Abala ako sa pagkumpuni ng mga projects ko ng guluhin ako ni Vann.
"Kamusta ka na?" Paglapit niya.
"Ok naman ako ah bakit mo natanong?". Pagtataka ko sa kanya. As I remember buo pa ako at walang kulang na body parts.
"I'm just asking lang naman. I saw you yesterday at the hidden park alone". May halong pag-aalala ang mga mata ni Vann.
"Oh yun ba? It was nothing." Sabi ko sa kanya
Makabuluhang tinitigan ako nito pero kibit-balikat lang ang ginawa ko. Wala akong oras para i-entertain ang kaibigan ko sa mga tanong nito. Bukas na ang deadline ng tissue holder na project namin sa arts. Ewan ko ba't yun ang pinaproject sa amin ng teacher ko sa MAPEH.
Inabala ko ang sarili sa buong maghapon sa lahat ng subjects. Kasali kasi ako sa top 5 ng klase at ayaw kong mawala sa pwestong top 4. Average lang naman akong estudyante.
Nahinto lang ang ginagawa ko ng pumasok na ang teacher ko sa Filipino.
"Ok class. May homework kayo pero kailangan mag-isip kayo ng trademark lines ng isang pelikula na tumatak sa mga manunuod." Anunsyo ni Ma'am sa buong klase.
"Ma'am, solo po ba?" Sabi ng kaklase kong si Jops.
"Pwedeng solo pwedeng hindi" ganting sagot ni Ma'am.
Nag-iisip ako ng pwede kong lines ng kalabitin ako ni Miggy.
"Kate pwedeng partner tayo? Ako nang bahala sa lines" sabi niya.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko kasi alam kung papayag ako o hindi. Magaling din naman siya at kung tutuusin isa siya sa mga lalaking kaklase ko na matalino.
"Sige, pero paano ko makakabisado yung lines ko?" Pagpayag ko sa kanya
Gumuhit ang mga ngiti sa mga labi ni Miggy sa pagsang-ayon ko. "Salamat. Huwag kang mag-alala ibibigay ko sayo bukas ng umaga sa first subject natin". Pag aassure niya.
"Sige sige." pagkasabi ko nun ay magpaalam na ako sa kanya.
"Hey." tawag sakin ni Vann.
"oh bakit?" kunwaring pagtataray ko.
"Kain na tayo." sabi niya na sinabayan na din ako sa paglalakad papuntang canteen.
Tahimik lang kaming naglalakad pero pansin kong hindi siya mapakali.
"Oy anung nagyayari sayo?"
"W-wala n-naman." pagsisinungaling niya. Alam ko namang may problema ito.
"Sabihin mo na kasi. Ano pa't naging kaibigan mo ako kung hindi mo sasabihin sakin 'yang problema mo." Pagsusungit ko sa kanya.
"A-ano kasi. A-amm...."
Nakatingin na ako sa kanya habang nag-aantay ng sasabihin pero ilang minuto na ang lumipas hindi na nasundan ang mga sinabi niya.
"Bahala ka nga d'yan ang gulo mo."
Matapos ang tahimik naming pagkain ni Vann ay bumalik na din kami sa klase.
Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Nag-aayos ako ng gamit ko ng biglang lumapit sakin si Miggy.
"Kate bukas ha?" Pagpapaalala niya sakin.
"Oo ba. Bukas din ha yung lines ko." Pag-aassure ko.
"Oo naman di ko kakalimutan. Salamat sa pagpayag. Una na ako." Pagpapaalam niya.
Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit dahil ang kalat. Hahahahah siksik lang kasi ako ng siksik sa bag ko ng mga gamit ko.
Napansin kong ako na lang pala ang nasa room. Natural na sakin ang susi. Sa akin kasi ipinagkatiwala ng adviser ko ang susi dahil sa malapit lang daw ako at ako ang nauunang pumasok sa aming lahat.
Hindi ako mapakali pero parang may kasama ako sa room. Kaya binilisan ko ang pag-aayos. Hindi ako takot sa multo no kung iyan ang nasa isip niyo. Mas takot ako sa tao.
Yun kasi ang sabi nila Papa. Mas matakot daw kami sa buhay kaysa sa patay.
Pi-nod lock ko na ang pinto ng classroom namin na ganun pa din ang nararamdaman ko. Hindi ko alam pero parang may nakatitig talaga sakin.
Paglabas ko ng gate kumpleto na sila Kaka. Hinahatid kasi nila ako pauwi hanggang sa kanto malapit sa looban papasok sa lugar namin. Hindi ko na kasi sila pinapapasok dahil abala sa kanila at pababa ang daan.
Habang magkakasama kami hindi ako mapakali dahil buhay pa din ang nararamdaman kong may nakatingin sakin.
Siniko ako ni Tugs.
"Oy bok may problema ba?"
"Wala naman pero kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sakin. Ang creepy nga eh kanina pa to sa school." Pag-amin ko sa kanya.
"Feeling ka lang bok. Kala mo maganda ka para pagtinginan assumera ka te" Sabi niya sa baklang boses.
"Ang eps mo talaga tatanong tanong ka tapos babarahin mo ko."Pagtataray ko. Ganyan yang mga yan eh.
"Wag mo na kasing pansinin kung ano man yan, guniguni mo lang yan te." Sabi niya
"Oh bok dito na lang kitakits ulit bukas" Pagputol ni Jeric samin ni Tugs.
Nagpaalam na ko sa kanila at tanging saludo at tango lang ang natanggap ko sa kanila.
Pumasok ako sa looban na hindi nagbabago ang nararamdamang may nakatingin sa akin. Napanatag lang ako nang nasa loob na ako ng bahay.
-
BINABASA MO ANG
Love From Click
HumorHindi alam ni Kate kung saan nangyari at paano nagsimula ang kakaibang nararamdaman niya sa lalaking sa text niya lang nakilala. Sa mata niya isa lamang siyang nagpapanggap na matchmaker sa kaibigan niya't katext nito. Ito yung pag-ibig na hindi ni...