Ako si Kate Miracle Mariano, 4th Year High School student. Kasalukuyan akong nasa room namin at tahimik na pinagmamasdan ang mga bago kong kaklase. Actually hindi bago, mga kaklase ko pala ULIT. Oo, tama kayo kaklase ulit dahil nalipat ako ng section at ilan sa mga kaklase ko ay naging kaklase ko na.Ang ingay. Kakasimula pa lang kasi ng klase at wala pang regular classes.
"Oy Kate! tahimik mo ah. Anung problema?" sabi ni Kaka. Bantot ba ng pangalan? Ako kasi nagpangalan sa kanya n'yan. Kung alam niyo ang kwento ni Krispin at Basilio doon ko nakuha yan.
"wala naman tinatamad lang ako."
"sows, tinatamad daw baka naman hindi mo lang nakita si Charles"
Nagpantig ang tenga ko nung narinig ko ang pangalang ayoko nang marinig.
"Wala akong paki-alam sa kanya kailangan ba makita ko siya para lang gumanda araw ko?."
"Aba malay ko. Ikaw makakasagot n'yang tanong mo" Pagkasabi niya nu'n umalis na siya't nakipag landian na sa iba ko pang kaklase.
Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko ang pangalang yun sumasama ang timpla ng mood ko.
Nagtataka kayo kung sino si Charles? . Siya lang naman yung first dance ko nung 3rd year kami sa JS Prom. Buong prom kami ang magkasama kwentuhan, tawanan at maya't mayang sayaw. Hindi ko alam pero nung gabing yun nakaramdam ako ng kakaiba kay Charles. May something talaga eh hindi ko lang alam kung ano yun. Pero binalewale ko dahil kaklase ko siya baka trip nya lang na isayaw ako. Sa totoo lang ang lakas ng topak niyang isayaw ako kahit na ang kasama ko sa table eh mga tropa ko at ang nag iisa kong bestfriend na si Girlie.
----
(flashback)
Abala ang lahat sa loob ng venue. Sobrang busy sila sa kakatawa at pagbalandra ng mga suot nilang gowns at coats. Ako ito nakaupo lang dahil hindi ako sanay ng nakasuot ng gown. Naka long straight gown ako na kulay maroon simple lang para hindi ako mahirapang maglakad. Nakapalibot sakin ang mga tropa kong sina Tugs, Jeric, Kaka, Vann at Ghe. Kasama din namin sa table ang bestfriend kong si Gelay. Katulad ko ay simple lang din ang suot niyang gown ayaw kasi naming masyadong magarbo. Panay lang ang tingin namin sa paligid habang inaantay na magsimula. Sa totoo lang ayokong sumama dito pero mapilit ang Mama ko dahil minsan lang daw 'to at parte daw ito ng high school life ko."Ladies and gentlemen may I request all of you to stand up as we start our programme with the opening prayer to be led by Ms. Girlie Reginaldo".
"Smile lang ha." sabi ko bago siya pumunta sa stage. Kilala kasi si Gelay sa school dahil lagi syang kumakanta sa mga contest.
Hindi ko maiwasang ma-admire kay bff dahil sa ganda ng boses niya idagdag pa na maganda siya. Natapos ang kanta at nagsimula na ang programme.
"Ok! Let the party begin." Hiyaw ng emcee sa mikropono.
Tatlo na lang kami nila Jeric at Ghe dito sa lamesa yung mga kasama namin ayuuuunnn nasa gitna na may mga kasayaw. Ang epal lang kasi hindi man lang ako isayaw ng mga tukmol na to inaasar pa ko dahil wala daw nag-aayang isayaw ako.
"Oy anung tinitingin tingin nyo dyan?" sita ko sa dalawa.
Imbis na sagutin ako tinawanan lang ako bwisit talaga. Umalis ako sa inuupuan ko at nagtungo sa terrace. Ang ganda dito kitang kita ang kabilugan ng buwan. Hindi din masyadong madilim dito bagkus lalo pang nakadagdag sa scenery ang liwanag na nagmumula sa buwan. Ilang minuto din akong nagstay dito bago nagpasyang bumalik sa venue.
"pst!!!"
ha? tingin sa likod.
"psttttttt!"
tingin ka kaliwa. Wala naman
"psssstttt"
tingin sa kanan. wala din
"Kate!"
hala! sino ba yun? may multo ata dito T.T tatakbo na sana ako nung may biglang humawak sa braso ko
"Kanina pa kita hinahanap."
O_o bakit naman kaya?
napakamot siya sa ulo niya sabay ngiti.
"gusto sana kitang isayaw"
(OoO) speechless ang ate mo girl
wala na kong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya.
----
@Krianza
BINABASA MO ANG
Love From Click
HumorHindi alam ni Kate kung saan nangyari at paano nagsimula ang kakaibang nararamdaman niya sa lalaking sa text niya lang nakilala. Sa mata niya isa lamang siyang nagpapanggap na matchmaker sa kaibigan niya't katext nito. Ito yung pag-ibig na hindi ni...