"Oy bhebe. Anune? sali ka na kasi dali na. Papakilala ko sayo yung pumoporma sakin dun". Andito kami ngayon sa hagdan ng building namin. Ito na kasi yung tambayan namin. Tatabi lang kami kapag may dadaan tapos balik sa pwesto."Ang kulit mo bhe. Ayoko nga tsaka tignan mo 'tong cellphone ko hindi siya pang gm-gm send to one-by-one lang to."
Ayoko ngang sumali sa mga ganyan dahil hindi ako interesado't wala naman akong mapapala sa mga ganyan. Tumayo ako't iniwan si Gelay.
"Oyyy san ka pupunta?"
"Sa lugar na wala ka!!!" Pagsusungit ko.
Nagpunta ako doon sa maliit na park sa gilid ng library. Nandito lang ako lagi kapag gusto kong mapag-isa, kapag ayoko ng kausap, kapag gusto kong mag-isip dahil tahimik dito at walang nakakapansin na may tao dito.
Pinagmamasdan ko lang ang mga estudyanteng abot-tanaw mula dito. Ang daming tanong sa isip ko na mukhang hindi ko kayang sagutin.
Paano kapag nagkita kaming muli?
Ano kayang mararamdaman ko?
Paano ko sya haharapin?
Papansinin nya kaya ako?
Yung tipong kailangan mong paghandaan pero hindi mo alam kung handa ka na ba talaga kapag dumating ang araw na yun.
Nasasaktan ako sa taong wala naman kaming label, na hindi naman naging akin at lalong hindi naman naging kami. Ang hirap no? kasi wala ka namang karapatang magalit sa kanya. Maybe umasa lang ako. Umasa na may something saming dalawa.
That day, I erased everything na connected samin kasi nasasaktan pa ko. Ang sakit kasi na all those time na masaya kayo eh peke pala. Yung kahit isa doon walanh totoo. Alam mo yun? na akala mo totoo lahat pero hindi pala.
I was busy reflecting in my past when someone just entered the garden. Hindi niya yata ako napansin dahil nagtuloy tuloy lang siya.
"Ow please stop this sh** Kyleigh. We're done". Mukha syang frustated. He still didn't noticed me dahil panay parin ang sipa niya sa mga maliliit na batong nasa lupa. Naramdaman niya yatang nakatitig ako sa kanya kaya nagawi ang mata niya sa aking direksyon.
"H-hi?" Nauutal kong sagot. Anung ine-expect niyong sasabihin ko?
He just look at me and walked away.
Problema nun?
------
Naranasan niyo na yun?
Sorry ang lame, Ang ikli pa
@Krianza
BINABASA MO ANG
Love From Click
HumorHindi alam ni Kate kung saan nangyari at paano nagsimula ang kakaibang nararamdaman niya sa lalaking sa text niya lang nakilala. Sa mata niya isa lamang siyang nagpapanggap na matchmaker sa kaibigan niya't katext nito. Ito yung pag-ibig na hindi ni...