ng pintor. And while Ricky was only hoping for a single painting, what he found out was a lot more. Hindi lang isang painting ang kanyang makikita, kundi solo exhibit pa ng artist. He knew he has Gael to thank for this. Nakulitan na ng sobra sa kanya ang kaibigan kaya naman pumayag na itong alukin si December na magsagawa ng isang solo exhibit. Kahit medyo nauubusan na ng pasensya si Gael sa pintor dahil matagal ang inaabot nito bago makakumpleto ng mga obra, pinakiusapan ni Ricky na hintayin naman nitong matapos.

At 'eto na nga, three days from now ay exhibit na ni December. Finally.

Meanwhile, kung gaano ka-excited si Ricky ay triple pa roon ang nararamdaman ni Dylan.

My Goodbye GirlWhere stories live. Discover now