Chapter 3

7 0 0
                                    


Tiningnan ni Dylan ang kanyang sarili sa salamin. Ayos. "Thank you." Sabi nya sa kanyang stylist. Matapos nyang magbayad ay lumabas na sya sa salon.

Eto na ang hinahanap nyang pagbabago. Unti unti na nyang nakikita ang path nya. T'yak magugulat ang kanyang Mommy sa kanya.

"Dylan naman, anak, ano na namang ginawa mo? Sayang ang buhok mo!" Tili ng kanyang Mommy nang makita sya nito.

Natatawang hinalikan niya ang kanyang Mommy. "Relax, Mom. Ang ganda no? Bagay naman sa'kin ah."

"Hay, sabagay. Maganda ka naman talaga kahit anong ayos mo. Ano pa bang magagawa ko, e gusto mo yan. O sya, kumain ka na ba? Ipinagluto kita ng paborito mo."

Sinigang na baboy. "Hindi pa nga, Mommy e. Gutom na gutom na nga po ako. Tara na po kumain."

Iyon naman ang gusto nya sa kanyang ina. Napaka-supportive. Mula nang mamatay ang kanyang Daddy ay naging devoted na ito sa pag-aalaga sa kanya. Kahit papaano ay masaya na rin sya. Wala siyang narinig na pagtutol mula dito tungkol sa mga pagbabagong ginagawa nya sa sarili nya. Una na niyang ginulat ang kanyang Mommy noong magustuhan nyang pakulayan ang kanyang buhok. From ebony black, she went on and dyed it red. Wala namang problema dahil bumagay naman sa kanya ang kulay. She looked fierce. And she loved it. Ngayon naman ay pinagupitan nya ito ng shoulder length. She always had her hair long and cutting it was a big leap for her. Nakamukha nya tuloy si Courtney Love at the height of her beauty, when she wasn't that drug dependent. Not bad. Now all she need is her Kurt Cobain. Pero syempre dapat drug-free version ng Nirvana vocalist. Napatawa sya sa naisip nyang iyon.

Isa syang NBSB. No Boyfriend Since Birth. Wala siyang ibang inisip dati kundi ang kanyang pag-aaral. She had no time for boys, she was content with her art. Pero napag-isip isip nyang isa ang pagkaka-boyfriend sa pagbabagong kailangan nyang gawin sa buhay nya. Enough of being Miss goody-two-shoes. She's breaking free.

Unti-unting nahahanap ni Dylan ang kanyang direksyon. Mula ng mawala ang kanyang daddy, this was the first time she felt determined. Syempre, malaking tulong sa kanya ang kanyang Mommy. Her mom was the only person that made her keep going. Inipon nyang lahat ang magagandang ala-ala ng kanyang daddy at ginawa itong inspirasyon sa kanyang pagpinta. She knows that her dad will always be there, guiding her. And like she promised, she will never stop making him proud. She started painting again.

My Goodbye GirlWhere stories live. Discover now