"May assignment na kayo?" - Jeric"Wala pa. Pakopya naman" - Vann
"Ayoko. Namimihasa kayo ah wala munang kaibi-kaibigan ngayon" - Kaka
"Ang damot mo naman" - Ghe
Pinagmamasdan ko lang silang mag-away araw-araw na lang silang ganyan. Ewan ko ba bakit nagswak kami bilang magtotropa. Sa kanilang lahat si Kaka at Vann lang ang kaklase ko ngayon. Si Gelay nandoon pa din sa dati naming section. In short watak watak kami ngayon.
Hindi pa din sila tumitigil kakapilit na pakopyahin sila ni Kaka kaya nagpasya akong pumunta sa room ni Gelay.
Me: Punta ako dyan.
(Gelay: Sgesge w8 kta :*)
Matapos niyang magreply naglakad na ako papunta doon. Di naman ganong kalayo yung room ko sa room nila kaya nakarating ako agad. Nasa star section si Gelay kaya kung titignan niyo ang room nila halos mga busy sila sa kakagawa ng mga projects nila lalo na kung may club ka. Lumapit naman siya agad sakin nung mapansin nya ako.
"Bhebhe sali sa clan namin. May manliligaw ako doon. Ang sweet nya sakin hahaha pero hindi ko alam kung seryoso siya". Mangisay-ngisay niyang sabi dahil sa kilig. Nakataas lang ang kilay ko sa sinabi niya dahil hindi naman ako mahilig sa clan.
"Magkaiba tayo ng network baka nakakalimutan mo" Pagtataray ko sa kanya.
"Dali na kasi ang kj kj mo talaga. Sali kana ako magsesend ng number mo sa founder namin." Pagpipilit niya. Tahimik lang ako habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Uyyyy dali na ha. Pumayag ka na masaya yun"
"Magkaiba nga tayo ng network makuliti ka" Naiinis kong sabi. Eh di naman kasi ako sumasali sa mga clan clan na yan.
"Akong bahala sayo. May simcard pa ko sa bahay di ko naman masyadong ginamit yun ea."
"Ayoko!"
"Anong ayaw mo? Ayaw mo sumali o ayaw mo nung sim?" Nagtatakang tanong nya. Sa totoo lang ayoko magpalit ng sim hindi dahil sa ayoko sumali sa clan kundi dahil natatakot akong muling makatext si Charles.
-----
(flashback)"Mommy!" Tawag ko sa bakla naming kaklase.
"Oh bakit nak?"
"Gm mo naman yung number ko sa mga kaklase natin."
"Sus yun lang pala sige nak awrahan natin yan mamaya".
Nagpalit ako ng sim kahit na ayaw ni Papa dahil mahihirapan daw silang ma-contact ako. Nagvibrate yung phone ko at nag-appear ang pangalan ni Mommy Barbs
[Mommy Barbs:]
Oi Welcome nio 2 mqa klasm8
09261699***
mqnda gya koeh
mb8
mquiniz
neym nia KATE
wak nionq bs2cn buqbuqin aberna koeh kauqm. Barbszqanda]
Wala pang ilang minuto nagsipagtext na mga kaklase ko. Ako naman pinagsesave na mga numbers nila pero yung taong inaantay kong magtext eh hindi naman nagparamdam. Assuming ka kasi masyado Kate yan tuloy umaasa ka sa wala.
Alas-dyies na pero di pa rin ako makatulog siguro dahil na disappoint ako kahit hindi naman tama. Pagulo-gulong lang ako sa kama ng biglang nagvibrate ang phone ko.
[09053425***: wow welcome :D]
Sino to? Hindi man lang nagawang magpakilala.
[Me: hu u po? ] bored kong reply sa kanya.[09053425***: c Charles to ;P]
Nagpakilala lang naman siya pero heto ako't nakangiti.Ilang araw na din kaming magkatext magmula nung nagpakilala siya sakin.
Kinabukasan maaga akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit pero naeexcite kasi akong makita siya agad. Maaga pa naman kaya magsi-cr muna ako. Sa building na to bago ka makapunta sa cr ng mga babae ay madadaanan mo muna yung cr ng mga boys.
Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga lalaki sa loob dahil ang lalakas ng tawanan nila.
"Ang galing mo pre. Basta pera talaga e nu magaling ka" - Boy 1
"Gagi pre syempre katuwaan lang hindi naman alam na kakagat pala yung Kate na yun."
Napahinto ako sa paglakad ko. Nanginig yung mga tuhod ko.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko kung sino ang may ari ng boses na yun. Nagtago ako sa lugar na hindi nila ako makikita kahit na nanghihina na ko. Kailangan kong makumpirma kung siya nga talaga ang nagsabi nun. Hindi din nagtagal lumabas din sila.
"Oy pre yung bayad sa pustahan sisingilin na kita." - Charles
Naninikip yung dibdib ko. Ang mga luhang kanina pa nagbabadya ay nag-uunahang kumawala sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan. Parang may tumutusok sa dibdib ko ng sobrang lalim at paulit-ulit.
Narinig kong nagbell na at dumiretso sa pila dahil magsisimula na ang flag ceremony pero hindi pa din ako humuhinto sa pag-iyak.
"Lupang hinirang duyan ka nang magi. . . . .~" kanta ng mga estudyante. Kumakanta lang sila habang ako humihikbi sa pila ng section namin.
Pansing kong napapasulyap sa gawi ko ang mga estudyante dahil umiiyak ako habang kumakanta sila ng Lupang Hinirang. Pero kiber ko sa kanila. Wasak ang puso ko at kailangan ko itong ilabas.
Nang matapos ang flag ceremony nilapitan ako ni Vann.
"Anong problema? Bat ka umiiyak?" tanong niya sakin habang lumalayo sa mga kabatch naming tsismoso't tsismosa.
"Gusto ko ng umuwi." Pagpilit ko sa kanya. Hindi naman siya tumutol kahit alam niyang hindi pwede pero hintid niya pa din ako sa bahay dahil alam niyang hindi ako ok.
Bago kami umalis sa pila nakasalubong namin sila Charles at halata sa mga mata niyang nagtataka siya kung bakit ako umiiyak.
---
Hi! Sabihin nyo nga sakin kung may emosyon yung mga chapter ko xD.
Hi nga pla kay jungkookjeonie hahahahaha .
BINABASA MO ANG
Love From Click
HumorHindi alam ni Kate kung saan nangyari at paano nagsimula ang kakaibang nararamdaman niya sa lalaking sa text niya lang nakilala. Sa mata niya isa lamang siyang nagpapanggap na matchmaker sa kaibigan niya't katext nito. Ito yung pag-ibig na hindi ni...